Chapter 6: Huling Gabi

2 1 0
                                    

Chapter Six






September 19, 1937.




Umaga nanaman at tila hindi matigil ang pagbuhos ng ulan. Mula sa bintana ay pinapanood ko ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng hindi pa tumitilang ulan.

Kita ko mula rito sa aking kinatatayuan ang malawak na taniman ng tabaco sa aming hacienda. Suma-sabay sa paggalaw ang mga dahon nito na para bang sumasayaw sa ulan.

Hindi naman kumawala sa aking paningin sa malayo ang papalapit na ford. At habang sinusubukan kong tanawin kung sino ang sakay niyon ang siya namang gulat ko kay mama na tumayo sa gilid ko kung kaya't ay nawala sa paningin ko ang sasakyan.

"Ano ang tinatanaw mo rito, Isabella?" Tanong ni Mamá.

"Nagpapahangin lamang ako, Mamá."

"Alam mo ba, noong nabubuhay ang aking Mamá... ganyan rin siya tumingin. Araw-araw ay hinihintay niya ang pagbalik ng Papá pero hindi niya na nahintay ito sa labis na pangungulila niya rito..." Malungkot na kwento ni Mamá dahilan upang daluhan ko siya.

Pagkaraan ng pagbuhos ng ulan ay tinawag ang Mamá sa sala. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang kanilang pag-uusap.

"Patay na raw ang mag-asawang Frank, Doña Theresa. Ito naman ang pinapa-abot na sulat ng mag-asawa."

Nawalan ng balanse ang mamá sa balitang iyon lalo na sa matalik nitong kaibigan.

"Consolacion." Bulong ni Mamá.

At dahil wala rito ang batang kapatid na babae ni Edward ay sa akin na lamang ipinamana ang mga gamit ng yumaong Ina nito. Subalit hindi ko naman tinanggap ang mga iyon sa isiping hindi ko naman hilig ang magsuot ng mga mamahaling aksesorya.

Ngunit ang marinig na wala na ang mga magulang ni Edward ay nakakapang-hinayang. Isipin ko palang na wala na sina Mamá at Papá sa aking tabi ay napakahirap ngunit gaano naman iyon sa pakiramdam ni Edward na mag-isa na lamang sa buhay. Napaka-lungkot isipin.

Nang gabing iyon, muli kong nasilayan ang ganda ng buwan. Napakatahimik ng paligid, naririnig ang tunog ng mga kuliglig at ang ilaw naman na nanggagaling sa buwan.

Malamig ang simoy ng hangin sa gabing iyon, dahan-dahan namang nililipad ang kurtina dahilan upang pumikit ako at damhin ang sariwang hangin hanggang sa makatulog ng mahimbing sa ilalim ng ilaw ng buwan.

Matapos maihatid sa huling hantungan ang mag-asawang Frank, wala sa sariling nilapitan si Edward na tahimik na naka-upo sa mahabang silya. Nakapikit ang kanyang malalim na mata na kita namang walang matinong tulog.

Umupo ako sa tabi nito na hindi man lang ako nagawang tignan. Tahimik parin ito na tila dina-dama ang mga nangyari.

Yumuko ako at tinitigan ang sing-sing na kanina ko pa hawak. Bumuntong hininga ako at tiniklop muli ang aking kamay. Nilingon kong muli ang seryoso niyang mukha saka tumayo. Minabuti kong huwag munang sabihin ang nais ko.

Kasama kong muli si Edward. Sa iisang bubong na kanyang ipinatayo dalawang taon na. Subalit minsan lang daw ito dumalaw ayon kay 'nay Celia, pero nagbago ito simula nang bumukod ako rito.

When in JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon