Chapter 12
Sandra
TATLONG buwan na rin walang paramdam si tj, mabuti naman. Magaan sa pakiramdam kung para sakin. Pero sa anak ko habang lumilipas ang araw ay mas lalo lamang nitong hinahanap ang ama. Naalala ko noong huling kita namin ni tj, yun din ang araw na nagtanong ulit saakin si shiloh. At hanggang sa sunod sunod na. Tuwing maalala nya or tuwing nakakakita sya ng buong pamilya ay hindi nya maiwasang mag tanong kung saan ang ama niya.
Talagang sumuko ang gago. Mas pinatunayan lang nya na hindi ko dapat sya bigyan ni kahit katiting na karapatan sa anak ko.
Ako na ang bahalang mag paliwanag kay shiloh. Ipapa intindi ko ang lahat sa kanya balang araw.
Thanks to vernon dahil pinaparamdam nya sa anak ko ang mga bagay na hindi ko maibigay. si vernon ang naging daddy figure ni shiloh at pinagpapasalamat ko yun.
Mamaya ay birthday celebration ni path. Simple lang ang celebration nito ayaw ni path ng bongga. Napaka simple nyang tao pinili nito ang simpleng buhay kesa sa pagiging marangya.
"Babe! How about the cake?" Sigaw ni grace. Habang nagbabalat ng mansanas.
"Ako na bahala free delivery pa!" Sabi ko sa kanya.
Si vernon ay kasama si shiloh sa labas ng bahay, nag lalaro nanaman ang dalawa. Hindi na kami nag abalang mag luto ng handa ni path dahil nag order na si grace sa kakilala nito. Hinintay nalang namin dumating si path dahil nasa work pa ito. Diba! Kaarawan nya ngayon pero nag tatrabaho pa rin. Samantalang kami lahat nag off.
Ilang oras ang nakalipas ay dumating na ang mga pagkain na i-norder ni grace. Ang kulang nalang ay yung cake.
Isang oras ang nakalipas sa wakas ay dumating na ang cake.
"Hi gab!" Nakangiting bati ko rito at nag beso. " Tuloy ka." Pag aanyaya ko sa kanya.
"Thank you! Ito na pala yung cake." Sabay abot nito sakin. "Sinamahan ko na ng caramel cake para kay shiloh"
"Oh! Thank you! Nakita mo na ba sya? Nasa labas lang sila ni vernon." Tanong ko rito.
"Yeah! Nag hi na sa'kin bait na bata."
"Babe! Pa uwi na raw si-, oh!. You have visitor?!." Nagtatakang tanong ni grace.
"Uhhmm.. grace this is gab, and gab this is grace my best friend." Pag papakilala ko.
Inabot naman ni grace ang kamay na inalok ni gab. At nahalata ko sa mata ni grace nang lumingon ito sakin na mukhang nag tatanong.
"Mag ready na tayo! Pa uwi na si path diba? Uhmm.. gab. Dito ka muna sa sala ha." Sabi ko at hinila si grace papunta sa kusina dahil nagsisimula na itong mag taray."
"HAAAPPY.. BIRTHDAY.. TO YOU..." sigaw namin lahat. Hinihintay namin umingay ay party popper, at nilingon namin si vernon na syang may hawak nun pero hindi nya yun maikot. Malakas namang tumawa si shiloh.
"Sorry path! Ayaw ee happy birthday nalang" sabi ni vernon.
Tumawa lang naman si path. "Thank you all" sabi nito at mukhang napansin na nito si gab. Kaya agad ko naman s'yang pinakilala.
"Uhhmm.. path this is ga- "
"I know, i already know him." Pagpuputol nito sa sasabihin ko. Magka kilala sila?
"Oh? Really! Then let's eat na!" Sabi ko at lahat kami ay pumwesto na sa kaniya kanyang upuan.
"Mag bibihis muna ako guys ha! Ok lang, kain na kayo suusnod ako." Sabi ni path sa amin. Nagka tinginan kaming lahat. Maliban lang kay gab na nakayuko lang. What's wrong with them?.
"Path!" Tawag ko dito na mukhang tatalikod na samin. Lumingon ito na may pagtataka. "Samahan kita." Sabi ko na ikina lingon ng tatlo.
Tumango ito na parang naintindihan ang pakay ko kung bakit ako aakyat kasama sya. Nang maka pasok kami sa kwarto ay agad ko syang tinanong.
