Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




ROJHEZELLE'S POV:

Nakita kong nakasilip si Anya sa labas ng tent ,kaya nilapitan ko ito at tiningnan kun sino ang tinitingnan niya.

Napatigil ako sa pagpapalapit sa kanya ng marinig kong nag-uusap sina april at prince sa labas,napatingin ako kay Anya na nakatulalang nakatitig sa kanilang dalawa,mula umpisa nang kanilang usapan hanngang sa hinatid na ni prince si April sa tent nito ay kitang-kita naming dalawa.

"Hayaan mona,ikaw lang ang mahal nun"napatingin ito saakin at napa-irap.

Grabe sarap tusukin ang mata niya,lumabas ito kaya sinundan ko siyà at nakitang kumuha siya ng beer sa icebag na dala namin.

"Hoyy!bawal ka niyan ha"sita ko dito pero binaliwala niya lang ako at pinasahan ng isa agad ko namang sinalo iyon at umiling.

Nagtaka ako nang bumalik ito sa tent at paglabas niya ay may dala na siyang dalawang maliit na unan at isang kumot.

"Hoy!san ka pupunta!?"tanong ko nang dumiretso lang ito papunta sa ilog.

Agad kung dinala ang icebag para kung sakaling maglasing yun ide samahan kona,ano ba naman kasing problema nun?

Nakita ko siyang naglatag ng kumot sa hindi gaanong mabatong bahagi sa gilid ng ilog,napa buntong hininga na lang ako at tinabihan siya doon.

Binuksan niya naman ang beer niya kaya ganun na lang din ang ginawa ko,nilagok ko iyon at tiningnan siyang nakamasid sa mga bituin sa langit .

"Kung hindi lang sana ako umalis sa tingin mo,masaya pa kami?"pagbasag nito sa katahimikan.

Naisip ko naman kung bakit kailangan nitong pumunta sa ibang bansa para mapa gamot ang daddy niya.

"Alam mo hindi naman ganun ang problema e ,kun hindi mo lang sana sinagot si zcean. Alam mong naghintay si Prince sayo,handa siyang maghintay kahit gano katagal" napa -iling na lang ito at pagak na natawa sa sinabi ko.

"Kinausap ako ng nanay niya"ani nito na nakapagtigil saakin.

"Ha?Kailan?"

"Matagal nakong naka-uwi,last 3 years pa alam niyong lima yan,pero nung pumunta ako sa kanila sinabi ng nanay niya na umalis si Prince at may girlfriend na daw siya kaya wag ko nang abalahin,alam mong nasaktan ako nun" uminom ito ng beer sabay punas ng luha niya.

"Pero mali pa ring ginamit mo si zcean para maka move-on ka"saad ko pa dito.

"Alam ko naman yun,pero nung bumalik sa Prince wala nakong nagawa kundi ang tanggapin siya ulit"

"Kahit na may boyfriend kana?"tanong ko sa kanya.

"Ayaw kong may masaktan pero ganun talaga mabubunyag ang katotohanan kaya pareho silang nawala"mapait na sabi nito at humiga .

The True Enemy Where stories live. Discover now