Chapter Eighteen
Mga Eksena:
Ngayong araw matatapos ang ika-apat na linggo ng Setyembre. Linggo ngayon ngunit huli na para sa misa kaya sa altar na lamang ginanap ni Isabella ang pagdarasal sa mga poon upang sa paguumpisa ngayong araw.
Pagkalabas niya ng altar, nasalubong niya ang kadarating na si Celia galing sa simbahan. Nakatalukbong pa ang kanyang ulunan.
"Kaawaan ka ng diyos." Wika ng matandang kawaksi nang abutin ni Isabella ang malaya niyang kanang kamay habang ang isa'y hawak ng mabuti ang buslo na naglalaman ng kakanin at sampaguita.
Namilog ang mata ni Isabella nang makita ang minatamis na pagkaing iyon kaya ay agad na inabot iyon sa kanya ng mayordomang si Celia.
"Alam kong paborito mo iyan." Nakangiti ang nanay.
Ngumiti ng malawak si Isabella. "Abay, syempre naman ho!" Tugon niya.
"Si Edward nga pala ang bumili ng kakaning iyan, Isabella. Ipinasabay na sa akin rito dahil bilin niya, may pupuntahan pa raw siya." Napaisip na lamang si Isabella dahil linggo ngayon at tuwing ganito hindi lumalabas ng silid si Edward.
"Saan daw po ang tungo niya?" Magalang na tanong ni Isabella, naghihintay. Subalit sinagot lamang siya na wala siyang ideya kung saan nagtungo ang asawa.
Nauna na ang nanay sa baba upang umpisahan na ang pagluto habang naiwang napapatanong si Isabella kung saan ang tungo ni Edward. Kibit-balikat na inalis sa isip ni Isabella iyon at kanya na lamang sinundan ang nanay sa baba upang hiwain ang kakanin at kanilang paghatian.
Nasundan ng kwentuhan sina Isabella at Celia sa kusina habang abala sa pagluluto at sa hapag naman napunta ang napasarap na kwentuhan hanggang bumalik ang usapan kay Edward nang hindi sinasadyang nabigyan ni Celia ng ideya si Isabella kung saan naroon si Edward.
"May dinaanan siyang tig-dalawang pumpon ng mga bulaklak roon sa plawer shap." Hindi namamalayan ni Celia na iba ang nasa isip ni Isabella pagkarinig niyon.
Kasunod ng usapang iyon, hindi na nasundan pa ng tungkol sa lalaki nang umiba ng ruta ang kanilang kwentuhan.
Nauna na si Isabella matapos na tulungan sa pag ayos si Celia pagkatapos ay pumasok ng kwarto. Napaupo siya sa kama at kanyang nakita ang nakaharap na repleksyon sa tukador.
Napabuntong hininga siya ngunit bumalik muli sa kanyang isipan ang mga bulaklak na nasabi ng nanay sa kanya.
Marahas siyang napatayo at kanyang tinignan ang tukador saka nilapitan at buksan upang mamili ng maisusuot. Isang simpleng shirtwaist ang kanyang napili bago siya nagpalit. Sunod niyon, hinayaan niyang bagsak ang alun-alon na buhok na kanya lamang kinapitan ng hair pin ang magkabilang hiwa ng buhok.
Napahinga siya nang makita ang kanyang kabuuan bilang pagtatapos bago lumabas ng kwarto.
Agad nakita ni Isabella ang tagapagmanehong si Edilberto na abalang may kung anong kinukumpuni sa de makinang sasakyan. Nilapitan niya ang lalaking may ilang taong tanda sa kanya upang siya'y ihatid sa destinasyong kanyang ibig puntahan.
BINABASA MO ANG
When in July
Fiction HistoriqueDespite the difficult situation surrounded, Edward Frank stayed silent in the waiting, without giving up to win Isabella Garces', "Oo." The world is at war; when will the souls meet for the second chance? When in July? Disclaimer: Filipino Start...