Chapter 3
Elise Sandoval's POV
Umuwi ako ng probinsya kasama si Tiyo Allan, Tiya Ason at ang mga pinsan ko kasama rin namin si Kenneth na lagi lang na nasa tabi ko.
Dumating kami sa probinsya, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at mag luksa sa pag kawala ng kapatid ko. Isang kapatid ko na naman ang nawala sakin. Ang nag iisang pag asa ko bigla nalang nag layo na parang bula.
Hindi ko matanggap ang sinapit ng mga kapatid ko. Sinisisi ko ang aking sarili dahil naging pabaya akong kapatid, naging pabaya akong Ate.
Hindi na nagawang makita ang katawan ng kapatid ko kahit manlang ang mga buto nito dahil ayon sa mga nakaligtas ay binebenta ng sindikato ang bangkay para ito ay pag experementuhan at kapag wala na itong pakinabang, tinatapon o di kaya ay sinusunog ito.
Naging mabigat sakin ang nangyari sa kapatid ko na halos wala na akong kinakausap maski si Kenneth. Mas gusto ko na laging mag isa. Ayoko nakikita ang kahit na sino.
Dahil sa sakit na nararamdaman ko napabayaan ko na ang aking sarili. Wala akong ibang maramdaman kundi ang sakit ng pag kamatay ng bunso kong kapatid.
Humantong ako sa punto na gusto ko na lamang mawala at sumunod sa mga kapatid ko. Sinubukan kong kitilin ang aking buhay pero hindi yun nangyari dahil nagising na lamang ako sa hospital.
Nakita ko ang pag aalala sa mga mukha nila specially Kenneth. Humingi ako ng paumanhin sa nagawa ko. Pinag sabihan nila ako at binigyan ng advise pero kahit na isa doon hindi ko pinakinggan.
Hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko hanggang nandito ako. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong lumayo sa lugar na ito.
Umalis ako ng bansa ng hindi nag papaalam kahit kanino. Alam ko na mali ang ginawa kong pag alis lalo pa't hindi ako nag paalam sa kanila pero ito na lamang ang naisip ko upang makalimot sa sakit na nararamdaman ko.
Alam ko na ang selfish selfish ng ginawa ko.
Patawarin mo ako Ken kung aalis ako ng hindi nag papaalam sayo. Pangako babalik ako. Babalikan kita mahal ko. Aayusin ko muna ang aking sarili.
Nag tungo ako sa lugar kung saan walang nakakakilala sakin. Lumabas ako ng bansa upang hanapin ulit ang sarili ko.
Namuhay ako mag isa, aaminin ko hindi naging madali ang buhay ko lalo pa't isa akong banyaga sa bansang pinuntahan ko pero kahit na ganun, kinaya ko. Marami akong nakilala sa bansang ito, marami akong naging kaibigan na siyang tumulong sakin. Karamihan sa kanila ay mga pinoy din.
Nakagraduate ako ng architectural engineering at ngayon isa ako sa mga kilala at mahuhusay na Architect Engineer.
Naaabot ko pa rin ang mga pangarap ko sa kabila ng lahat ng nangyari sa buhay ko. Nangako ako sa mga kapatid ko na kahit na anong mangyari, mabubuhay ako. Aabutin ko ang mga pangarap namin at ngayon ito ako, naabot na ang mga pangarap namin.
Sa pananatili ko rito marami akong narealize, hindi tama na ginawa ko ang mga bagay na ginawa ko sa nakaraan, napaka selfish ko.
"Eli, ngayon ang balik mo sa pinas diba?" - Tanong sakin ni Kath.
"Yeah. Ako ang pinadala ng mga boss ko para sa big project na gagawin nila sa pinas."
"Handa ka na ba harapin ang mga iniwan mo sa pinas?" - Tanong niya.
Hindi ako naka sagot sa tanong niya. Handa na nga ba ako harapin sila? Natatakot ako na makita ang mga galit nilang reaction sa biglaang pag kawala ko.
"5 years kang nawala Elise. Wala sila naging balita sayo. Satingi mo ano ang magiging reaction nila oras na makita ka nila ulit specially your boyfriend Kenneth?"
YOU ARE READING
LOST
General FictionSa pag hahanap ko sa aking kapatid. Nakilala ko ang mga taong mag papabago ng aking buhay. Natagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay. Ako si Elise Sandoval at ito ang aking kwento.