Chapter 2
Elise Sandoval's POV
Ilan taon na ang lumipas simula ng mawala si Elias at mamatay si Elynn.
Hindi ako sumuko sa pag hahanap sa kanya, ginawa ko ang lahat upang makita siya. Marami akong kinausap, marami akong hiningian ng tulong, maski ang mga radyo station ay pinatos ko para lang makita ang kapatid ko. Lumapit na rin ako sa mayor namin, sa congressman, maski si Sir Rafy nilapitan ko upang humingi ng tulong sa pag hahanap sa kapatid ko.
Pero hanggang ngayon.
Wala pa rin akong balita sa kanya pero kahit na ganun, hindi ako susuko.
Hindi ko susukuan ang kapatid ko. Kahit halughugin ko pa ang buong pilipinas, makita ko lang siya, gagawin ko.
Araw araw rin akong bumabalik sa lugar kung saan ko siya huling nakita at nakasama, nag babakasali akong bumalik siya dito, kahit na sobrang hirap para sakin ang bumalik sa lugar na ito dahil dito rin namatay si Lynn.
Nahinto lamang ang pag balik ko sa lugar ng lumipat kami sa Maynila at doon na nanirahan. Syempre nung una, hindi ako pumayag na tumira sa Maynila. Hindi ko gusto umalis sa probinsya namin.
Paano nalang kung bumalik si Elias tapos wala ako? Paano ko makikita ang kapatid ko kung dadalhin nila ako sa Maynila at doon pa maninirahan?
Kinausap ako ni Tiya Ason, siya ang nag paintindi sakin ng mga bagay na hindi ko gusto intindihin.
Sinabi niya sakin na kahit naman lumipat kami sa Maynila hindi pa rin kami titigil sa pag hahanap kay Elias.
Sinabi niya rin na baka kaya hindi namin makita si Elias dito sa probinsya ay dahil wala na siya dito. Maaaring may nakapulot sa kanya na mabuting pamilya at kinupkop siya at dinala sa ibang lugar.
Dahil sa mga sinabi ni Tiya Ason, napapayag niya ako sumama sa kanila sa Manila.
Close na kami ni Tiya Ason, hindi na niya ako ginagawang katulong kapag wala si Tiyo Allan, sabay na rin kami kumakain, hindi na niya ako pinag lilinis at pinag lalampaso ng sahig, hindi niya na rin ako inaallow mag laba ng mga marurumi naming damit pero syempre tumutulong pa rin ako sa mga gawaing bahay.
Humingi na rin siya sakin ng tawad sa lahat ng ginawa niya saamin mag kakapatid, hindi siya nag bigay ng rason sakin kasi mag mumukha na napipilitan siya. Siya rin ang nag enroll sakin sa private school dito sa Maynila kung saan nag aaral ang dalawang kong pinsan na babae. Si Janice at Annika.
Naging matalik kong kaibigan ang dalawa kong pinsan.
Sila ang naging kasangga ko sa mga nam-bubully sakin, sila ang tiga pag tanggol ko kapag may mga mean girls ang susubukan akong kantihan... Sila talaga unang reresbak at pag tutulungan nila yung mga mean girls na yun.
Matapang at palaban na babae si Janice, mas siga pa nga yan sa lalaki, yung pormahan niya ay pang lalaki din pero hindi siya lesbi okay? Purong babae siya na kilos lalaki. Ano nga tawag nila doon? Boyish?
Si Annika naman ay kabaliktaran ni Janice. Kung si Janice ay boyish, si Annika naman ay girly girl. She always wears pink, that's her favorite color. Halos lahat ata ng gamit niya ay kulay pink. Kapag pumasok ka nga sa kwarto niya malula ka sa sobrang pink. As in.
Dahil sa pagiging opposite nilang dalawa, madalas mag talo ang mag kapatid. Hindi sila nag kakasundo kahit nga maliit na bagay pinag tatalunan nila.
Nag kakasundo lang silang dalawa kapag may reresbakan sila.
Si Janice kasi hindi yan maarte, wala siyang pakialam kung ano itsura at kung anong sosootin niya kapag aalis siya ng bahay habang si Annika naman ay sobrang arte sa katawan kailangan lagi siyang nakaayos kahit nasa bahay lang siya.
YOU ARE READING
LOST
General FictionSa pag hahanap ko sa aking kapatid. Nakilala ko ang mga taong mag papabago ng aking buhay. Natagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay. Ako si Elise Sandoval at ito ang aking kwento.