Chapter 9
Sandra
PAKAPASOK ko ng sasakyan ay bukod sa umiyak ay di ko maiwasang mapasigaw. Ang sakit! Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Parang bumalik yung araw kung kailan nya kami tinakwil, masakit din para sa anak ko kung paano sya itanggi noon ng sarili n'yang ama.
Sinubukan kong pakalmahin muna ang sarili ko. Bago ako mag maneho. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na ako dito sa loob ng kotse dahil hanggang ngayon ay di ko pa rin kaya ang mag maneho. Dahil sobrang nanginginig parin ako.
Nag bakasakali akong tawagan si path, para sana puntahan ako.
And thank god! She answered my call.
"Hey!" Rinig ko ang masyang tono nito.
"Babe? A- are you busy? Pwede mo ba ako puntahan ngayon? It's just... I can't drive." Deretsong sabi ko dito.
"Are you ok? What happen?" Magkasunod nitong tanong "Ok send your location and stay, there."
Tumango ako na parang nakikita nya ako. Alam kong sobra ko na silang naabala. Grabe din kung mag sacrifice si path pagdating sa'kin, at syempre mas lalo na si grace. Di ko na mabilang kung ilang beses nila akong sinasalo everytime na kailangan ko ng tulong.
Si grace na hanggang ngayon ay andun parin ako sa puder nya. At nagdagdag pa ako ng isa. Pero kahit gan'on wala akong narinig kay grace, wala syang salita na alam nyang makakasakit sa'kin.
Si path na sobrang alaga sa akin sa amin ni grace at ngayon pati na rin kay shiloh. Sobrang pasasalamat ko lang talaga at binigyan ako ng mga kaibigang katulad nila. Also. Vernon wala si vernon ngayon he's currently having a vacation in Europe.
Sa sobrang pag iisip ay di ko namalayang dumating na si path. At kung di pa ito kumatok ay di ko parin sya mapapansin.
"You ok?" Tanong nito pagkatapos n'yang isara ang pinto ng kotse.
Umiling lang ako habang nakayuko. Agad nitong hinawakan ang kamay ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin.
"I met him" nakita ko ang bakas ng pagkagulat sa mukha nya.
"Did he hurt you? Anong ginawa nya?"
Umiling ako bilang sagot.
"Hindi nya ako sinaktan. But he's asking about shiloh." Tumango ito na parang naintindihan nya.
"And? Anong sinabi mo?"
"Wala." Lumingon ako sa kanya para makita ang reaksyon nya.
"Wala syang karapatan." Dugtong ko.
Hindi ko alam kung bakit natawa si path. Mukha ba akong nagbibiro? Joke ba yung sinabi ko? Kainis. Pero kahit ganon gumaan ang pakiramdam ko wala na rin yung panginginig ko. Naisip ko paano nalang kung wala sila sa tabi ko? Sa tingin ko di ko kakayanin.
"Uwi muna tayo miss ko na anak ko." Sabi ko rito at agad naman syang tumango at inumpisang magmaneho.
"Hindi muna tayo uuwe." Sabi ni path sa akin habang busy parin ito sa pag d-drive.
"Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko
"Sa company ni grace andun si shiloh ngayon." Sagot nya at napatango nalang ako. Gagawin namin dun? Hays.. bahala na baka itulog ko nalang dun.