"May problema ba? Path?" Tanong ko sa kanya.
Umupo ito sa kama nya at nag bunting hininga ito. May problema nga.
"Why did you invite him?" Tanong nito sakin. Sino? Si gab?, Maybe.
"Si gab? Uhhmm.. kasi ano sakto kasi sya nag deliver ng cake mo. And inaya ko nalang sya to join with us kasi he's one of my friend too." Sabi ko sa kanya. Lumapit ako kay path at sinubukang mag tanong ulit.
"Kung hindi ka komportable ok lang papaliwanag ko nalang kay gab. Maiintindihan nya naman ee" sabi ko.
"No it's fine! It's just.. i only want with the four of you." Sabi nito pero mukhang hindi yun ang tunay na rason.
"Sorry.. babe." Sambit ko at niyakap ito.
Bumaba kami ni path at still kumakain parin sila but i didn't saw gab. Where is he? Umalis na ba? Hindi ko napigilan mag tanong kay vernon.
"Vernon, where's gab?"
"Umalis na may kailangan daw gawin sa coffee shop nya."
There's really something between path and gab. Hays.. bahala na dapat masaya today. Sa susunod na ang tanong for now we need to celebrate!.
"Happy birthday! Tita ninang." Sigaw ni shiloh at niyakap nito si path.
"Ang sweet naman ng baby namin. By the way, where's your gift for tita ninang?."
Hinalikan ni shiloh si path sa pisngi ng maraming beses. "That's my gift po tita ninang."
"Huhu... Wag ka muna lalaki ha! Yun ang wish ni tita." Sabi ni path. Bigla naman akong naluha parang may humplos sa puso ko.
Sobrang mahal nilang tatlo ang anak ko. To the point na minsan iniisip ko na mas naging magulang pa sila ni shiloh kaysa sa akin.
Lasing na lasing na si grace dahil kanina pa ito umiinom. Hindi na namin sya mapigilan sa mga ginagawa nya. Kanina ay nag luto ito ng pansit canton dahil pang pulutan daw nito, ee samantalang maraming ulam na handa si path.
Ako naman ay nag liligpit pa rin. Si vernon at shiloh ay nag paalam sa akin na pupunta ng convenient store. Ewan ko ba sa dalawang yun bibili daw ng ice cream na may apa, hinayaan ko nalang total busy pa ako.
"BABE!!..." Biglang sigaw ni path nasa sala ito ngayon. Agad ko syang pinuntahan at kahit si grace na lasing ay parang nagising ang diwa.
Nang makarating kami ni grace sa sala ay nakita ko na hawak nito ang cellphone at nakita ko sa emosyon nya ang takot.
"Anong nangyare? Bakit?" Tanong ni grace habang pa suray suray itong lumalapit kay path.
Ako naman ay nanatili sa kung saan ako huminto. Kinakabahan ako ano nanaman bang pagsubok toh..
"S- si vernon t- tumawag!" Putol-putol nyang sabi. "D- dumugo daw ilong ni shiloh!"
"Bakit daw? Tanungin mo, tawagan mo..." Nag aalalang sabi ko.
Tinawagan nya si vernon at sinagot naman nito agad. Alam din nya siguro na nag aalala kami dito. Kinausap ko si vernon at pa uwi na raw sila. Hindi na dinala ni vernon sa hospital si shiloh dahil ayaw daw nito gusto na lang nya umuwi. Na-trauma siguro si shiloh n'ong nadulas sya sa cr tatlong buwan na ang nakalipas.
Nakauwi naman sila ng maayos. Yun nga lang ay tulog na ang anak ko.
"Bestpren! Wala akong ginawa ah! Bigla nalang tumulo yung dugo sa ilong." Agarang depensa ni vernon sakin.
"Baliw! Baka nainitan lang, laro kasi kayo ng laro. Sege na akyat mo muna sya mukhang pagod." Sabi ko.
Nasa loob na kami ng kwarto. Agad akong kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang bawat parte ng katawan ng anak ko. Sobrang init din kase talaga ngayon.
Nang pupunasan ko na sana ang binti nito nang mapansin ko ang malaking pasa d'on.
Alam kong hindi normal na pasa lang ito. Halos sakupin na nito ang binti ng anak ko...
See you next...