Chapter 7: Imbitasyon sa Piging

2 1 0
                                    

Chapter Seven




Maaga akong umuwi at natanaw ko agad ang Chrysler Plymouth ni Edward kaya naman diniretso ko ang lakad sa bahay. At ang unang bati sa akin: "Oh! Nariyan ka na pala, Isabella!" Ngiti ni nanay Celia.

"Mano po 'nay." Sabay naman abot ko ng kanyang kamay na marahil pagod nanaman buong araw.

"Kayo na lamang ho ang magsalo-salo sa hapag." Patuloy ko sa aking bati upang matapos na ang aming batian sa gabing ito dahil nakakapagod ang buong maghapon ko.

"Pero..." hindi ko na pinatuloy si 'nay Celia sa kanyang sasabihin sana, "Nakipagkita ho kasi ako sa isang matalik na kaibigan galing probinsya at maghapon na kasama at kakwentuhan." Iyon lang naman ang eksplenasyon ko, ngunit ang pagkunot sa kanyang kilay ay unti-unting lumabas.

"Mali ho kayo ng..." imbis na patapusin ako ay siyang mabilis niyang sinabi, "Nagluto pa naman si Edward ng hapunan." Rinig ko ang boses ng pangongonsensya kaya hindi ko maintindihan ang sarili na sundan ng tingin ang naglalakad na si nanay Celia papasok ng hapag kainan.

Pagkapasok ko ng silid, doon sa naghihintay na kama binagsak ang pagod na katawan. Kaya lang, nauwi lamang sa pagtulog.

Dampi ng mainit na bagay ang nasa aking pisngi at pagkatapos ay unti-unting umaalis, dahilan upang mamungay ang aking mata sa nakatalikod na ngayong likod ng lalaki.

Kinusot ko ang aking mata at sabay sabing, "Sandali." Wala akong ideya sa nangyayari. Napatigil ko naman ang lalaki at humarap sa akin ang makisig na mukha ni Edward. Nakakahiyang isiping asawa ako ng lalaking hinahangad ng maraming babae, samantalang wala akong kwenta sa pag-ibig niyang patuloy kong winawalang bahala.

Hindi siya nagsalita kaya nagbulontaryo ang nagmamagaling kong dila, "Ed-ward?" Gusto kong lumubog sa kama dahil sa simpleng tawag ko sa kanya na pumalya siguro sa kanyang pandinig.

Nanlalaki at ninenerbyos ang kulay kayumanggi niyang mga mata na sinabayan niya ng aksyon. "Paumanhin, Isabella, nagising kita." Aniya sa pagaako ng kasalanan.

"Hindi, ayos lang." Hindi ko inasahang lumabas iyon mismo sa aking bibig.

"Ah... maaari ka ng umalis at baka naabala pa kita." Dag-dag ko pa na kanya namang ikinailing. Lumunok ako ng ngumiti siya ng tipid at sa pagkakataong iyon, nakita ko ang Edward na una kong nakitang nakangiti sa akin noon.

Aba kung magmamaldita lamang ang tanging gagawin sa buong araw ay mas gusto ko nang dalhin hanggang kailan ko gusto.

Katabi ko lang naman ang ngiting-ngiti na si Edward dahil sa kung anong bagay na kanyang iniisip ngayon. Hindi ko alam kung ganito ba siya sa tuwing nakikita ako? May nakakatawa ba sa akin na hindi ko makitang nagpapatawa ako?

"Malamang sa malamang, natusok ko na ang iyong mata kakatingin sa akin." Irap ko sabay pinagsalubong ang mga braso.

Aba't! "Hindi ba napapagod iyang mga mata mo?" Nilapit ko na ang aking mukha sa kanya upang tumapat sa kanyang tainga ang aking bibig at madama kung gaano ko pinaninindirihan siya.

Ginawa nga niya ang nais ko, kaya lang nakuha niya ang inis ko sa simpleng pagngiti niya ng hindi gaanong pansin sa mga narito. Lalo na kina Mamá at Papá.

"Siya nga pala." Tawag pansin nito at tila nahihiya ang kanyang kamay na tinuturo ang kung ano sa mesa habang ako'y abala sa pag-obserba ng kanyang damit pang tulog. Dala siguro ng masuri kong tingin sa may butas na parte ng kanyang damit ay mabilis niya iyon tinakpan at nahihiyang hinamas ang maputing leeg.

"Ah... mauna na ako." Ngiti niya bago niya ako iwan, "Magandang gabi." Paalam niya.

Akin namang tinanguan ang pagalis niya bago ko tinignan kung ano ang bagay na tinuturo niya kanina at adobo iyon na naghihintay sa akin upang kainin ko.

When in JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon