hello guys! :) thank you po pala sa mga nag add ng story na to sa reading list nila :) natuwa ako so here's a short update :) enjoy! comments are highly appreciated :)
Someone's POV
"SUCCESS!!!!!" masaya kong sabi sa kasamahan ko dahil nagtagumpay ang plano namin. nangiti naman siya dahil sa wakas, kahit papano, nakapaghiganti na kami. Pero hindi pa kami tapos.
i'll make your life a living hell johanns.
tama. yan ang dapat mong maramdaman. P.A.G.D.U.D.U.S.A. lalo na ngayon na nahihirapan ang babaeng pinakamamahal mo, at wala kang magawa! HAHAHAAHAHA! I poured the red wine to my sister's glass. " cheers!" sabi niya. ang sarap sa pakiramdam na nagtagumpay ang plano namin. tanga tanga naman kasi ni johanns. sa dinami dami ng babae sa mundo, sariling kadugo pa ang pinagpalit sa akin.
magdusa ka. HAHAHAHAHAH.
i'm not finished yet. I'm just starting. I'll watch you as you give up, feeling miserable because you loved the wrong girl.
(Johanns' POV)
"hindi mo siya dapat iyakan. sayang luha mo..." malungkot kong sabi kay johanna habang pinagmamasdan ko siyang tulog.kakaiyak niya kanina, mukha padin siyang nahihirapan kahit sa pagtulog. yung mga talukap ng mata niya, namumula din. hiniga ko siya sa kama at umupo ako sa may gilid niya. hinaplos ko yung mukha niya.
sh*t
kanina pa kumikirot yung dibdib ko. hindi lang physically dahil sa mga suntok ni johanna sa akin. pero yung emosyon ko? para kong pa ulit ulit na sinasaksak dahil sa sakit. yung tipong hindi mo na alam kung papano mo maiilalabas yung sakit na nararamdaman mo?
hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni johanna. '' mali ka ng minahal...mali ako ng minahal... pero hindi ko magawang iwan ka..hindi... hindi ko kaya'' kung alam lang sana ni johanna kung gaano kasakit yung makita ko siyang iniiyakan ang isang lalaki. naiinis ako kasi wala akong magawa. I'm helpless at gusto kong suntukin ang sarili ko. pero kelangan kong magpakatatag para sa kanya.
kelangan kong ring turuan ng leksyon yung walang hiyang lalake na yon. sinabi ko na dati. maghanap na siya ng asong magpapahiram sa kanya ng mukha. babasagin ko mukha niya.
" bakit ikaw pa?" lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla akong natigilan dahil nagsalita si johanna. nananaginip yata siya. hanggang sa panaginip ba siya padin? bago pa ako maiyak sa hapdi ng sugat ng puso ko. sh*t ang lalim na ng pinagsasasabi ko. epekto ba to ng pagkabaliw sa pagmamahal? hinalikan ko siya johanna sa noo at lumabas na ng kwarto. nakasalubong ko na agad yung isa pang pambadtrip sa bahay na to. si andy lang naman.
" what happened?" tanong niya. kelan ka pa naging interesado sa mga nangyayari sa amin ? nilagpasan ko lang siya. " none of your business bro." maikli kong sagot sa tanong niya. kelangan kong malaman kung sino yung lalaki na yon.
(flashback)
'' miss, anong kelangan mo?'' inip kong tanong sa kanya.
" ikaw." matipid niyang sagot. anak ng pating to. anlakas naman talaga ng CHARISMA KO! iba na talaga ang isang johanns!
binigyan ko siya ng matamis na ngiti. '' sorry taken na ako'' pambabara ko sa kanya sabay pagpapalit ko nung matamis na ngiti ng mapang asar na ngiti.
kawawa ka naman miss. wala kasi ako sa mood ngayon eh. kung nasa mood lang ako, sumang-ayon na ako sayo.
" taken? kayo na ng kapatid mo?!" gulat na gulat niyang tanong sa akin. pero mas nagulat ako sa sagot niya. hinawakan ko siya sa balikat. kinabahan ako. walang ibang nakakaalam ng nararamdaman ko kay johanna. WALA!
" PAANO MO NALAMAN ?!" sigaw ko sa kanya. wala akong pake sa mga dumadaang tao. naka- focus lang atensyon ko sa babaeng to.
" hhhhhhmmmmmmmmm~" mapang asar niyang huni. leche.
" hindi ako nakikipagbiruan ha!!!!" galit kong sabi. tinanggal naman niya yung kamay ko sa balikat niya. nginitian niya ako.
" kung ako sayo, sabihin mo sa kapatid mo, wag siyang magtitiwala ng basta basta." dahan dahan at misteryoso niyang sabi sa akin.
" bakit sakin mo to sinasabi? ano bang nangyayari?!" naguguluhan ako. game show ba to? wala naman ako sa mystery story para bigyan ng mga cryptic message na to. taena.
bad mood ako sinabayan pa neto.
'' let's say na tinutulungan lang kita. you'll thank me afterwards.'' sabi niya sa akin. with conviction pa. tinalikuran na niya ako at naglakad papalayo.
" teka!!'' sigaw ko.. lumingon naman siya. '' anong pangalan mo?!'' nginitian niya ulit ako.
'' Polly''.
(end of flashback)
tama! kelangan kong hanapin si polly. siya lang ang makakatulong sa akin. dali dali akong pumunta kela aling bebang baka sakaling makita ko siya doon, pero wala. hindi ko na agad alam kung saan ko siya makikita.
malapit na magpasukan ulit kaya naman sa school ko na aalamin kung sino yung lalaking yon. at sorry siya, mali siya ng babaeng niloko.
umuwi ako ng bahay dahil wala naman akong mapapala sa kakatambay sa kalye. mas maganda pang samahan ko nalang si johanna sa bahay. umakyat ako sa kwarto ko. nanlaki ang mata ko sa nakita ko. pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.
'' JOHANNA!!!!!!!''
si johanna. sa kwarto ko.walang malay. naliligo sa sarili niyang dugo.
"JOHANNA ANONG NANGYARI?!!!!" sigaw ko. pumiyok pa ako dahil kabadong kabado ako. nanginginig akong lumapit sa kanya. sh*t hindi pwede to. panaginip lang to. sh*t talaga. hindi ko na napigilan umiyak. I held her in my arms.
ang putla na niya. " JO...JO...JOHANNA.... sumagot ka!!!" niyuyugyog ko siya. kinapa ko yung pulso niya. sobrang hina na. nanlalamig na siya pero pakiramdam ko, mas mabilis pang nanlalamig yung katawan ko sa takot.
" hindi pwede to. lumabas lang ako. hindi pwede to. wag mo kong iwan johanna!!! ANDYYYYY!!!!! TULONG!!! ANDY!!!!!" desperado kong tawag sa kanya. hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. hindi. hindi.
pinapangako ko, pipilitin kong hindi na siya mahalin. pipilitin kong ibaling ang atensyon ko sa ibang babae. huwag Mo lang siyang kunin!!!
" johanna... please... huwag... johanna..."
-----------------------------------------------------end of UD----------------------------------------------
sooo? wag niyo po akong tadtarin :P comments are highly appreciated guys!! :) It's my energy you know :D the more the comments the faster the update :D (ooooows? XD)
BINABASA MO ANG
My Twin and I (ONGOING NA)
Humorsa dinami dami ng taong pwede kong mahalin.... biruin mo ..mamahalin ko..ang KAKAMBAL KO?!