Chapter 1
Elise Sandoval's POV
Maaga akong nagising upang mag handa ng agahan. Naabutan ko si Tiya Ason sa salas kasama ang mga kumare nito, nag ma-mahjong na naman sila.
Napahinga nalang ako ng malalim at lumapit kay Tiya Ason upang bumati.
"Magandang umaga Tiya Ason. Magandang umaga rin po sa inyo Aling Pasing, Aling Myrna at, Aling Susan." - Magalang na bati ko sa kanila. Nag mano ako kay Tiya Ason.
"Magandang umaga din Hija." - Nakangiting bati sakin ni Aling Susan.
"Mag handa ka na doon ng umagahan. Damihan mo at nandito ang mga kumare ko." - Saad ni Tiya Ason ng hindi manlang ako tinignan dahil tutok na tutok siya sa mga tiles niya.
Tumingin ako sa orasan sa dingding. Pauwi na si Tiyo Allan, kapag naabutan na naman siyang nag ma-mahjong dito paniguradong mag aaway na naman sila.
"Tiya, pauwi na po si Tiyo Allan kapag naabutan na naman niya kayo na nag ma-mahjong---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tinaboy niya ako. Napabutong hininga nalang ako at napailing. Nag tungo na ako sa kusina.
Tinulungan ako ng kapatid kong si Lynn sa pag hahanda habang ang bunsong kapatid namin na si Elias naman ay nag papakain ng mga alagang manok ni Tiyo Allan.
"Elynn, samahan mo pala ako mamaya sa palengke. Mamimili lang ako ng lulutuin ko mamayang tanghalian." Saad ko sa aking kapatid.
"Okay po ate."
"Pwede po ako sumama sa inyo mamaya Ate?" - Tanong ni Elias na kakapasok lang ng bahay. Sobrang dungis nito, nakipag habulan na naman siguro ang batang ito sa mga manok.
"Oo naman Eli! Pag katapos natin sa mga gawaing bahay, pupunta naman tayo sa palengke." - Nakangiting saad ko sa napaka cute kong bunsong kapatid.
Matapos namin mag handa ng agahan, ipinaalam ko kay Tiya Ason na nakahanda na ang agahan at pinatawag ko na rin ang nakababata kong pinsan kay Elynn.
May tatlong anak si Tiyo at Tiya. Dalawang babae na kasing edad ko na wala ngayon dito sa probinsya dahil nag aaral sa Maynila at isang lalaki na kasing edad ni Elynn ang bunsong anak nila Tiyo at Tiya na may pag kapasaway at tuso.
Habang nililinis ko ang mga pinag lutuan ko, napansin kong pasimpleng kumukuha ng ulam si Elias kaya agad ko siyang sinuway.
"Ate, nagugutom na ako.. kagabi pa tayo hindi kumakain.." - Saad nito. Hindi ko maiwasang maawa sa kapatid ko, hindi pa kami kumakain simula kagabi dahil walang natirang pag kain para saamin.
Pinag bawalan kasi kami ni Tiya Ason na sumabay sa kanila sa pag kain, pag katapos pa nila kami nakakain at madalas walang natitira para saamin kahit na sinosobrahan ko na ang niluluto ko.
Dito rin kasi kumakain ang ibang kamag anak ni Tiya Ason kaya madalas hindi kami natitirhan ng pag kain. Nakapag tatabi naman ako minsan pero madalas kasi nakikita ito ni Tiya Ason at napapagalitan niya ako.
Kinuha ko sa aparador ang pag kain na tinabi ko para saamin at inabot ito kay Elias. Agad naman nag liwanag ang mga mata niya.
"Kumain na muna kayo ni Ate Lynn mo, ako na muna bahala mag asikaso dito, doon kayo sa kubo kumain upang di kayo makita ni Tiya Ason." - Saad ko. Agad naman siyang tumungo sakin at niyaya na ang Ate Lynn niya pumunta sa Kubo.
Hindi naman ganito ang buhay namin mag kakapatid noon, masaya, masigla at maayos ang pamumuhay namin noon pero nag bago ang lahat ng mamamatay ang parehong magulang namin sa aksidente 2 years ago.
10 years old palang ako noon, 6 years old naman si Lynn, at 4 years old naman si Elias. Maaga kami na ulila sa mga magulang at si Tiyo Allan, buong kapatid at nakakatandang kapatid ni Mama ang naging legal guardian namin. Maayos ang pakikitungo saamin ni Tiyo Allan, tinuturing niya kaming parang tunay niyang mga anak pero hindi ang kanyang asawa na si Tiya Ason.
YOU ARE READING
LOST
General FictionSa pag hahanap ko sa aking kapatid. Nakilala ko ang mga taong mag papabago ng aking buhay. Natagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay. Ako si Elise Sandoval at ito ang aking kwento.