Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




ROLJEN'S POV:

Ilang oras ko nang sinusubukang matulog pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Siguro dahil parang may mga mata na nakatingin sa akin, parang lagi nila akong tinitignan.

"Haysst, makalabas na lang," mahina kong sambit at dahan-dahang lumabas ng tent ko.

Umupo ako sa damuhan na hindi gaanong kalayo sa tent ko, sapat na makita ang ganda ng buwan. Maliwanag at tahimik sa labas dahil full moon. Napatingala nalang ako at namamangha sa ganda ng buwan at ng paligid. Ngunit unti-unti itong natatabunan ng mga ulap ang buong buwan at sabay nito ang pag-ihip ng malamig na hangin na nagdulot ng pagkakasitay ng mga balahibo ko.

"Fuck," mahina kong mura.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng puting dress. Tinitigan ko siya, parang kilala ko siya pero hindi ko maalala.

"Huy!!!" sigaw ko upang makuha ang kanyang atensyon.

Ngunit bigla itong nawala. Nagtaka ako kung paano siya nawala ng ganon kabilis. Napauntong hininga na lang ako at tumayo para bumalik sa tent dahil malamig na rin dito sa labas. Papunta na ako sa tent nang marinig ko ang mga mahihinang yabag ng paa na parang sinusundan ako. Nililingon ko ito pero wala naman akong nakita.

"Guni-guni mo lang 'yon, Roljen," bulong ko para pakalmahin ang sarili ko.

Pumasok na ako sa tent at matutulog na sana nang makakita ako ng anino na naglalakad sa labas ng tent ko.

"May tao ba diyan?" sigaw ko, baka mga kaibigan ko lang at tinatakot ako.

Sinilip ko kung may tao sa labas pero wala naman akong nakita. Umihip naman ang hangin, nakakalamig. Nagtaka ako kung bakit nararamdaman ko ang hangin kahit nasa loob na ako ng tent.

"I have a bad feeling talaga simula nang makarating kami dito," mahinang sabi ko.

Pinabayaan ko na lang iyon at agad na nagtalukbong ng kumot. Wala pang isang minuto ay may naramdaman na naman akong humihila ng kumot ko.

"Goshhh," mahina kong bulong sa sarili.

Gusto kong silipin kung ano ang nangyayari o kung sino iyon pero may kung ano sa akin na pumipigil. Pinag-isipan ko itong mabuti at napagdesisyunan ko na sumilip. Dahan-dahan kong sinilip at laking gulat ko nang makita ang isang babae na tumitingin sa akin na nakangisi.

"Ahhhhhh," napasigaw ako nang bigla niyang akong sakalin.

"T-Tulong," muli kong sigaw habang sinasakal ako ng babae na nakangisi.

Hindi ako makalas o makalaban man lang, para bang hindi ako makagalaw. Napapaluha na ako sa kaba, takot, at sakit na nararamdaman ko. Bahagya itong lumapit sa akin at may binulong.

The True Enemy Where stories live. Discover now