ANYA'S POV:

Nang makalayo ako mula kay Prince, agad akong pumunta sa campsite kung saan agad kong nakita si April na magulo ang buhok na tila sinabunutan ng sampung babae, ngunit hindi mawawala sa kanya ang kanyang kagandahan.

Nakaupo siya sa malaking lamesa na gawa sa kawayan, tila sabog at natutulala.

Napangiti na lang ako sa kanyang kalagayan na para bang pinagsakloban ng langit at lupa.

Pinahiran ko muna ang aking luha bago lumapit sa kanya.

"Gising ka na pala?" ang tanong ko. "Hindi pa," sagot niya nang may halong sarkasmo.

Hindi man siya tumingin sa akin at patuloy na nakatitig sa lupa.

Tumawa na lang ako sa kanyang sagot at inalok sa kanya ang gatas na inihanda ko, na agad niyang pinasalamatan.

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Tumango lang siya at humigop ng gatas.

Hindi na ako muling nagsalita dahil tila wala siyang gana sa pakikipag-usap.

Naghari ang katahimikan ng ilang minuto, ngunit biglang binasag niya ito.

"Umalis na kaya tayo dito," aniya. Hindi ko maunawaan ang kanyang intensyon.

Hindi agad ako nakasagot, at iniisip ko ang sinabi ni Prince kanina.

Baka isipin niya na nag-iinarte lang ako at nagpakalunod dahil sa nasaksihan ko silang nag-usap kagabi.

"Parang may mali kasi na hindi ko maintindihan at ayoko na talaga dito. I miss my casual life, you know," dagdag pa niya, ngunit hindi na sa seryosong tono at tila nagpapaka-arte.

"May nararamdaman ka rin ba?" ang tanong ko. "What do you mean, nararamdaman?" ang kanyang maarte at sagot.

Napairap na lang ako sa kanyang arte. "Hindi ako nagpapakalunod, kung yan ang iniisip ninyo."

"Alam ko, paano ka malulunod eh sa pagkakaalam ko marunong ka nang lumangoy. Champion ka pa nga last year sa swimming contest, diba?" inosente niyang ani. "Pero anya... don't tell me!" gulat niyang sigaw.

"Oo, imposibleng malunod ako. May humihila sa akin sa ilalim, delikado ang lugar na ito kaya kailangan na nating umalis!" ani ko.

Namumutla siya at tumingin sa akin. "P-pero, hindi sila sasang-ayon kung aalis tayo," mahina niyang bulong, at halata sa kanyang mukha na kinakabahan.

"Alam ko, kaya hangga't maaari ay huwag mong ipagsabi ang nangyari sa akin," sabi ko. "Pero bakit? Mas mabuting malaman nila ito! Ano, para makaalis na tayo rito?" tanong niya.

"Hindi maaari! Walang kasiguraduhan, April. Pag nalaman nila ito, baka magkagulo pa at baka idamay nila ang lahat. Hindi ako naniniwala sa mga demonyo, pero sa nangyari sa akin, kailangan nating mag-ingat. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya nilang gawin. Naiintindihan mo ba?" dagdag ko.

Mas nagulat siya sa sinabi ko, parang isang salita ko lang ay maiiyak na siya. "Nakita mo ba yung itsura ng humila sa iyo?" tanong niya, na biglang nagpalunok sa akin. Parang bumalik yung takot at bigla akong kinabahan.

"Itim... maitim ang kanyang kabuuan... nakakakilabot ang kanyang sungay na kapag nahawakan mo ay mapapaso ka... ang mga kamay niya na mahahaba na kapag pumulupot sa iyo ay hindi ka makakawala."

Mas namutla ang kanyang mukha, at nagbabadya na rin ang mga luha sa kanyang mga mata sa sobrang takot.

"Bakit, April? May nagpakita rin ba sa iyo?" tanong ko, na napakunot ang noo sa kanyang expression. Parang sobra naman ata, malakas ang kutob ko na may alam rin siya sa mga kababalaghan na nangyayari.

"May nagpakita sa akin noon, kagaya ng sinabi mo, isang anino na maitim. Akala ko wala lang yon dahil dumating si Kristoff, ngunit nakakapagtaka dahil hindi niya man lang ako sinaktan," mahinahon niyang kwento.

"Delikado ang lugar na ito, at sa lalong madaling panahon ay dapat na tayong makaalis dito nang walang nasasaktan," dagdag niya.

"Pero anya, paano? Paano kung magalit siya? Gosh, gusto ko nang umalis!" aniya.

"Maghintay lang tayo kung may mangyayaring masama at aalis rin tay—" --"At sinong aalis?" pag-udlot ni Alyssa, na napataas pa ang isang kilay dahil sa tanong.

"W-wala, ang ibig kong sabihin na aalis ay, kailangan umalis ng mga boys mamayang hapon para maghanap ng kahoy," paliwanag ko.

Tumango lang si Alyssa at umalis. Nagkatinginan kami ni April at agad ding nagkatanguan.

Hapon na at nagkakaroon sila ng kanya-kanyang usapan at tawanan. Si April ay natulog na dahil ayaw niyang masira ang kanyang kagandahan, si Roljen ay nakikitawa na rin kina Janina na parang nawala na ang isip sa napanaginipan kanina. Tahimik naman akong nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy.

"Tubig?" napalingon ako sa likod kung saan nanggaling ang boses. Tinanggap ko naman ang baso na may lamang tubig at uminom.

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. "Salamat," tumango lang siya at hindi na umimik.

"Okay ka na ba?" naramdaman kong tumitingin siya sa akin kaya sinuklian ko ang kanyang titig. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala at konsensya. --"Kung sasabihin ko bang hindi, may magagawa ka?" sarkastiko kong sabi. Nag-iwas naman siya ng tingin. --"Kung galit ka pa rin dahil sa sinabi ko kanina, pasensya na," aniya. --"Hindi naman ako galit. Sabagay, kung ako rin ang nasa katayuan mo, iisipin ko rin na nagpakalunod ako dahil sa mga narinig ko," sabi niya. --"Hindi ko sinasadyang sabihin yon," sabi ko. --"Hindi ko rin sinasadyang isipin na ganon pala ka babaw ang tingin mo sa akin." Umiwas na rin ako ng tingin at pinahiran ang mga sunod-sunod kong luha na kumakawala ng walang pahintulot.

"Kung iniisip mo na magugustuhan ko si April, hindi mangyayari iyon dahil alam nating dalawa na ikaw ang gusto ko. Kahit ipilit ko pang gustuhin siya, hindi ko magawa dahil ikaw pa rin ang mahal ko! Ikaw ang gusto ko! Kulang pa ba, anya? Kulang pa ba ang mga ginawa kong hindi ka kalimutan sa kabila ng ginawa mo sa akin dahil mahal kita!"

Hindi ako nakasagot. Itinago ko ang mukha ko sa aking mga palad at humagulgol ng iyak. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking balikat at isinandal iyon sa dibdib niya. Itinago ko doon ang mukha ko at patuloy na umiyak. --"Sorry... aaminin kong nasaktan ako sa mga narinig ko, pero... hindi ako nagpakalunod kung yan ang iniisip mo. Sorry din dahil nagalit ako sayo kanina dahil masakit parin kasi. Natatakot ako na baka gusto mo na siya at iwanan mo ako," patuloy pa rin ako sa pag-iyak, naramdaman ko ang mga kamay niya na hinihimas ang buhok ko para patahanin.

Ang sarap sa pakiramdam, parang nabunutan ako ng tinik dahil sa mga ginawa niya sa akin. Ngayon na alam ko na ako ang mahal niya, hindi na dapat ako mag-alala sa ikakasira namin.

"Hindi ko magugustuhan si April, kung yan ang ikina-babahala mo, hinding-hindi," mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.

"Grabe!! Ang ingay ninyo, nakakaistorbo kayo ng natutulog ha!" sigaw ni April mula sa kanyang tent. Medyo malapit lang kasi ang tent niya sa inupuan namin at parang nakabaliktad siya sa pagtulog, kaya siguradong maririnig niya kami. Sirado ang kanyang tent kaya hindi namin nakikita ang kanyang reaksyon.

TO BE CONTINUED...

The True Enemy Where stories live. Discover now