THIRD PERSON'S POV:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THIRD PERSON'S POV:


Masayang naghapunan ang lahat pagkatapos ng kanilang laro.

"Ano ba 'tong adobo, bakit maalat?Maarteng sabi ni April na kaagad sinagot ni Kristoff.

"Si Prince ang nagluto niyan," sagot nito kahit ang totoo ay pinagtulungan nina Anya, Rojhezelle, at Ianna ang pagluluto ng hapunan.

"Ha? Ano bang sabi ko? It's so delicious kaya pang 4-star restaurant 'tong adobo ni Prince," sagot nito na ikinatawa ng lahat.

Naghahapunan pa ang lahat pero mabilis na natapos kumain si Miguel, seryoso ang mukha nito habang tinatahak ang daan papunta sa masukal na gubat na walang nakakakita. Makaraan ang mahigit isang at kalahating oras, bumalik ito sa mga kasama na parang walang nangyari.

Pagkatapos kumain, nagpahinga ang iba sa kani-kanilang tent at ang iba naman ay nanatiling nakaupo sa labas at tinitingnan ang mga bituin.

"Napakaganda ng bituin sa kalangitan ngayon, nakakaaliw ang kanilang kinang," namanghang sabi ni Alyssa habang nakatingala sa kalangitan.

"Oo, sang-ayon ako sa sinabi mo. And somehow, those stars remind me of some memories I cannot forget," sabi ni Hilary habang unti-unting binababa ang tingin sa lupa.

"Matulog na tayo, Hil. Madami ng lamok sa paligid, para rin makapagpahinga na tayo," sabi ni Alyssa habang umaambang tatayo.

Kalagitnaan na ng gabi at tulog na halos ang lahat, pero gising pa rin si Ianna. Nasa labas siya ng tent habang nag-iisip ng malalim.

Alas-siyete ng umaga at gising na ang iba habang nagluluto sina Anya, Janina, at Rojhezelle ng umagahan. Napag-isipan nina Yancy, Kristoff, Prince, at Rolen na mag-ikot-ikot sa gubat.

"Huy, hintayin niyo naman ako!" Nagmamadaling tumatakbo si Rolen.

"Dun tayo banda sa may tulay, parang may nakita yata akong footwalk diyan nung pagdating natin dito," turo ni Kristoff sa may tulay.

"Sige, sige," si Prince na sumusunod sa kanila.

Pagdating nila sa may tulay, agad nilang tinahak ang daan na sinasabi ni Kristoff. Matapos ang ilang minutong lakad, may nakita silang lumang bahay. Napapalibutan na ito ng mga baging at mga lumot, sira na rin ang ilang bahagi. Ang bahay ay nasa dalawang palapag, mayroong lumang balkonahe at mayroon ding hardin sa gilid na may makikitang lumang fountain.

"Wow, di ko inaakalang may ganitong lugar pa dito," namamanghang sabi ni Yancy habang inililibot ang mata sa paligid.

"Siguradong magandang lugar ito noong araw," sagot naman ni Prince.

Nilibot ng apat ang bahay hanggang sa kasuluk-sulukan nito. Nasa may masukal na halamanan si Rolen nang biglang...

"Ahhhhhhh!" sigaw nito.

"Ano ba 'yan? Para kang bakla kung sumigaw," sabi ni Yancy sa kanya.

"Ano ba 'yan? Sabihin mo na," naiiritang sabi ni Prince.

"May nakita akong bungo!" pasigaw na sagot ni Rolen na ikinagulat ng tatlo.

"A-ano? Bungo ba kamo? Saan?" Naniniguradong tanong ni Yancy.

"Doon banda sa likod ng malaking halaman 'yon," sagot ni Rolen.

Agad nilang tinungo ang tinuro ng kasama, nababahala sa makikita nila.

At nandoon nga, may bungo silang nakita sa likod ng halaman, bungo na mahahalatang ilang taon na ang tanda.

"Ano kayang nangyari diyan?" takot na tanong ni Prince sa mga kasama.

"Hindi ko alam pero... hindi ba dapat may kasama. Bakit ba tayo nandito pa? Delikado na dito lalo na't bungo 'yan na nakita natin. Dapat na tayong umalis," sabi ni Yancy na nagpapakita ng pag-aalala para sa kanilang kaligtasan.

"Oo nga, Yancy. Tama ka. Mag-ingat na tayo at maghanap ng ibang lugar na mas ligtas," dagdag ni Kristoff.

Agad silang umalis sa lugar at nagtungo sa parking kung saan naroon ang kanilang sasakyan. Ngunit nagulat silang hindi gumagana ang sasakyan ni Rockxel.

"Guys, masamang balita. Hindi gumagana ang sasakyan. Pinilit kong paandarin pero ayaw talaga. Pati makina ayaw ng gumana," sabi ni Rockxel na hinihingal dahil sa kakatakbo.

Nadismaya ang lahat sa narinig nila. Nanatili silang nakatayo habang ang iba ay napahiga na sa pagkabahala na kanilang nararamdaman. Bigla silang narinig ng malakas na ingay sa likod nila, kaya't agad nilang nilingon at mas lalong napuno ng takot ang kanilang mga puso ng makita nila ang...

IANNA'S POV:

"Ianna girl, gising na! Mag-almusal na tayo!"

Masamang panaginip lang pala. Isang panaginip na puno ng kaba at takot. Nagising ako sa paraan ng pagyugyog sa akin ni April, pawis na pawis ako at hinihingal habang unti-unti akong bumabangon.

"Oh, what happened?" Tanong ni April, nasa loob pa rin ng tent.

"Wala. Masamang panaginip lang," maikling sagot ko.

The True Enemy Where stories live. Discover now