Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




THIRD PERSON POV:

Sa pagkatapos nilang magplano sa bahay ni Rockxel, napagdesisyunan nilang umuwi na sa kanilang mga bahay.

Ngunit sinamahan muna nina Anya, Rojhezelle, Janina, at Roljen si April sa kanyang bahay upang hindi siya gaanong malungkot.

"April! Kukuha ako ng mga chips sa pantry ninyo, naubos na kasi," sabi ni Rojhezelle habang naglalakad patungo sa pantry.

"Sige, kunin mo lang," sagot ni April habang nanonood ng pelikula sa sala kasama sina Roljen, Janina, at Anya.

"Guys, maraming salamat talaga sa pagsama niyo sa akin dito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo," malungkot na sabi ni April sa mga kaibigan na tila naluluha na.

"April, okay lang 'yan. Alam namin ang sitwasyon mo. Huwag kang mag-alala, nandito lang kami palagi para sa iyo kapag kailangan mo kami. Kaya magpakatatag ka lang diyan," pag-aalo ni Janina kay April na sinundan ng mahigpit na yakap.

"Huy, isama niyo naman ako diyan!" biglang sulpot ni Rojhezelle na may dala-dalang chips.

Agad niya namang dinaluhan ang tatlo sa pagyayakapan.

Matapos ang yakapan, napunta naman ang usapan ng apat sa kanilang darating na bakasyon.

"Teka nga, tama na 'yung drama. Bigla ko lang naalala na kailangan na pala nating maghanda at mag-impake ng mga gamit para sa bakasyon bukas," ani Roljen habang tinitingnan ang mga kaibigan.

"Oo nga, totoo 'yan. Kung ganoon, April, kailangan na naming umalis para makapaghanda ka na rin ng iyong mga gamit at para makapag-impake na rin kami. Okay ka lang ba dito?" nakangiting sabat naman ni Janina.

"Yes, guys, okay lang ako. Sige na, gora na kayo. Kitakits na lang tayo bukas kina Rockxel," pamamaalam ni April sa mga kaibigan habang hinahatid niya ang mga ito sa gate ng kanilang bahay.

Hanggang sa pag-uwi ng magkakaibigan, hindi nila mapigilan ang tuwa at excitement para sa nalalapit na bakasyon nilang magkakasama.

Pagkatapos nilang mag-ayos at mag-impake, agad silang natulog dahil maaga ang meeting nila kinabukasan.

(Kinabukasan)

"Umm, guys, complete na ba tayo?" tanong ni Rockxel habang dahan-dahan niyang inilalagay sa likod ng sasakyan ang mga gamit nila.

"Hindi pa, Rocks, wala pa 'yung iba pero malapit na rin naman daw sila," agad na sagot ni Kristoff habang inaayos ang dala-dalang gitara.

"Guys, nandito na kami!" sigaw ng isa sa kanila sabay pagdating ng ibang kasama.

"Sige na, bilisan na natin dito. Ilagay niyo na ang mga gamit niyo dito para ready to go na tayo," sabi ni Rockxel habang kinukuha ang ibang dala-dalang gamit upang ilagay sa likod ng van.

The True Enemy Where stories live. Discover now