Chapter 9

1 0 0
                                    

Chapter 9

Elise Sandoval POV

Umuwi kami ng Manila ng hindi ko na ulit nakausap si Elias. Hindi na rin kasi siya umuwi sa Mansion. Ang sabi ni Mommy Allyssa, nauna na itong bumalik sa Manila.

Nasabi ko na rin kay Mommy Allyssa na si Elias ang kapatid na matagal ko ng hinahanap. Ang inakala kong namatay 5 years ago.

Buong biyahe ako malungkot dahil hindi ko nakausap ng maayos si Elias pero masaya rin ako dahil alam kong buhay siya.

Binalita ko sa mga pinsan at kaibigan ko ang mga nalaman ko.

Nagulat din sila..

"Sabi ko na eh, kaya parang pamilyar sakin si Elias, siya pala ang bunsong kapatid mo." - Saad ni Annika.

Sa video call na lang kami nag uusap usap.  Dahil dalawa saamin ay hindi na pinapayagan lumabas ng Doctor at asawa nila. Kailangan naka bed rest nalang sila.

Si Tine kasi ay ka-buwanan na ngayon. Anytime ay pwede na siya manganak.

Si Janice naman ay maselan ang pag bubuntis kaya inadvice ng Doctor niya na wag na ito masyadong kumilos at mag pagod. And kinasal na pala sila ni Kaloy nitong nakaraang buwan lang.

Si Leslie naman ay busy sa pag prepare sa nalalapit nilang wedding ni Gino.

Si Annika mukha naman may nag papasaya na ulit.

Nag tatawanan, nag aasaran at nag kukwentuhan kaming apat na babae ng bigla nalang natigilan si Christine.

Nataranta kaming lahat ng sinabi niyang pumutok na panubigan niya at manganganak na siya.

Hindi makikita sa mukha ni Tine ang pag kataranta. Kalmado ito at nagagawa pa nito makipag usap saamin habang si Kristoff ay hindi na mapakali.

Ipinapakita saamin ni Tine ang mukha ng asawa niya na hindi na maipinta dahil sa kaba at taranta habang siya ay inaasar pa ito.

"Kumalma ka nga hubby. Hindi naman ito ang first time." - Saad ni Tine.

"Bakit ba ang kalmado mo? Wala bang masakit sayo?" - Nag aalalang tanong ni Kristoff.

"Wala ako maramdaman na sakit pero ramdam ko na manganganak ako." -Kalmadong saad nito.

Nakarating sila Tine sa hospital. Inasikaso naman sila agad ng mga nurse, nag hihintay na rin sa pinto ng hospital ang obigyne ni Tine.

Binati pa nga siya ni Tine eh. Ganyan siya ka kalmado.

Nag paalam siya saamin nung ipapasok na siya sa O.R.

Gustuhin ko man pumunta sa hospital, ayaw naman ni Kenneth. Halos kauuwi lang rin kasi namin galing sa mansion tapos aalis na naman para pumunta ng hospital. Hindi siya pumayag na pumunta kami hospital kahit na nakiusap na ako at sinimangutan siya.

Valid naman ang reason niya. Ayaw niya ako mapagod at pinoprotektahan niya lang kami ng anak niya pero nag tatampo pa rin ako.

Nag promise naman siya sakin na bibisita kami bukas kay Tine kaya di na ako nag reklamo at pumalag.

~~~

Nandito kami ngayon sa hospital, pinag kakaguluhan ang super cute na baby girl nila Kristoff and Christine. Masayang masaya kaming lahat dahil sa successful na panganganak ni Christine.

Halata rin sa mukha ni Kristoff ang tuwa habang nakatitig sa babaeng anak niya na buhat buhat niya ngayon. Hindi mawala wala sa mukha nito ang ngiti.

"Wifey! Look. She smiles at me." - Tuwang tuwa na saad nito.

LOSTWhere stories live. Discover now