Chapter 18

703 10 1
                                    

Chapter 18





Sandra




NANG makabawi ako sa pagkabigla, ay buong pwersa ko syang tinulak at malakas ko itong sinampal.

"Ano? Bababuyin mo nanaman ako? Ha!" Malakas kong sigaw sa kanya.

"What the hell! Are you talking about??"

Hindi ko na sya sinagot, wala na akong pwedeng gawin ngayon kung hindi ang lumabas sa kwartong ito. 

Akmang lalabas na sana ako nang bigla nalang nya akong hinila at kasunod ay ang pagtulak nya sakin sa kama.

Malakas si tj, sa totoo lang hindi ko sya kaya. Hindi ko rin  maintindihan ang pinapakita nya sa'kin ngayon, sa ilang linggo naming mag kasama sa hospital ay ok lang naman ito.

At ngayon?...


Sinubukan kong bumangon, para sana subukang umalis ulit. Pero, agad syang umibabaw sa akin, at parehong itinaas ang dalawang kamay ko, at mahigpit ang pagkakahawal nito.

"Let me go!" Pag pupumiglas ko.

"Gusto mo umalis? Sege! Umalis ka!" Nang gigigil nitong sabi.

"Talagang aalis kami! Kaya bitawan mo'ko! Ano ba?" Pasigaw kong sabi habang pilit akong kumakawala sa kanya.

"Ikaw lang, ang papayagan kong umalis! Sandra! Iwan mo sa'kin si shiloh."

Malakas akong napatawa sa sinabi nya. At tumingin ako sa mga mata nito. Ang kapal ng mukha ng mokong na toh. Iwan? Yung anak ko? Never!!!

"Sa tingin mo? Gusto sayo nung bata?"

Nakita ko kung paano nag iba ang reaction niya sa sinabi ko.

Agad syang umalis sa ibabaw ko, at pinagpapasalamat ko iyon.

Lumabas ako ng kwarto, at pumasok naman agad ako sa kwarto, kung saan naroon si shiloh. Tulog na tulog pa rin ito. Tumabi ako sa anak ko at yumakap ako ng mahigpit na parang makakahuha ako ng lakas mula rito.

Hindi ko mapigilang umiyak, hanggang ngayon wala pa rin pinagbago si tj. Buong akala ko magiging mabuting ama sya. Pero wala talagang pagbabago ang ama ng anak ko.

Sinubukan kong tawagan si grace. At sinabi nitong nasa out of the country ito. Si vernon ay alam kong inihatid nito si path sa province, kaya wala akong mahingi-an ng tulong.

Hindi ko alam kung paano kami makaka alis ni shiloh dto. Dahil sigurado akong hindi ito ang bahay ni tj. Nasa isip kong baka isa ito sa mga unit nya. 

Dahil tulog pa si shiloh, ay sinamantala ko ang maligo muna. Good thing meron pa rin akong malinis na damit na hindi ko pa nagagamit galing sa hospital.

.......

After kong maligo ay naabutan ko si shiloh, na nililibot ang paningin sa buong kwarto. Halatang kagigising lang nito. Nang makita ako ay nagpabuhat ito kaagad.

"Mommy hungry na po ako."

"Timpla si mommy ng milk ok?" Sagot ko pero umiling ito.

"I want food mommy... I want food..."

"Ok, ok! Magluluto muna si mommy ha!" Sabi ko at tumango naman ito.

Ibaba ko na sana ito, pero ayaw. Hindi ko tuloy alam kong paano ako makakapag luto nito.

Lumabas kami ng kwarto at nadatnan namin si tj na nag luluto na ito. Shiloh is still hugging me habang buhat ko ito.

Napalingon ito sa amin. At iniwas din agad ang tingin. Huh! Bait baitan porket andito ang anak. Pero pag kaming dalawa lang, asal demonyo na.

Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now