Roljen’s POV

Buhay siya?

Hindi….hindi ito totoo.Pano?

“Yancy?”

Si Andrea iyon na hindi rin makapaniwala sa nakikita

“Buhay ka?at ikaw sino ka?”tanong ko sa babaeng nasa tabi nito

Maiksi ang buhok nito,maputi siya. Nakayuko na tila ba nahihiya sa Amin.

“Ahh ahm ako po si Norielyn. Kami yung mga taong naninirahan sa labas ng gunboat na ito. Nakita ko po kasi tong kaibigan niyo sa van na duguan at walang malay,ginamot siya ni Nanay at pinakain  saka inalagaan namin kaso nga lang ay may binubulong siya palagi na pangalan at sabi ni Nanay ay hanapin ko daw ang mga kasama niya at ibalik siya”

Masama an kutob ko sa babaeng to…mukhang hindi mapagkakatiwalaan

“Pano mo kami nahanap kung ganun?at buhay kana” tanong ko dito

“Ah narinig ko po kasi na may sumisigaw banda rito at kabisado ko na ang gubat na ito” nakangiting ani nito

Napatingin ako kay Yancy na walang kibo,may benda pa ito sa upload niya

“Ilang oras na siyang ganito?” Tanong ni Andrea

“Huh?dalawang araw na po siyang ganito”

Nagulat kaming lahat sa sinabi nito

“Imposible ang sinasabi mo anim na oras pa lang kaming naghahanap sa kanila”sagot naman ni Janina

“Hindi na po Kaya dapat pumunta sa gubat nato,delikado. Tatlong buwan na po simula nang makapasok kayo sa gubat nato. May mga lalaki kaming nilimosan sa araw na yun,kasama niyo din po ba sila?”

Tatlong buwan!?

Kung gayung delikado…bat buhay Kapa?

“Patay na sila”tipid na sagot ni Rojhezelle dito

“Anong tatlong buwan?! Jusko…..anong klaseng gubat ang napuntahan natin”

Tama si April,anong klaseng gubat to?

“Naku,sumama po kayo sakin. Tuturo ko sa Inyo ang daan palabas”

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito,pano kami magtitiwala  sa kanya?hindi siya mapagkakatiwalaan,ano susulpot na lang siya habang nasa gitna kami nang pagkabagabag na pangyayari.

“Why would we trust you?”naka tapas kilay na tanong ko

“Roljen,ano ba nag mamagandang loob yung tao,don’t be to harsh on her”sabat naman ni Anya

“That’s why i hate about you!you trust easily and it leaves you vulnerable.You trust easily but not everyone deserves it . You trust easily,thinking  everyone has good intentions.Kaya palagi lang nasasaktan!Malay ba natin kung sino to?bigla na lang siya sumusulpot!”

“And that’s the problem about you!you don’t trust anyone and it keeps you from forming real connections and you miss out on the beauty of vulnerability !hindi lahat ng tao masama,hindi dahil niloko ka,lahat ganun na;may mga tao pa ring tapat at mapagkakatiwalaan ;matutunan mong maling magtiwala!”

Natigilan ako sa sinabi nito,well she can’t  blame me!palagi siyang naloloko kasi nagtitiwalasiya sa lahat!

“Tama ka hindi lahat ng tao masama,pwes Hindi din lahat mabait;kilalanin mo yung Pinagkakatiwalaan mo kaya ka nasasaktan eh!”

“Psikhi mou,calm down walang maidudulot kapag nag-away pa kayo”pagpapakalma ni Prince sa kanya

See?he even called her my soul and she trust him so easily!parang hindi lang siya niloko ni Prince! Parang kailan lang ay umiiyak to dahil niloko siya ah?tas ngayon napatawad niya na? Bwesit na karupokan yan.

The True Enemy Where stories live. Discover now