Chapter 25

582 6 1
                                    

Chapter 25


⚠️Trigger Warning⚠️
⚠️Read at your own risk!⚠️




Sandra






LAHAT na ata ng pwedeng linisan ay nilinisan ko na, Since wala yong mag ama. Ewan ko ba kung bakit ang kalat ng kwarto namin ni shiloh. Parang hindi nawawalan ng kalat, sabi naman nila normal lang daw kapag may bata.



Nang matapos ako ay, umupo ako sa sala para makapag pahinga kahit saglit. Pero mukhang hindi lang saglit ang magiging pahinga ko. Nakakaramdam na rin ako ng antok, since wala naman si shiloh. Susubukan ko munang matulog....




Nagising ako dahil sa pagtunog ng phone ko. Tumingin muna ako sa orasan bago ko kunin ang phone ko na kanina pa tumutunog.



Dalawang oras mahigit din pala akong nakatulog, at wala pa rin ang mag ama. Sinagot ko ang tawag mula sa kaibigan kong si path.


"Hello babe?" Sabi ko


"Babe kanina pa ako tumatawag! Asan ka ba?"


"Nakatulog ako... Ano ba kasi yun?"


"Nagpadala ako ng caramel cake for shiloh!, si gab ang pupunta dyan.., baka nga malapit na rin yun, since kanina pa ako tawag ng tawag!"


"Ok, ok... Hintayin ko nalang sya dito. Sige na thank you..."


"Wait!... Nasaan si shiloh? Kakausapin ko, miss ko na eee..."



"Gumala si shiloh kasama ang daddy nya, kaya wala rito ang hinahanap mo."


"Ganon ba! Ok i'll call nalang later. Bye!"



Ano bang okasyon? Ba't may pa cake? Hayss... Spoiled talaga ang anak ko pagdating sa mga tita ninang nya.






Maya maya, pa ay dumating na si gab, at dala nga nito ang cake para kay shiloh. Umuulan pala sa labas dahil basang basa si gab, nagtaka ako noong una pero pinaliwanag nya na gamit lang nito ay motor.


"Kape ka muna." Alok ko sa kanya.


"Uyy... Thank you! Lamig sa labas kanina." Sabi nito at humigop na ng kape.  " Sya nga pala, nasaan si shiloh?"


"Kasama si tj, nag mall yung dalawa. Pinayagan ko na kaysa naman magbabad sa tv."


"Ganon ba so... Ikaw lang mag isa rito? Ang boring kaya mag isa, dapat sumama ka nalang."


"Hayaan mo na.., para naman magkaroon ng oras yung mag ama" paliwanag ko.


Nanatili pa rin si gab sa bahay, dahil malakas pa rin ang ulan. Hinayaan ko muna syang manuod ng tv... At ako naman ay nagpaalam sa kanya na maliligo muna dahil puno ako ng alikabok... Dahil sa paglilinis ko kanina.


Nang matapos akong maligo, ay lumabas ako ng kwarto para i-check ai gab. At nadoon pa rin sa sofa... Nang makita ako ay..., nagpaalam na ito.


At nang bubuksan ko na sana ang pinto, ay biglang bumukas ito at bumungad sa'kin si tj. Buhat buhat nito si shiloh na sa tingin ko ay nakatulog na.


Nakita ko kong paano lumalim ang paghinga ni tj, habang nanatiling nakatingin kay gab. Mukhang galit nanaman ito.


"Tj..., akin na muna si shiloh."


Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now