ALYSSA'S POV:

"Anong nangyayari dito?" tanong ko nang makabalik sa tent namin.

Naabutan ko ang mga kaibigan kong parang nagtatalo, si Hilary, April na umiiyak, si Anya na pinapatahan ni Janina habang si Prince ay hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Si Rojhezelle na galit na galit na nakatingin kay Hilary na ngayon ay pinapakalma nina Roljen at Ianna.

Magulo, hindi ko rin alam kung anong nangyari. At parang wala ring nakapansin nang pagdating ko.

"Just forget what happened right now," napatingin ako kay Anya nang magsalita ito.

"Hilary and April, don't ever expect I'll forgive you both, and you," tinuro nito si Prince.

"Nice game," pait itong napangiti at pinunasan ang mga luha niya bago umalis.

"Ang gago mo!" Sigaw ni Zcean sa kanya at sinapak ito.

"Gosh! Tumigil na nga kayo!" napasigaw na lang ako kaya napatingin ang mga ito sa akin.

"Alyssa..." tawag ni Yancy at agad na lumapit sa akin.

"San ka galing?" tanong nito matapos akong yakapin.

"Hayaan mo muna, Yanc. She's in panic when I saw her in the woods, let her rest muna," ani naman ni Rockxel kaya napatingin na lang sa akin si Yancy, alam ko kung saan na naman to papunta.

"We're all in shock, and Hilary, Prince you both disgrace to this friendship don't expect we'll forgive you," akmang lalapit na si Hilary kay Rojhezelle ngunit tinulak niya lang ito nang mahina at umalis.

"Ang gago mo, pre," ani naman ni Kristoff at sinundan ang kaibigan.

"We didn't expect you to become like this, Prince, you promised you would love Anya more than anything, you promised you wouldn't hurt her. We trusted you, Rojhezelle is right, we won't forgive you," isang malakas na sampal ang iniwan ni Janina dito bago umalis.

"Wag na wag kang lalapit kay Anya, baka mapatay kita," banta ni Zcean dito at umalis din.

And I don't understand what is happening!

Mag-gagabi na din, napagdesisyunan naming kumain na walang kibuan, walang nagsasalita kahit isa sa kanila at wala ring nagpapaliwanag sa akin kung anong nangyari.

"Kumain na ba siya?" Nabasag ang katahimikan sa tanong ni Andrea.

"Nasa tent siya, kasama niya naman si Rojhezelle dun at ayaw niyang may kausap, ayaw din nilang kumain," si Roljen na ang sumagot noon.

Napatingin ako kay Hilary, April, at Prince na walang kibo din sa kinakain nila at parang nawalan na ng gana.

Ano ba talagang nangyari?

"She must be hurt so much," ani naman ni Andrea at tumingin kay Prince.

At natahimik kaming lahat ulit, tatayo na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko.

"Are you okay?" Yancy asks and guides me.

Parang nanlabo ang paningin ko, hindi ko alam kung anong nangyari at naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko.

"Okay ka lang, Alyssa?" bungad na tanong naman ni Andrea ng magising ako.

Anong oras na? Anong nangyari?

Silang tatlo na lang ang tao dito. Si Yancy, Jun, at Andrea. Baka natulog na ang iba.

"Pahinga ko lang to, masakit lang yung ulo ko, mauna na ako sa inyo."

"Sure ka bang, okay ka lang talaga? Baka may sakit ka?" Tanong naman ni Jun.

Umiling lang ako, at sinabing magpapahinga lang ako kaya wala silang nagawa kundi ang magkatinginan.

The True Enemy Where stories live. Discover now