THIRD PERSON POV:

"Tangina! Imbis na magtalo pa tayo rito, gumalaw na tayo at hanapin sila!"

"Putangina mo rin, April!" Nagulat ang lahat nang bigla na lamang sumigaw ng pagalit si Yancy.

Ito ang unang beses na narinig nila itong galit at nagtaas ng boses. Ang malala pa ay sa babae pa na alam nilang labag ito sa prinsipyo niya kuno.

Ang lahat ay nagpasinghap nang hindi nila namalayan na umigkis na ang kamao ni Prince kay Yancy at malakas na pinagsusuntok nito.

Agad namang nakabawi si Yancy at nagsimulang magpaulan ng suntok kay Prince.

"Ano ba, guys! Hindi niyo ba sila aawatin!? Ano! Papanoorin niyo lang sila!?" Naiiyak at nagsusumamong saad ni Aniya sa lahat na nagpagising sa ulirat ng lahat.

"Bwiset! Tama niyo 'yan!" Saway ni Kristoff sa kanila at nagsimula nang awatin ang dalawa, agad ring tumulong ang mga kalalakihan.

"Tangina, bitawan mo ako, Kristoff! Wala kang karapatan, yang gago na 'yan na ganunin lang si April!" Galit na galit si Prince at alam niyang sa sarili niya na wala na siya sa tamang pag-iisip.

"Ikaw ang totoong gago sa pagitan natin, Prince! Hindi ako!"

"Ako ba talaga o ikaw, Yancy? Hindi ba ikaw 'yung minura ang isang babae?" Naka-ngising saad ni Prince habang pilit pa ring kumakawala sa hawak nina Kristoff.

"Ako pa talaga sinasabihan mo niyan, Prince? Hindi ba sa ating dalawa ikaw 'yung namamangka sa tatlong ilog?" Nang-uuyam na saad ni Yancy kay Prince.

"Ano? Sa tingin mo walang makakaalam?" Dagdag pani Yancy.

"A-anong ibig mong sabihin, Yancy?" Hindi matanggap ni Anya. Alam niya sa sarili niya kung anong ibig sabihin noon.

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Anya. Hindi ka naman bobo para 'di maintindihan 'yon, diba? Tatay mo mismo ganoon." Parang walang pakialam na saad ni Yancy.

Agad si Anya napatingin kay Prince habang tinitiis ang luha na gusto nang kumawala sa mga mata niya.

Alam niya. Alam niya sa sarili niyang mahal na mahal niya si Prince at naghahanap lang siya ng pagkakataong sagutin ito.

"P-p-rince?" Kuha ng atensyon niya si Prince, naka-yuko na ngayon at wala nang sa pagkakahawak ni Kristoff.

"Walang tayo, Anya." Walang pag-aalinlangang saad ni Prince na tuluyang nakapagpabagsak na kanya pa-upo.

"Oo! Wala nga tayo, Prince, pero tangina! Nililigawan mo ako! Pinaasa mo ako! Tangina, mahal na kita eh!" Kahit nahihina ay pinilit pa rin ni Anya na makatayo at ginawaran ito ng malakas na sampal.

Hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Kundi sunod-sunod.

Habang si Prince, walang ibang ginawa kundi ang tanggapin ang lahat ng sampal na iginawad sa kanya ni Anya hanggang sa mapagod at magsawa ito. Walang pumigil o umawat sa kanya.

"Sino pa ang dalawang babae mo, Prince?" Saad ni Anya pagkatapos siya tumigil sa pagsasampalin ito.

Hindi nanaman napigilan ni Anya ang mapahikbi. Alam niya na isa. Hindi. Narito lang ang babae ni Prince.

Agad naman siyang nilapitan ni April at niyakap ito upang damayan.

"Lumayo ka sa kanya, April." Matigas na turan ni Yancy kay April.

Agad namang napabaling ang namumulang mata ni Anya kay April na ngayon ay nag-umpisa nang humikbi.

"Puta ka, April." Nanggagalit na turan ni Anya pagkatapos nitong tumayo habang si April naman ay napakapit sa mga binti niya habang pilit humihingi ng tawad.

"Please, Anya! I'm really sorry. H-hindi ko ala---" Nauutal na saad ni April.

"Papaanong hindi mo alam, April! Nabobo ka na ba! Ang laki-laki ng tiwala ko sa 'yo! May pasabi-sabi ka pang paano ko siya maagaw sa 'yo, e ikaw ang mahal niya! Tapos ano 'to! Putangina mo! Ano 'to! Laro-laro niyo lang! Tinuring kitang hindi lang basta isang malapit na kaibigan kundi kapatid! Kapamilya! Tapos gaganitihin mo lang ako!" Nawala na ang luha at napalitan na ng galit ang nararamdaman ni Anya habang sinasabi ito.

"Sorry." 'Yun lang ang tanging nasagot ni April.

"Sino pa ang isa?" Sa huling pagkakataon, sinulyapan niya si Prince habang si Prince naman ay nakatingin kay Hilary na katabi lang ni Rojhezelle.

