Chapter 2: Harana, Liham, Rosas

3 1 0
                                    

Song for this chapter: You are my sunshine by Jimmie Davis (Release date: January 30, 1940)






Chapter Two







Hinablot ako ng lalaki sa dilim. Nanlaban ako subalit buong lakas nito ako niyakap na akin namang kinagulat subalit ang kinikimkim na luha ay bumuhos sa balikat nito na dahilan ng kanyang pagbitaw sa akin. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang salubungin siya ng sampal at kinuwelyuhan subalit nawalan ng lakas dahil sa nararamdaman.

"Iniwan niya ako."

Tinitigan ko siya sa kanyang mata. Malalim ang tingin at walang emosyon pero alam ko, naaawa lamang ito sa akin.

"Hindi ako ang babaeng papakasalan niya. Tulungan mo ako..." sumamo ko sa lalaking hindi ko naman kilala ngunit ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay kailangan may masabihan ako ng bigat ng nararamdaman.

Tumigil ako at ngumiti ng mapait.

"Sana hindi ko nalang ipinagpilitan ang aking sarili sa kanya." May kasamang pait ang ngiti sa aking labi at alam kong naaawa na ang lalaki sa akin. Alam ko na hindi pwede itong ginagawa namin sa publiko ngunit alam ko iisipin ng ilan may namamagitan sa amin.

"Hindi pinipilit ang pag-ibig, binibini." Aniya habang nakatingin sa malayo. Alam ko iyon at masakit na ang ibang tao rin ay sasabihin ang eksaktong sasabihin ng taong mahal mo.

"Tama ka." Sa wakas ay natuon muli ang mata nito sa akin dahilan upang yumuko ako.

"Dahil isa lamang akong kontrabida sa pagmamahalan nila. Sino ba naman ako upang mahalin pa kung may mahal naman itong iba... mahal niya lamang ako bilang kaibigan. Isa lamang akong kaibigan."

"Atleast learn to be grateful, binibini." Nagulat ako sa boses nito dahilan upang lumayo ako sa kanya. Amerikano at hindi mestizo ang kinakausap ko at dahil iyon sa katangahan.

"Paumanhin-I-I'm sorry, Mr." Agap ko at tinalikuran siya dahil sa kahihiyan at inayos ang sarili paalis doon.

"Ikaw?!" Bulalas ko nang bumalik ako sa huwisyo. Napakalaki ng mundo ngunit pinili nitong umikot sa amin.

Ngumiti ito, "Ako nga." Aniya na halong paggalang sa tono ng kanyang pananalita.

"Paanong-" hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang magpakilala ito.

"Edward Frank." Akin namang sinundan ng tingin ang pag yuko nito.

"Sa lahat ng tao..." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang nararamdamang kung ano sa akin habang tinuturo siya na tila hinahanap ang tamang salita na maidudugtong sa naghihintay na wika.

"Kita mo na Maria Theresa." Naroon sa gilid sila mama at ang doña na nakangiti sa amin. Gulat naman akong napaisip kung narinig ba nila ang kahihiyang sinasabi ko.

Ngunit mabilis ang mga pangyayari. Nang araw ng aming kasal ay pamilya namin at nila Edward lamang ang tanging dumalo.

Nang matapos ang selebrasyon ng aming kasal ay agad akong pumanhik sa kwarto naming mag asawa. Kinabukasan ay ni hindi ko naramdaman ang presensya ni Edward subalit pasalamat nalang ako dahil hindi ako kumportable na may katabi.

"Isabella." Agaw pansin sa akin ni Edward na aking katabi habang nanonood.

Hindi ko namalayang tapos na pala ang pelikula.

"Halika na."

Hinawakan ko ang kamay nitong naka abot sa aking harapan habang sinasariwa pa ang nakaraan.

When in JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon