Chapter 4
Elise Sandoval's POV
May dalawang linggo pa kami ni Jason bago mag simula ang big project namin kaya napagpasyahan namin na umuwi muna sa kanya kanya naming probinsya. Siya, para bisitahin ang pamilya niya at ako, para bisitahin ang mga kapatid at magulang ko.
Matagal na rin nung huling nakabalik ako sa probinsya namin. Aaminin kong namiss ko rin ang lugar na iyon, ang lugar kung saan ako isinilang at nag kaisip at ang lugar kung nasaan nakahimlay ang pamilya ko.
Alam ko na oras na bumalik ako sa probinsya namin maalala ko muli ang mga masasamang alaala na nangyari sakin doon lalo pa't alam ko sa sarili ko na hindi pa rin ako nakakamove on sa pag kamatay ng dalawang kapatid ko. Alam ko na sa pagbabalik ko sa probinsya namin ay masasaktan muli ako pero kailangan ko itong gawin, kailangan kong harapin ang mga bagay na hindi ko nagawang harapin noon. Kailangan ko ng tanggapin na wala na ang mga kapatid ko.
~~~
Nakatayo ako ngayon sa harap ng puntod ng mga kapatid ko. Nakakatuwa nga na malinis ito at mukhang naaalagaan. Buong akala ko maaabutan ko ang puntod nila na madumi at puno ng ligaw na damo pero tignan mo malinis ito at malago ang mga damo ng puntod nito.
"Mukhang lagi kayong may bisita ah? Lagi ba kayong binibisita nila Annika at Janice or nila Tiya at Tiyo? Nakakatuwa na kahit na hindi ako nakakabisita sa inyo may mga tao pa rin ang nag aalalaga sa inyo." - Saad ko habang marahan na hinihimas ang lapida nila. "Pag pasensyahan niyo na si Ate ha? Kung ngayon lang ako bumisita sa inyo. Hindi ko kasi magawang tanggapin na wala na kayo at hindi ko na kayo makakasama ulit, hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pag kamatay niyo, naging pabaya akong nakakatandang kapatid sa inyo. Hindi ko kayo nagawang protektahan. Patawarin niyo ko."
Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko at mapahagulgol. Hindi ko pa rin talaga kayang tanggapin ang lahat.
"Akala ko makakaya kong tanggapin ang pag kamatay niyo pero nag kamali ako. Hindi ko pa rin pala talaga kayang tanggapin. Sobrang sakit. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Miss na miss ko na kayo. Gustong gusto ko na ulit kayo makasama at mayakap."
Nag stay ako dito sa sementeryo ng ilan pang oras. Kinuwento ko sa mga kapatid ko ang mga nangyari sakin nitong mga nakaraang taon. Nakwento ko sa kanila ang mga naging experience ko nung bagong salta ako sa Manila at nakwento ko rin sa kanila kung paano ko nakilala ang mga kaibigan ko at si Kenneth.
"Alam ko hindi niyo pa kilala si Kenneth gustuhin ko man na ipakilala kayo sa kanya, hindi naman na ito maaari dahil ayoko na makagulo sa buhay niya, lalo pa ngayon na may iba na siyang minamahal kaya patawarin niyo ako. Hindi ko na magagawang ipakilala siya sa inyo." - Saad ko.
"Hindi mo na kailangan gawin yun dahil matagal na nila akong kilala." - Natigilan ako ng may biglang nag salita sa likuran ko.
Agad akong lumingon sa pinag galingan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko ng makita siya doon.
"Kenneth...."
Ang laki ng pinag bago niya, ang laki ng pinayat niya na siyang bumagay sa kanya mas lalong lumitaw ang kagwapuhan niya.
"Elise...."
Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang aking pangalan. Hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na namiss ko siya ng sobra.
"Elise...."
Lumapit siya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. Yung higpit na tila ba namiss niya ako at labis siyang nangulila sakin.
Hindi ko alam kung anong irereact o mararamdaman ko sa mga oras na ito, itutulak ko ba siya o yayakapin din ba siya?
Basta ang alam ko lang, sobrang namiss ko rin siya, namiss ko ang mainit niyang yakap, namiss ko ang boses niya, namiss ko ang lahat sa kanya.
YOU ARE READING
LOST
General FictionSa pag hahanap ko sa aking kapatid. Nakilala ko ang mga taong mag papabago ng aking buhay. Natagpuan ko ang lalaking mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay. Ako si Elise Sandoval at ito ang aking kwento.