Chapter 41
Sandra
Kahit na hirap akong humakbang palabas kung saan ang hospital room ni shiloh ay wala akong magawa kung hindi ipagkatiwala ito ulit kay grace. Gusto kong magalit din kay grace, pero alam kong wala syang karapatan pangunahan si tj sa lahat. Ilang beses rin itong humingi ng tawad sa akin, dahil sa hindi pagsabi ng totoong kalagayan ni shiloh. Wala rin naman akong mapapala pag magagalit ako sa kanya. Sa lahat palang ng sakripisyo ni grace para sa akin, at kay shiloh ay dapat na akong mahiya. Kulang ang salitang salamat sa lahat ng tulong sa amin ni grace.
Kahit nasa daan ay pareho kaming tahimik at walang nagsasalita. Galit ako kay tj, galit ako ng sobra. Ang daming pagkakataon para sabihin sa'kin ang totoo, pero mas pinili nyang magsinungaling, mas pinili nyang magtago, dahil ano? Dahil doon sya magaling!.
Hindi ko na sya hinintay pang makalabas ng sasakyan. Dumerestso ako sa elevator at nagmamadali. Pero naabutan nya pa rin ako. Ilang beses nya akong tinanong kung ano raw ba ang gusto kong kainin, pero hindi ako sumagot. Tangina nya! Sinong makakakain sa nasaksihan ko kanina. Kung makaasta sya parang wala lang sa kanya ang nangyare kanina.
Sumalubong sa amin ang parents ni tj, ngumiti lang ako ng konti bilang pag respeto sa kanila, tyaka na ako dumerestso ng banyo para maligo. Nagtagal ako sa banyo ng mga ilang minuto, habang naliligo ay hindi pa rin maalis sa'kin ang nangyare kanina, hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng takot. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, pero hindi ko magawa. Tanging pag iyak lang ang pwede kong gawin.
Paglabas ko ng banyo ay, nadatnan ko si tj na buhat buhat si theron. Limingon ito sa'kin pero umiwas agad ako ng tingin. Lumabas ako ng kwarto para magpasalamat sana sa parents ni tj, pero wala n akong nakita. Tanging helper nalang namin.
"Umalis na sila babalik sila bukas." Sabi ni tj. Sumunod pa talaga! "Anong gusto mong kainin?" Tanong nito pero hindi ako sumagot. "Sandra!" Tawag ulit nito sa'kin pero hindi ko ulit sya pinansin. "Can you hear me?"
Hindi ako sumagot at nilampasan ko lang silang mag ama at pumasok na ako sa kwarto. Since basa pa naman ang buhok ko ay inabala ko muna ang sarili ko sa pag aayos ng mga damit ni theron. Baka mamaya rin siguro ay maglalaba ako, ang dami na palang maruming damit ni theron. Maya maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si tj, hindi na nito dala si theron baka nasa helper na namin. Nagtuloy tuloy lang ako sa pag tupi ng mga damit ni theron at hindi pa rin pinapansin si tj.
"You need to eat. Sandra"
"Busog ako tj lumabas kana." Tanging sagot ko sa kanya at patuloy lang ako sa pag ayos ng mga damit ni theron.
"How? Hindi nga tayo kumain kanina, paano ka nabusog?" Sabi ulit nito.
"Busog nga ako! Anong hindi mo maintindihan doon?" Sabi ko at tumayo ako para ilagay ang mga natupi kong damit ni theron, pero kinuha iyon ni tj sa'kin at inihagis ulit sa higaan namin. Talagang sinasagad ng gagong 'to ang galit ko.
"Hindi ka titigil? Ha!" Sigaw ko at sabay hampas ko sa kanya hindi ko alam kung saan tumama iyon. "Kanina ka pa! Nagtitimpi lang ako sayo!" Pasigaw kong sabi ulit. Bumalik ako sa kama para ayusin ulit ang mga kumalat na mga damit ni theron.
"What is your problem? Why are you being like that?"
Napahinto ako sa pagtupi ng damit dahil sa katagang sinambit nya. Humarap ako sa kanya at walang pagdadalawang isip na sinampal ko ito. "Tinatanong mo pa talaga!?," sabi ko sa kanya. "Bakit ako nagagalit? Ha! Bakit?" Pinunasan ko ang mga luhang kong pumapatak and after that i pointed my finger at him. "Alam mo? Tj? Hindi ko alam kung tanga ka!, o pinipili mo lang maging tanga!. After what i heard earlier? Tatanungin mo ako? Magtatanong ka kung ano ang problema ko?"