Kabanata 36
Nakatingin lang sa malayo si Kali sa may bintana habang inililibot ang tingin sa buong isla. Hindi na siya pinilit pa nila Melissa nang sabihin niya sa mga ito na mas gusto niyang magkulong na muna sa kwarto at magpahinga.
Sa kamay niya ay hawak hawak naman niya ang bulaklak na iniwan ni Ran na isang rosas sa tabi niya nung siya tulog pa. Kumalma na siya simula nung makatulog siya sa bisig ni Ran sa sobrang pagod at pakagising niya maayos na ang buong kwarto. Wala na ang mga bubog at mga kalat sa sahig narinig nalang niya kay Melissa na si Faith at Ran ang nagtulong tulong na linisin ang mga kalat.
May parte sa kanya na nahihiya sa nagawa niya. Pero mayroon rin namang parte sa kanya na natutuwa dahil sa wakas ay narinig na rin niya mula kay Ran na mahal siya nito. Bahala na kung magmukha man siyang baliw dahil sa nararamdaman niya.
"Gusto mong lumabas?"
Napaigtad siya nang maramdaman niya ang hininga ni Ran sa may leeg niya saka naman nito pinulupot ang braso nito sa bewang niya at hinalik halikan ang kanyang balikat.
"Ayoko."
"Where did you get these scratches and wounds?" naguguluhang tanong nito nang mapansin naman ang mga sugat niya sa braso.
Nilingon ni Kali ito at tinaasan ng kilay. "Saan pa ba edi sa babae mo."
"Hindi ko nga siya babae. She was just a friend. Ano bang dapat kong gawin para matigil ka na sa kaka "babae mo" "
"Ah edi doon ka nalang sa ex girlfriend mong kaibigan niya."
Ran crossed his arms. He was starting to get pissed. Subalit ayaw niyang sabayan ang katok ng ulo nito. "Gusto ko sa asawa ko, paano ba yan?"
"Sinungaling." Inismiran siya nito.
"Seriously, you don't have to be jealous with both of those girls, especially Stacy."
"Ewan ko sayo hindi mo nga malayuan ang babae mo."
Gosh. Kakabati na nga lang nila ay eto na naman away na naman agad. Gusto na lamang ni Ran isako si Kali sa pagiging selosa nito. Pero kahit na naiinis siya konti ay natutuwa naman siyang nagseselos ito. Ewan. Epekto na nga talaga ito ng pag-ibig parang dati lang ay allergic naman siya dito.
Pakiramdam niya ay nabawasan ang pagkaastig niya. Tiyak na pagtatawanan siya ng mga kaibigan kapag nakita ng mga ito ang pinaggagawa niya. Sa isiping iyon ay gusto niyang pagsuntukin ang mga ito.
"Hindi mo ako mapipigilan na magselos hangga't nandirito ang babaeng yun--"
"I asked her to leave after she told me everything she did."
"Talaga?" paninigurado ni Kali.
"Yeah. You know why?"
"Why?"
"Because I love you."
'Ew. That was so fucking cringe man.' wika ng isang boses sa isipan ni Ran.
Tumaas ang sulok ng labi niya nang mapansin niyang sandaling natigilan si Kali at mayamaya pa ay nag-iwas ng tingin pero hindi naman nakaligtas sakanya ang pamumula ng pisngi nito.
MAGKAHAWAK kamay sila nang maisipan ni Ran na mangisda at isama si Kali. Agad nila nakuha ang lahat ng atensyon ng mga taong naroon lalong lalo na ang mga kaibigan ni Ran na may nakakalokong ngiti sa labi.
"Mukhang natagalan ata kayo lumabas..."nakangising wika ni Fin habang sa gilid naman nito ay si Cara na nakangiti namang nakatingin sa kanila.
"Nag-usap lang kami." Simpleng tugon ni Ran saka naman inalalayan si Kali sa pagsakay sa isang bangka.
BINABASA MO ANG
The Mayor's Daughter
RomanceMatigas ang ulo, maldita, spoiled brat, at malandi iyan ang mga bagay na natatanggap niya mula sa lahat ng mga taong nakapaligid sakanya. Kinalakihan na niya iyon at tinanggap na hindi na niya mababago pa ang pananaw ng iba patungkol sa kanya. Kali...