"Siya ba, Prince?" Hindi makapaniwalang aniya ni Anya.

Habang si Rojhezelle naman ay nakatingin nagtatanong kay Hilary.

"Hilary." May pagbabanta sa tono ni Rojhezelle habang nakatingin nang mariin kay Hilary.

"Anak naman ng puta, Hilary! Sa dinarami-dami ng lalakeng pwede mong patulan, si Prince pa!? Si Prince pa na alam mo sa sarili mong may nililigawan! Hindi naman ako nagkulang sa pagppatulong sayo, Hilary! Pinagaral kita, pinakain, binihisan, sinuportahan. Puta ka! Ano 'to! Papatol ka lang sa lalake at---" Hindi na magkamayaw at pilit na kinokontrol ang kanyang sarili na hindi masaktan si Hilary ng pisikal, pero lahat ng iyon ay natapos nang...

"Hindi lang siya basta isang lalake, ate! Ama siya nang an---" Napatigil si Hilary sa dapat niyang pang sasabihin nang makatanggap siya nang malakas at malutong na sampal kay Rojhezelle.

"Kahit anak ka sa labas ng tatay ko, tinanggap kita. Kayo nang nanay mong malandi. Kasi ang akala ko iba ka sa nanay mo, pero mukhang nagkamali ako. At sa rami ng dapat mong manahin, yang pagiging malandi at makati pa." Wala na siyang nararamdamang awa sa kapatid niya pagkatapos ng mga nalaman niya tungkol dito.

"Wala kang delikadesa at respeto sa sarili mo, Hilary." Dagdag niya pa.

"Sorry, ate ko."

"Ate, please! Wala na. Wala na ang anak ko. Pinalaglag ko sa ibang ba---" Isang malutong na sampal ulit ang natanggap niya kay Rojhezelle.

"Hindi ka lang pala makati, malandi, makapal ang mukha, walang delikadesa, walang respeto sa sarili, kundi isa ring mamamatay tao." Puno ng galit at pagkadisgusto ang makikita mo sa mga mata ni Rojhezelle na nakatingin kay Hilary.

"Wag ka nang umasa. Kayo nang nanay mo namay uuwian pa kayo pagkatapos natin dito." Dagdag niya pa bago siya umalis roon.

Habang si Hilary naman ay napaupo na lang at tahimik na naghahagulgol.

"Bakit mo ginawa 'yun, Hilary?" Ngayon lang naka-boses si Prince mula sa gulat nang nalaman.

"Anak ko 'yun, Hilary! Lintek, anak ko 'yun! Wala kang karapatang patayin siya!" Ang kaninang matatag na Prince ay ngayon ay lumuluha.

"Nakalimutan mo bang ikaw rin ang may gusto noon? Hindi ba't pinilit mo ako? At ako naman, si tanga, sinunod kita kasi ano? Anong sabi mo sa akin!? Iiwan mo 'yun pagmamahal na meron ka kay Anya kung ipapalaglag ko ang bata! Tapos ngayon hinahanap mo?" Hindi makapaniwalang saad ni Hilary habang tumutulo pa rin ang kanyang luha.

Pagkatapos ng sinabi ni Hilary, ang lahat ay natahimik at ang hikbi lamang ng tatlong babae ang tanging naririnig.

Ang iba sa kanila na walang kinalaman ay pilit pang piniproseso sa kanilang utak ang lahat ng nalaman nila ngayong araw.

"Hinangaan kita sa lahat ng bagay, Hilary, mula sa pagiging maganda, mahinhin, at matalino. Unang kita ko palang sayo noong grade 8, para kang isang anghel na bumaba sa langit sa sobrang bait. Ngunit ang hindi ko alam sa gitna ng mga 'yun ay ang nakakubli mong kademonyohan. Wala na akong dapat pang sasabihin sayo, Hilary, dahil sa aminin man natin o hindi, dapat lang ang mga narinig at sinabi sayo ni Rojhezelle. Tama lahat 'yun. Wala kang delikadesa, walang respeto, makati, at malandi o kung ano-ano pa." Mahabang linya ni Anya na sumira sa katahimikan ng lahat.

"Ngayon mas naiintindihan ko ang nais ipahiwatig ng lola ko noon. Alam niyo ba kung ano 'yon? 'Ang kagandahan ay hindi laging nagpapakita ng tunay na pagkatao; maaaring mabaling ang tingin sa maling akala. Sa labas, tila anghel, ngunit sa loob, maaaring may tinatagong kahinaan at kadiliman. Kaya't huwag basta-basta magpadala sa kaakit-akit na anyo, sapagkat ang tunay na halaga ay matatagpuan sa kalooban at sa pag-uugali.' 'Yun ang huling sinabi ni Anya nang ma-disturbo sila ng isang boses.

"Anong nangyayari dito?"

TO BE CONTINUED...

The True Enemy Where stories live. Discover now