Game 21: Student Teacher

42 6 0
                                    

FUMIKO'S POV:

BUWAN na ang lumipas, si Thud ang lagi kong kasama sa tuwing may pasok kami sa school. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan ni Yakuji, David, Asher at Astaroth dahil lagi silang wala sa school o kahit sa boot camp.

Minsan na lang kaming magkita-kita sa bahay at parang ako na lang ang mag-isang naninirahan doon. At sa tuwing umuuwi ako sa bahay ay lagi kong nadadatnan na nakaawang ang pinto ng katabi kong kwarto pero iniignora ko lang 'yon

Nalalapit na rin ang pagbubukas ng mobile e-sports at mukhang pinaghahandaan na ito ng ibang manlalaro mula sa iba't-ibang panig ng mundo at ang grupo namin ang siyang magiging representative ng Pilipinas.

At mukhang nawiwili sa pakikipagpustahan sa akin sina Chris na pinapatulan ko naman dahil bored ako.

"Mukhang malalim ang iniisip mo?"

Napalingon ako sa gawi ni Thud na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Hindi ko namalayan na binuhat niya ang kanyang mesa at upuan at dinala 'yon sa katabing mesa ko.

Kakatapos lang namin maglaro ng Fuse flight at dismayado ang mga kaklase namin dahil natalo na naman sila sa akin.

"Hindi naman. Napapaisip lang ako kung anong pinagkakaabalahan ni Yakuji, David, Asher at Astaroth. Halos isang buwan rin kaming naging abala sa bawat gawain ng isa't-isa mula sa school at syempre sa pakikipagpustahan sa mga kaklase natin." Sambit ko.

Ipinatong ni Thud ang kanyang braso sa ibabaw ng mesa at dumukdok doon pero ang mukha nito ay nakaharap sa akin.

"Yakuji is in Japan right now together with Asher. David is in France and Astaroth is having  his time inside the RDM Speed because they will having a car race in Tarlac this week." Ani ni Thud na mukhang alam na alam ang schedule no'ng apat.

"Bakit alam mo ang activities nila? Tyaka bakit nasa Japan si Yakuji at Asher?"

Umangat ang isang kilay ni Thud. "You like Yakuji do you?"

Nagsalubong ang kilay ko at halos dumikit na 'yon sa isa't-isa. "Ano bang meron kay Yakuji at bakit lagi ninyo akong pinagkakamalang may gusto sa kanya? Even my brother thought about me who have a feelings with Yakuji when in fact he's my friend."

"It's like you were too comfortable when Yakuji is around at ngayon nga napapaisip ka kung na saan siya."

Napangiwi ako. "I am not interested of having a commitment with someone, Thud. Marami pa akong pangarap sa buhay na gusto kong tuparin lalo na sa pamilya ko."

"Hmm...What if someone confesses his love to you, what will you do?"

Paano napunta sa usapang love ang pinag-uusapan naming dalawa?

"Ewan ko? Wala naman akong alam sa ganyan." Inosenteng sagot ko.

"What if I confess and said I like you?"

Tila natulos ako sa kinauupuan ko at parang natahimik ang paligid naming dalawa ni Thud. The way he looks at me feels like I am in a paradise. Parang naririnig ko ang huni ng ibon, ang sariwang hangin at ang mas malala ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Nabalik ako sa huwisyo nang biglang may pumitik sa noo ko at ang natatawang mukha ni Thud ang sumalubong sa akin.

"Natulala ka na dyan, nagbibiro lang ako." Aniya habang tumatawa.

Alam kong medyo may sayad si Thud pero yung dating ng tawa niya parang kakaiba. Napapailing na inismiran ko na lang si Thud at saka ako humulukipkip at tumingin ng deritso sa board.

Kailangan ko na yatang magpatingin sa Doctor dahil hindi na normal ang mga nakikita, naririnig at nararamdaman ko kapag nandyan si Thud sa paligid. Baka nahahawaan ako ng pagiging weirdo niya, masama na ito.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon