Chapter 14: Mga Panauhin

2 1 0
                                    

Chapter Fourteen





May dalang lamig ang panahon ngayon. Kung gaano kainit ang hatid ng kahapon, salungat naman niyon ang ngayon at nakakatawa dahil init naman ang hanap gaya kahapon na lamig ang hiling ng katawan.

"Isuot mo ng maayos ang iyong balabal, Senyora, lalo na't may hatid nang lamig ang hangin." Paalala ni nanay nang maiabot sa akin ang aking balabal para mainitan ang lamig na lamig kong braso.

Nagpasalamat ako kasabay nang pagsuot ko ng balabal habang pinapanood ang mga ganap sa baba ng calle. Wala itong pinagkaiba sa mainit na panahon, lahat ay abala sa mga ginagawa. Karamihang dumaraan sa basang ulan ay ang mga may sasakyang de gulong at mga may payong na tumatawid sa abalang kalsada ng calle Agustino.

"Mamaya pa ang tila ng ulan. Dumaraan lang iyan at hindi magtatagal dahil normal ang araw ngayon. Lalabas muli ang araw." Mahabang eksplenasyon ni nanay na aking tinanguan.

"Bagot na ako rito nanay, nais kong bumalik ng trabaho. Ako'y nasasabik na bumalik muli sa pagtuturo. Ang kanilang pagtaas ng kamay ay nakapagpapasaya sa akin bilang guro." Nagbalik tanaw ako habang ramdam ko ang pagtahimik ni nanay.

Sumagot ulit siya makaraan ang ilang segundong tahimik, "Alam ko na mahal mo ang pagtuturo subalit hindi ako ang makapagdidesisyon niyan, ang mamá mo senyora." Ngumiti ako ng mapakla dahil naalala ko nanaman ang mga ala-alang nakatago sa likod ng sinabi ng nanay. Sumikip ang aking dibdib at hindi maiwasan ang pagbalon ng mga luha sa aking mata.

"Oh siya, ako'y magsasaing pa Isabella." Ani nanay pagkatapos ay nagpaalam na nang naulinigan ang aking pagtahimik. Nang makaalis ito, saka ko lang pinalis ang luhang dumaloy sa aking pisngi.

***

Malamig sa loob ng opisina ni Edward. Bukas ang bintanang pinapapasok ang lamig ng panahon na umiikot sa loob ng kwarto. Pinagmamasdan ni Edward ang labas na ang katapat ng bintanang bukas ay saradong bintana sa kabila gusali.

May kumatok sa kalagitnaan ng kanyang pamamahinga. Pumasok una ang nakababatang kapatid na si Rosalind kasunod si Adeline na suot ang magagandang ngiti. Halo-halong emosyon pero mas nangibabaw ang kuryoso kung bakit kasama ng kapatid ang babae.

"Kuya!" Masayang lumapit si Rosalind kay Edward na agad namang sinalo sa yakapan.

Si Rosalind ay likas na masiyahing dalaga. Dalawampung taon na ang kapatid pero para kay Edward, bata pa ito sa paningin niya at kailangan pa ng puprotekta. Hindi na mawawala pa sa isipan ni Edward ang kapakanan ng kapatid lalo na't lumalaki itong marikit.

Nawaglit saglit sa isipan ni Edward na naroon pala si Adeline na masaya sa munting ganap sa kanila. Iniisip niya palang kung ano ang sunod na mangyayari kapag may makakita man sa kanila na kasama ito, baka pagisipan na ng masama.

"Siya nga pala kuya, sinamahan ako ni Adeline." Ngiti ni Rosalind matapos ang isang mainit na yakap sa kapatid. Tumabi ito kay Adeline dahilan upang mawala ang kaunting ngiti sa labi ni Edward.

May kung anong pakiramdam ang hatid ng tindig at ayos ng mukha ni Edward na nararamdaman ni Adeline. Tila hindi siya makahinga ngunit desidido parin na makuha ang loob ni Edward kahit na mahirap man sa sitwasyon niya. Kahit masakit, titiisin niya alang-alang sa pag-ibig.

Wala pa man ginagawa si Adeline pero sinusubok nanaman ang pasensya ni Edward. Nalimutan niya ang salitang pakisama nang makita muli ang babae.

Ngumiti si Adeline kahit na pilit lang iyon, kahit na walang respondeng makuha sa lalaki ay sapat na para sa kanya.

When in JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon