Dear Readers,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dear Readers,

Welcome to ALINGASNGAS! This is a work of fiction, and any resemblance to real events is purely coincidental. Please bear with us for any typos or grammar errors, as we strive to improve. We may be slow updaters at times, but we're dedicated to this story. Thank you for joining us on this journey!

With gratitude,
Authors.

~~~

"Sa di kalayuan, tanaw ko kung paano sila magtawanan, para bang walang ni isa sa kanila ang may naiitagong mga lihim at motibo. At mukhang hindi matatapos ang buwang ito na, hindi mabubunyag ang lahat lalo na ang---"

[Balang-araw, masusulat ko kaya
Ang kanta na bibili ng bahay sa Santa Rosa?
Maglalagay ako ng 7-Eleven sa highway
Kahit ayaw kong maging kapitalista]

Na kikisabay ang lahat kay Yancy habang kinakanta niya ang Verse 1 ng kanta habang palihim na nakatitig sa babaeng nagbibigay ng kulay sa buhay niya.

[Kasi sabi mo, 'Bawal ang mag-motor'
Pero ang totoo
'Di bale na ako
Ikaw lang naman
Ikaw lang iniisip ko, kasi]

Nagpatuloy lamang sa pagkanta sina Prince at Yancy hanggang sa natigil ang lahat sa pagkanta nang biglang sumigaw si April.

"Ahhhhh!" nakabibinging tili ni April na halos ika-sakit ng tainga nila kaya't napabaling ang tingin nila sa tinitingnan ni April.

Isang matandang lalaki na balbas sarado ngunit makikita mong malakas pa. Magsasalita na sana si Anya nang maunahan sila ng matandang lalaki.

"Nang dahil sa mga madudumi niyong kaluluwa, nagambala n'yo ang dapat hindi na! Habang maaga pa, magsi-alis na kayo rito!" sigaw ng matanda sa kanila bago ito tumalikod at umalis.

Ngunit bago umalis ang lalaki ay palihim itong nagbigay ng isang makahulugang tingin sa isa sa mga kasama nilang kanina pa walang imik.

"Goshhh! That old man scared the hell out of me!" saad nang pinaka maarte sa barkada nila si April.

"Uhm, guys, I think it's time for us to rest. It's nearly 11 PM," agad namang sumulpot sa eksena si Ianna.

"Owws, andyan ka pa pala, Ianna dear?" puno ng sarkastikong saad ni April kaya't bago pa magkagulo ay sumabat na si Alyssa.

"Tama si Ianna, guys. Magpahinga na tayo," pagkatapos ni Alyssa magsalita ay agad namang sumang-ayon si Rockxel at Yancy nang sabay.

Habang ang iba ay nagsimulang magsitayo at mag sipasok nasa kani- kanilang mga tent upang magpahinga, may naiwang isa sa kanila na nakatulalang nakatingin sa malayo. Puno ng takot at pangamba ang makikita mo sa kulay itim at bilugan nitong mga mata.

TO BE CONTINUED...

The True Enemy Where stories live. Discover now