[ ◉¯]
Chapter 13
Expected
Green and beige went well together. I was sat at the edge of my bed when I unconsciously had both sides of my lips raised, carefully sticking a couple of light brown stickers all over my skateboard. I made sure to not overdo it, otherwise it would have looked tacky.
Ayaw kong matulad kay Sauyer yung skateboard ko.
Banayad akong naggupit ng mga banana milk pictures at nilagyan ng double-sided tape ang mga iyon tsaka itinapik sa likuran ng aking skateboard. Nang matapos na akong dumisenyo, iniangat ko iyon upang matingnan ang aking nagawa.
Napatalon ako sa gulat nang biglang pumasok si Thaianara sa aking kuwarto na mukhang nagmamadali. Kumalma naman ang sistema ko nang makaahon na sa pagkabigla tsaka tumayo upang ipasandal ang aking skateboard malapit sa likuran ng aking desk.
"Hindi ka pa rin marunong kumatok?" Matalim ko siyang tiningnan at tsaka naglakad pabalik sa aking kama.
Dinuro niya ako gamit ang kaniyang hintuturo.
"Huwag mo 'kong ganiyanin dahil mayroon ka pang ipapaliwanag sa akin!" Aniya na para bang may utang na loob ako sa kaniya.
I scoffed and leaned on the headboard my bed. I put my arms behind my back and closed my eyes slightly.
"Ano na naman? Palagi na lang akong may kailangang ipaliwanag," reklamo ko nang hindi siya tinitingnan.
Narinig ko ang pagbagsak niya sa swivel chair ko sa gilid lang ng aking kama. Napaurong ako nang bigla akong nakaramdam ng paa sa aking tuhod kaya napadaing naman ako sa sakit dahil sa bagong sugat ko doon.
I opened my eyes, glared at her, and removed her feet harshly that was resting on my leg.
"Fuck, Thai! May sugat ako diyan!" Reklamo ko at binato siya ng unan.
Natamaan siya sa ulo pero kaagad niya naman iyong hinawi sa mukha niyang nanlalaki ang mga mata, mukhang hindi sinasadya.
"Hala, sorry!" Taranta niyang sigaw at agad na napaupo nang matuwid.
I scooted a little further on my bed so I would be out of her reach before I lifted up my gaze to give her my piercing eyes. Mukhang napawi naman kaagad yung konsensya niya nang magtama ang aming mga mata.
"Pero kasalanan mo naman kasi na nagkasugat ka. Masyado kang mayabang."
At sinisi pa nga ako sa pagkatama niya sa sugat ko!
Inirapan ko siya at binigyan ng middle finger. "Alam mo, kung nandito ka lang para sirain ang araw ko, umalis ka na lang," pagtataboy ko.
"Tse!" Asik niya. "Bakit ka kasi kaagad nakipagkumpitensiya kay kuya Sauyer na expert na 'yon? Magaling na 'yon sumakay!"
I snorted and adjusted my position on my bed that I was now hugging my knees with a pillow on my stomach. "Halata naman."
Napatigil siya sa sinabi ko at mukhang prinoseso pa iyon bago siya bahagyang namula. Ngumisi ako nang kaunti nang binato niya sa akin pabalik ang unan.
BINABASA MO ANG
Always Have Been, Always Will Be
Teen FictionSomersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly settled in the dark, lurking with the impossibles and uncertainties. He believed that he would grow u...