Chapter 10
Sandra
.
"BAKIT? Ayaw makipag meet sa'kin si mr. Nimenzo?" Tanong sakin ni sir. Valerio. "Nilandi mo ba sya?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya.
"Bakla ka! Hindi noh! Dikit tayo ee sayo na yun!" Pabirong sabi ko dito. Yes mr. Valerio and i, we. Treated each other as a siblings so kahit nasa work kami as long as hindi seryoso ang usapan. Ay naglolokohan pa rin kami.
"Eh! Tumawag ako sa secretary nya bakit umayaw? May sinabi ka ba? Omg! Sinabi mong bakla ako?" Pag ooverthink nito.
Tumawa naman ako ng mahina. "Of course! Hindi! Nukaba! Tyaka nag apologize lang ako sa kanya yun lang!" Sabi ko. Ako? Apologize? Baka sya!. Neknek nya!.
"Mabuti kung ganon! Kung ako yun luluhod ako.. ugh!.." Malanding sabi nito.
Naku! Kung alam mo lang. Nagawa ko ng lumuhod sa kanya, para ano? Para mag makaawa. Pero sa huli, wala. Matigas talaga ang lalaking yun! Wala syang puso.
Kung nakakamatay lang ang pag iisip ko sa kanya siguro inuuod na sya ngayon...
Kababalik ko lang sa office ngayon. Dahil nag lunch ako. At nagpatuloy sa pag tipa ng laptop. Gusto ko ng tapusin ang trabaho ng maaga para naman makapag bond kami ni shiloh.
Hindi ko rin problema ang mag aalaga sa anak ko dahil. Kung hindi kay grace ay kay vernon ko ito iniiwan. Mayroon din tutor si shiloh. Madalas sa office ni grace ito. Ngayon naman ay nakay vernon ito dahil wala s'yang work sa ngayon.
Nag paalam ako kay mr. Valerio na uuwi na ako it's already five thirty in the evening. So sobrang late na ako uuwi medyo madami lang work today kaya nag overtime ako.
Bago ako dumerestso sa pag uwi ay binilhan ko muna si shiloh ng cake her, favorite. Yun ang request nya kanina kaya pagbibigyan ko.
Pagkababa ko palang ng sasakyan ay agad na akong sinalubong ng anak ko. Malawak ang ngiti nito kitang kita ang tatlo nitong dimple. Isa sa kanan, dalawa sa kaliwa. Cute..
"Mommy! I miss you!.." sambit nito sabay yakap saki.
"I miss you too! anak. How's your day?" Tano ko dito.
"I'm happy mommy! Tito ninong buy me a toy! It's one lang mommy." Alam na alam ng anak ko na may limitasyon ito. Sobrang talino mana sa'kin.
"Really? Good job baby!.. well si mommy naman ay binilhan ka ng favorite cake!" Excited na sabi ko dto at binuhat ko ito para makapasok na kami.
Pag pasok ko ng kusina ay naabutan ko si vernon at path na nag luluto.
"Hi babe! Bihis kana kakain na." Sabi ni gtace habang yakap ako.
"Ok wait nyo ko ah! Yung cake sa ref muna baka kainin ng maliit na pusa!" Natatawang sabi ko. I was pertaining to shiloh.
After ko maligo ay bumaba ako agad at naabutan ko nga na nagtatawan ang apat. Dumating na rin pala si grace. So kompleto kami tonight.
"Kain na mahal na reyna!" Pag aasar sakin ni vernon. Kainis.
"Wag mo nga ako simulan!" Inirapan ko ito.
Nagsimula na kami kumain. Kung saan saan na rin napunta ang usapan namin. Minsan ay nag aasaran si grace at vernon. Si path naman ay busy ito sa pag subo ng pagkain ni shiloh. Mas mukhang nanay pa nga ata ni shiloh si path at grace eh!.