Chapter 10
Elise Sandoval-Montenegro's POV
Napakagat ako sa labi ko dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Ngayon ang araw ng kapanganakan ko.
Papunta kami ngayon sa hospital, makikita sa mukha ni Kenneth ang kaba at the same time excitement.
Natataranta siya sa tuwing dumadaing ako sa sakit ng tiyan ko. He gently rubbed my tummy at kinausap niya ang mga anak namin. Nakakagulat na medyo nawala ang sakit ng tyan ko. May magic ba na ginagamit itong si Kenneth at nagagawa niya kami pakalmahin?
Ng makarating kami sa Hospital, agad kami inasikaso ng mga nurse. Hindi binitawan ni Kenneth ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa delivery room.
Gustuhin ko man na isama siya sa loob hindi naman pwede. Hinarang siya ng nurse at hindi siya inallow pumasok sa loob.
Naiiyak ako sa sobrang sakit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Panay lang ang sigaw ko halos hindi ko na marinig ang boses ko. Hindi ko na rin maintindihan ang nasa paligid ko. Ang alam ko lang ay nag kakagulo sila.
Sobrang nahihirapan ako sa panganganak. Kailangan ko si Kenneth sa tabi ko. Kailangan ko siya."Kenneth...."
~~~
Kenneth Montenegro POV
Hindi ako mapakali habang nag papalakad lakad dito sa labas ng delivery room. Naririnig ko ang malakas na sigaw ni Elise sa loob.
Gusto ko pumasok loob at samahan siya pero ayaw ako papasukin ng nurse. Nakakafrustrate.
Kasama ko ngayon ang pamilya at mga kaibigan ko. Sinusubukan akong pakalmahin ni Mommy pero hindi ko magawang kumalma lalo pa ngayon na nasa loob si Elise habang naririnig ko ang mga daing niya.
Lumabas ang Doctor, tinanggal nito ang facemask na soot niya. Agad akong lumapit sa kanya at nag tanong kung kumusta ang mag ina ko.
"Tatapatin kita Mr. Montenegro, hindi maganda ang kalagayan ngayon ng asawa mo. Hindi niya kinakaya ang normal delivery, sobra siya nahihirapan, kapag ipinag patuloy namin ito, maaari itong ikamatay ng asawa mo at ng mga anak mo." Seryosong saad nito.
"Hindi sila pwede mawala sakin Doc. Anong pwede gawin para mailigtas sila pareho?" - Nanginginig na tanong ko sa Doctor.
"Kailangan namin isagawa ang caesarean section. We just need your permission to do this." - Saad ng Doctor.
Elise wants a normal delivery but she can't. I need to decide. I want them to be safe.
Wala akong ibang inisip kundi ang kaligtasan ng mag ina ko. Binigay ko ang permission na hinihingi nila ng hindi iniisip ang mararamdaman ni Elise..
I know magagalit siya sakin after this but I will take full responsibility. Hindi ko kakayanin kapag isa lang sa kanila ang mawala sa akin. I love them so much. I will do everything to make sure they're safe..
Successful na nailabas ang mga anak ko. Masayang masaya ako na marinig ang iyak nila at makita sila.
After linisan si Elise at matahi ang sugat niya. Inilipat na agad siya sa private room.
Pag kagising ni Elise, I explained to her what happened. She didn't get mad at me but I can see in her eyes, she's not okay with my decision.
She didn't speak about it anymore. After a month I can see the changes. May nag bago sa kanya.
Nawala ang ngiti niya. Madalas din siyang wala sa mood, mabilis uminit ang ulo niya lalo na kapag umiiyak ang mga anak namin, mabilis mairita, she's also having anxieties, madalas din siyang umiyak lalo na sa gabi, madalas din siya mawala sa focus, minsan nakikita ko siya nakatulala habang nakatingin sa mga anak namin.
YOU ARE READING
LOST
General FictionSa pag hahanap ko sa aking kapatid. Nakilala ko ang mga taong mag papabago ng aking buhay. Natagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay. Ako si Elise Sandoval at ito ang aking kwento.