Chapter 11

695 8 1
                                    

Chapter 11




Sandra






MALAKAS kung tinabig ang kamay nya, para malaman nyang di ko kailangan yun. Hindi ko na sya pinapansin at nag focus nalang ako sa pagpili ng flavors ng mga doughnuts.



"P- please... Sandra. " Pag mamakaawa nya. Tinitignan na rin kami ng mga tao dahil sa stilo nya. Parang syang basang sisiw.



"Pwede ba! Lubayan mo ko?! Nakakahiya kana!" Naiirita kong sabi. Napayuko naman ito. Nakaramdam rin siguro ng kahihiyan.



"I- im sorry.. I- "


"Ilang bese ko ba sayo sasabihin? Ha! Tigilan mo na yang ginagawa mo. Alin ba doon ang di mo maintindihan?" Hindi ko na sya pinatapos pang mag salita. Puro sorry nalang lumalabas sa bibig nya eh kahit lumuhod sya sa harap ko wala din namang magbabago.



"Let's talk please... We need to talk!"



"At anong pag uusapan natin? Sino ka ba? Kilala ba kita?" Pilosopo kung sabi. "Oh! Oo nga pala, hindi ba't sinabi ko na sayo na... Wala kang karapatan!." Deretso kong sabi.



"I'm the father right?" Tanong nya sakin.


Oo nga't ikaw ang ama. Pero mas masaya siguro kung ikaw din ang itanggi...


Hindi ko alam kung paano ako nakabili ng doughnuts habang kausap ko ang mokong na to. Nakasunod pa rin sya sakin hanggang sa makalabas ako ng store.


"Sandra!" Sigaw nito. Napahinto ako ng paglalakad. Actually iilang hakbang nalang ay makakarating na ako sa kotse ko.


Ganon sya kadaling nakalapit sakin. At hinawakan ang braso ko. Nag pumiglas ako ngunit mas matimbang ang lakas nya kaysa sakin. Wala akong nagawa kung hindi magpati- anod sa paghila nya. Huminto nalang kami sa tapat ng sasakyan at alam kong sakanya iyon.


"We need to talk please... J- just give me.. five or ten minutes please!." Pagmamaka awa nito. 


" Uulitin ko tj ha! Baka kasi hindi mo naintindihan! Wala. Tayong. Pag-u-u-sa-pan.. at isa pa. Wag mo na akong kulitin tungkol sa anak KO!" Sinadya kung idiin ang salitang yun.


"I regret everything now sandra. Please! Give me a chance to see our baby." Nakita ko ang malapit ng pagpatak ng luha sa mga mata nito. 



"Wala kang dapat pagsisihan tj. Kung binabangungut ng kosensya mo sa ginawa mo, wag ka mag alala. Hindi na kailangan no'n."


Akmang mag sasalita ito. Pero hindi ko na hinayaan na bumuka pa ang bibig nito...



"You're not the father!. Kung yun ang iniisip mo." Biglang sabi ko. Nakita ko ang paglaki ng mata nito kasabay ng mga kumawalang luha sa mata nya. I see pain. And he deserves it.



"Sandra!.." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. At ang ikinagulat ko ay bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko.



"Please... hon!" He cried so loud. And i couldn't help myself not to cry too. Shit why am i crying? Naawa ba ako? No!.



"Get up tj, walang magagawa ang pag luhod mo. Hindi mo mababago ang nangyare. And, I'm sorry. Kung pinaniwala kitang ikaw ang ama ng anak ko." Hindi sya naniniwala? Bakit ito umiiling?



"Kahit na! Sandra.." humikbi ito at still nakkaluhod pa rin. "I still want to be a father of your child" tumayo ito at pumantay ito ng tingin sa akin. Hindi nakatakas sakin ang mapula nitong ilong dahil sa pag iyak.



Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now