Epilogue

2 0 0
                                    

Epilogue

Elise Sandoval-Montenegro's POV

Today is my triplets first birthday. Nag enjoy naman ang lahat specially my baby Travis. Sa kanilang tatlo, si Travis ang pinaka masayahin, siya ang kinagigiliwan ng mga bisita dahil lagi ito nakangiti at nag giggle habang ang dalawa niyang kambal ay ayaw humiwalay saamin ng Daddy nila.

Umiiyak si Trevor sa tuwing may bisita na mag tatangka kunin siya sa Daddy niya or kapag ako ang may buhat sa kanya. Nag aapproach naman siya, nginingitian niya ang mga bisita pero kapag kukunin na siya, iiyak ito at hindi bibitaw sa Daddy niya.

Si Tyler naman ay walang pakialam kapag may lalapit sa kanya na bisita at binabati siya, nakatingin lang ito at walang reaction. Kapag naman susubukan siyang kunin nito, yayakap ito sakin at mag tatago.

Si Travis ang panganay
Si Trevor ang pangalawa
At si Tyler ang bunso.

Mag kakaiba man sila ng ugali, may isang bagay silang pag kakapareho yun ay kamukha nila ang Tatay nila! As in, wala manlang sila nakuha sakin. -_-

~~~

After ng party.

Tulog na ang mga anak namin sa biyahe palang. Inilapag namin sila kwarto nila at pinag pahinga na ang mga yaya nila at sila Manang Esme.

Nag linis na rin ako ng katawan para makapag pahinga na rin pero itong asawa ko mukhang walang kapaguran, imbis kasi na makapag pahinga na kami, hinaharot at nilalandi pa ako. Nakailan na kami ngayong gabi, inabot na kami ng madaling araw dahil sa kalandian niya.

Mag kayakap kami ngayon, wala kahit na anong saplot.

"1 year old na ang triples asawa ko, pwede na natin sila sundan." - Nakangising saad nito. Nahampas ko siya sa dibdib niya dahil sa sinabi niya.

"Huwag muna natin sila sundan, asawa ko. Hindi pa ako ready mag buntis at manganak ulit." Saad ko. Tumingala ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. "Kapag ready na ulit ako, ibibigay ko sayo ang hinihiling mo." - Nakangiting saad ko. Ngumiti siya sakin at marahan akong hinalikan sa noo.

"I will respect your decision and I will wait until you're ready to conceive again. I love you My wife." - Saad niya.

"I love you too mahal kong asawa."

~~~

8 years later

Nakangiti kong pinapanood ang mga anak ko na masayang nag lalaro sa pool kasama ang mga pinsan at kaibigan nila.

Nandito kami ngayon sa hot spring resort na pag mamay-ari nila Tine. Ito rin yung resort na pinuntahan namin noon nung nag propose sakin si Kenneth. Hindi ko inakala na ang resort na ito ay pag mamay-ari pala ng pamilya ni Tine. Hindi ito sinabi ni Tine saamin, ang tanging nakakaalam lang nito ay ang kanyang asawa, kung hindi pa nadulas yung isang caretaker ng resort, hindi pa namin malalaman.

"Johan! Look after your sister! Wag ka puro libro jan." - Saad ni Christine sa panganay niya na busy sa pag babasa ng libro.

"Okay Mom." - Saad nito atsaka binaba ang libro niya at pinuntahan ang kapatid nito na nag lalaro sa pool.

Sa loob ng walong taon, kaming mag kakaibigan ay marami pinag daanan sa buhay, lahat kami sinubok ng tadhana, sinubok ang katatagan, ang tiwala, at ang pag mamahal sa isa't isa.

Sinubok kami ng tadhana nung mag kasakit ako ng depression, napaglabanan ko ito sa tulong na rin ng aking asawa, sinubok muli kami ng sabay na mag kasakit ang triples, halos hindi kami natulog ni Kenneth dahil hindi bumababa ang lagnat nila at panay din ang iyak nila dahil masakit ang tyan, nag susuka sila, at yung pupu nila ay may dugo, sinugod namin sila sa hospital at nalaman namin na may stomach flu sila at kailangan sila ma-confine. Pakiramdam ko at that time naging pabayang ina ako, sinisisi ko ang sarili ko sa pag kakasakit nila.

LOSTWhere stories live. Discover now