Chapter 39
Sandra.
How dare him. To tell me that i have no rights here in his house. Yes, i know that. but can't he considered? That i am the mother of his children?... He's so fucking! Crazy...
He grabbed my arm to stop me. "Do you think I'll let you? Huh!"
The pain of his grip on my arm. Hindi pa naman masyado nakaka recover ang katawan ko sa panganganak. Halos hindi ko pa rin kaya ang pumwersa. Hindi ko magagawang makipagsabayan sa kanya dahil alam ko na hindi ko siya kaya.
"Bitawan mo 'ko!" Sabi ko habang inaalis ang pagkakahawak sa'kin. " I said let me go tj! Nasasaktan ako!..."
Imbis na alisin nya ang pagkakahawak sa'kin. Ay mas lalo lang nitong hinigpitan. "And then what? Aalis ka? Ilalayo mo sa'kin si theron? How about shiloh? Mag isip ka nga!"
"Ikaw! Ang mag isip. Tj! 'yang mga lumalabas dyan sa bibig mo!, pag isipan mo!." Sabi ko. And finally I had a chance to release his hold on me.
"Eh ikaw? Pinagiisipan mo ba mga desisyon mo? Hindi diba? You make your own decisions, don't you?"
Sasagot pa sana ako, pero mukhang naririnig ni theron ang sagutan namin ni tj. Pumasok agad ako sa kwarto at binuhat ko agad si theron mula sa kanyang crib. I'll keep saying sorry to theron while crying too. Kakatapos ko lang umiyak kanina pero ito nanaman ako.
Halos kalahating oras rin bago ko napatulog si theron. Nang lumabas ako sa kwarto ay hindi ko na nadatnan pa si tj. Maybe it's better if we're not together for now. Mag aaway lang kami ng mag aaway. Hindi ko rin maintindihan si tj kung, bakit ganon nalang ang galit nya sa parents nya. I mean... Hindi ko alam, i have no idea kung ano ba talaga ang ikonagagalit ni tj sa parents nya.
Dahil sa pagod ay sumabay na rin ako sa pagtulog ni theron. Madalas gumigising dahil napaka iyakin ni theron. Ang hirap ng walang kasama, ang hirap sa pakiramdam na parang mag isa lang ako...
Pinapaarawan ko ngayon si theron, and thank god he's behave. Ramdam na ramdam ko pa rin ang antok but i have no choice. After breakfast ay tatawagan ko si shiloh. That's our routine and kahit na papaano ay maramdaman rin nya na andito lang din ako palagi. Pumasok na kami ni theron dahil ramdam na namin ang init sa labas. Kahit alas otso palang sobrang init na.
"Mommy!!! Please..., visit me here... I miss you so much!..." Humihikbing sabi ni shiloh. Lagi namang ganito ang eksena namin eh.
"I will baby..., but for now i cant..." Lalo lang lumakas ang iyak ni shiloh dahil sa sinabi ko. She even pushed her tablet. Kaya muntik na itong mahulog. "Hey! Shiloh... Don't cry please... I'll try my best ok? Promise..."
"You always said that to me!... My friend here, his mom is always here... How about me?... I need you here mommy..."
Then she ended the call. Wala na. Galit na sa'kin ang anak ko. Hindi ko na rin talaga alam. Hindi ko pwedeng iwan si theron, hindi ko rin sya pwedeng dalhin doon, it's too risky for theron. I tried to call shiloh again. But, it was her private nurse who answered the call. Tinanong ko ang nurse ni shiloh, ang sabi ay ayaw daw nitong sagutin. Anong gagawin ko?
Ngayon ay sinusubukan kong tawagan si tj, baka sakaling paki-usapan sya na sya muna kay theron kahit saglit lang. Sinagot naman niya ito agad at hindi niya gusto ang ideya na inaalok ko sa kanya. Grabeng frustration ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kong saan ako lulugar. Naiintindihan ko naman ang rason ni tj, ayaw nitong magkaroon ng ibang problema pa. Pero paano 'yong isa kong anak? Kailangan din ako ni shiloh, kailangan niya ako. Pero wala akong magawa...