THIRD PERSON POV:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THIRD PERSON POV:

"Magpahinga ka muna," sabi ni Rojhezelle habang inaalok siya ni Janina ng tubig.

"You're so good at this, thank you sa pagiging nandito," dagdag pa nito bago umupo sa tabi niya.

"Look at Anya, lagi na lang siyang napapastress sa away ng dalawang kaibigan natin," sabi ni Roljen, na umupo rin sa tabi nila.

"Alam naman natin na fragile siya sa lahat ng bagay, 'di ba?" ani naman ni Rojhezelle, na pumapayag ang dalawa sa sinasabi niya.

"Pupuntahan ko na ba siya?" nag-aalalang tanong ni Roljen nang makitang sobrang frustrated na si Anya.

"Kailangan lang niya ng sariwang hangin," sagot ni Janina, na sana'y tatayo na sana si Anya pero umupo na lang ulit ito.

"Okay ka lang?" nagulat silang lahat sa nag-aalalang tanong ni Prince, na lumapit pa kay Anya.

Napatigil silang lahat sa mga ginagawa nila at tinignan ang dalawa, pabalik-balik ang tingin nila sa dalawa pati na rin kay Zcean.

Pero alam naman nating wala rin silang alam sa mga nangyari.

"I'm fine," sagot na lang ni Anya para matapos na ang usapan. Akala niya ay aalis na si Prince pero hinawakan pa siya nito sa kamay.

"Gusto mo munang magpahangin?" tanong nito na parang hindi alintana na pinagmamasdan na sila ng lahat.

"Ah..." nagdalawang-isip pa ang dalaga at palihim na tiningnan si Zcean na wala namang pake sa nangyayari. Oh? Wala nga ba?

"Sige," nagulat ang lahat sa sagot ni Anya na parang hindi nila inaasahang papayag talaga siya sa alok ni Prince. Alam naman nilang hindi gaanong close ang dalawa.

Umalis silang dalawa at napailing na lang si Rojhezelle sa ginawa ng kaibigan, parang dismayado pa ito o ano.

"Hindi na talaga siya natuto," malungkot na sabi ni Janina bago ininom ang tubig niya. Takbuhan rin siya ni Anya nang may problema ito, pero sa ganitong bagay ay konti lang ang alam niya.

"Alam niya na ang ginagawa niya, hayaan na lang natin. Malaki na siya," sagot na lang ni Rojhezelle dahil siya naman ang may alam ng lahat na nangyari dahil sa lahat, siya ang pinagkakatiwalaan ni Anya sa mga ganitong bagay.

"Oyy, may nagseselos," biro ni Rolen, kaya napatingin silang lahat kay Z, na tahimik na nakaupo sa gilid.

Tiningnan lang siya ng lahat, at parang hindi natutuwa sa biro ni Rolen dahil ang alam ng lahat ay naghiwalay sila, pero hindi nila alam ang totoong nangyari maliban kay Janina, Roljen, at Rojhezelle.

"Rolen," pagbanta ni Andrea sa kanya, kaya napailing na lang siya at umupo.

Mauulit na naman kaya ang pagkakamaling nagawa niya dati?

"Magagabi na rin naman. Let's just ready our dinner," sabi ni Jun sa katahimikan, na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Ahm, sino na ang magluluto? Umalis si Anya," tanong ni Kyle.

The True Enemy Where stories live. Discover now