Chapter 8
Elise Sandoval's Pov
Nag patulong ako kay Kenneth na I-konpirma kung si Elias nga ang kapatid ko gamit ang Sibling DNA test.
At doon nakonpirma namin na siya nga ang nawawala kong kapatid.
Sobrang saya ko dahil nakita ko na ulit ang kapatid ko, buhay siya at nasa mabuting kalagayan.
"Ano ngayon ang plano mo? Sasabihin mo ba sa kanya?" - Tanong ni Kenneth.
"Matagal ko siyang hinanap Kenneth. Gusto ko ulit siya makasama. Ipapaalam ko sa kanya na ako ang ate niya." - Nakangiti at excited na saad ko.
Pag karating namin sa Mansion. Nandoon lahat ang pamilya ng Montenegro, agad na hinanap ng mata ko si Elias na nakikipag kwentuhan sa mga pinsan nila.
Nilapitan ko siya.
"Elias, pwede ba tayo mag usap?" - Nakangiting saad ko.
"Tungkol saan?" - Walang emosyon na tanong nito.
"May importante lang ako sasabihin sayo." Saad ko.
Pumayag ito makipag usap saakin. Hindi naman kami lumayo masyado kasi gusto ni Kenneth na nakikita niya pa rin ako.
"Ano ba gusto mong pag usapan namin?" - Tanong nito
"Pwede ba kita yakapin?" - Tanong ko.
"Nababaliw ka na ba? Nakatingin saatin ang Kuya ko baka kung ano pa ang isipin niya."
"Hindi naman masama kung yayakapin ko ang kapatid ko eh." - Saad ko.
"Kapatid? Anong sinasabi mo? Ah. Ikakasal na nga pala kayo ng Kuya ko." Saad nito
"Hindi mo na ba ako naaalala Elias? Ako ito, ang Ate Elise mo. Ang tagal kitang hinanap." - Saad ko.
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."
"Naalala mo ba, nung mga bata pa tayo, sinubukan mo noon na umakyat sa puno ng mangga para ikuha kami ng mangga ng Ate Elynn mo pero nahulog ka nun at napilyan, tapos naalala mo rin ba na patago tayo kumakain ng capcakes? Tinuraan nga rin kita mag bake ng mga capcakes kaya nga naging favorite mo ito."
"Tumigil ka na. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ba matagal ng patay ang kapatid mo? Yun nga ang dahilan kung bakit mo iniwan ang Kuya ko. at isa pa, wala akong kapatid na babae." - Malamig na saad nito.
"Pero Elias... Alam kong ikaw ang kapatid ko. Tignan mo ito. Nag match ang DNA natin kaya alam kong ikaw ang kapatid ko." - Saad ko.
Hinampas niya ito kaya nabitawan ko ang papel at gulat akong napatingin sa kanya.
"Hindi kita kapatid. Wala akong kapatid na katulad mo." - Saad nito. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya.
"Elias..."
Tinalikuran ako nito. Papaalis na sana siya ng bigla ako nakaramdam ng sakit sa tyan ko. Napahawak ako doon at napasigaw sa sakit.
Nakakita ako ng dugo na dumaloy sa binti ko kasabay nun ay nawalan ako ng malay.
~~~
Kenneth Montenegro POV
Double doubleng kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang dugo sa binti ni Elise. Agad ko siya tinakbo sa hospital.
Ngayon nandito ako sa harap ng Emergency room nag hihintay sa doctor na nag checheck kay Elise.
Hindi ako mapakali. Natatakot ako na may mangyaring masama sa mag ina ko.
Hindi ko kakayanin na mawala ang isa sa kanila.
Agad akong lumapit sa Doctor ng lumabas ito. Tinanggal niya ang soot niyang facemask.
YOU ARE READING
LOST
General FictionSa pag hahanap ko sa aking kapatid. Nakilala ko ang mga taong mag papabago ng aking buhay. Natagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay. Ako si Elise Sandoval at ito ang aking kwento.