Chapter 17: Huling Habilin

3 1 0
                                    

Chapter Seventeen







Kaganapan sa Edward Frank's place:








Pasado alas cuatro y media nagising si Isabella. Kagigising lang rin ng mayordoma na si Celia. Maririnig sa labas ng kalsada ang iba't-ibang ingay lalo na ang nagiging abala nanamang kalsada sa umaga, may mga nagsisilako rin na mga lalaki, matanda man o bata basta mabalanse lang ng kanilang balikat ang mahabang kahoy na may pumbrera sa magkabila dulo nito ang kanilang hinahatid sa mga may trabaho, (karaniwan ay nag o-opisina).

Nagsisimula nang magluto ang ilang kapit-bahay na maguumpisa ng panibagong araw habang sa kabilang kalsada naman ay nakabukas na ang panaderia, na ang pangunahing tinapai na kanilang ginagawa ay pan de sal dahil iyon ang laging hinahanap-hanap ng mga mamimili.

Nagdaan ang dalawang kalesa at kalabaw na hila-hila ang kareta'y sumingit sa eksena si nanay Celia na katatapos lamang magluto.

"Handa na ang hapag, senyora." Magalang na batid ng nanay. Madaling araw palang noon, hindi pa gaano lumalabas ang sinag ng araw sa mga oras na iyon.

"Mukhang inumaga nanaman sa paguwi si Edward, nanay." Napuna ni Isabella ang garahe nang dumaan ang kanyang paningin doon bago pa man niya mabigyan ng atensyon ang nanay Celia.

Sumagot ang nanay, "Bago lamang siya nakauwi, sa tutuusin nga ay hindi mo siya napansin na nakatanaw kanina rito bago tumuloy ng kanyang silid." Narito siya sa balkonahe ng mansyon kaya paano niya mararamdaman ang presensya ni Edward kung nilulunod iyon ng pagtanaw niya sa calle.

"Ganoon ho ba? Huwag na lamang ho natin siya gisingin kung gano'n, baka ay pagod siya sa kanyang trabaho saka magdamag na gising." Tugon ni Isabella na agad namang sinangayunan ni nanay Celia.

"Tayo na lamang ho ang magsalo sa hapag, Nanay." Aya ni Isabella at pinangunahan ang daan papuntang hapag.

Nadatnan sila ng sinag ng araw pagkalabas ng mansion matapos kumain ng pang himagas. Pumaroon sa likod-bahay si Isabella upang mamitas ng iba't-ibang klase ng bulaklak para palitan ang mga lumalagas nang mga talulot ng bulaklak sa plorera sa baba at taas ng bahay.

Napangiti si Isabella sa pumpon ng bulaklak na nakakulong sa kanyang hawak.

Bumalik muli siya sa loob at laking gulat na bumungad si Edward sa hamba ng pinto.

Napatingin siya sa kanyang balikat. Nakalihis ang robang suot kung kaya't nakikitang mabuti ng asawa ang maputi nitong balikat at braso.

Napaayos si Isabella at tumikhim habang napapalihis naman ng tingin si Edward at napapakamot ng kilay.

Tumuloy si Isabella ngunit hindi pa niya nalalagpasan si Edward nang ito'y nagsalita upang mapatigil siya. Nagbatian silang dalawa ng hindi man lang tumingin sa isa't-isa.

"Mamaya... Ang abuela ay mamamasyal rito kasama ni Rosalind." Ang sabi ni Edward matapos na iwan niya si Isabella at nagtungo sa likod-bahay kung saan bubuksan ang tarangkahan roon.

Tahimik na lamang tinungo ni Isabella ang pangalawang palapag. Dineretso ang lakad sa tapat ng plorera na bagong salin ng tubig at kanyang inayos roon ang mga bulaklak.

Matapos sa pangalawang palapag, tinungo naman niya ang sala at ganoon rin ang ginawa hanggang matapos.

"Magandang umaga ho senyora, Adoracion." Napatigil sa kaunting pag ayos ng mga bulaklak si Isabella at napatingin sa pinto.

When in JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon