Work
"Akira, paki dala nga to sa kusina" Napatingin ako sa hawak kong serving plate.
"Ano ba? Bilisan mo naman oh!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw nito. Mabilis akong lumapit sa counter at agarang nilapag ang mga pagkain doon. Nagmamadali kong kinuha ang mga hugasin sa kamay niya. Halos liparin ko ang pagitan ng dirty kitchen at ng lababo.
Mabilis akong nakarating sa likod at nilapag ang mga hugasin doon. Halos madulas ako sa pagmamadali pabalik sa loob.
"Akira?" Nanlaki ang mga mata ko nang salubungin ako ng isang babaing may bitbit na serving plate. punong-puno ng pagkain. Mabilis nitong binigay sa'kin ang hawak nya at tinapik ang likod ko.
"Dali, nag hihintay ang customers"
Naiiwan ang hininga ko sa lalamunan habang naglalakad palabas. Hindi ko alam kung kaninong Mesa ko ilalapag ito.
"Mom?,Where's my food?" Pagmamaktol ng batang babae sa kabilang dulo.
Nakangiti akong lumapit sa banda nila. Sa wakas may paglalagyan na'ko nitong pagkain.
"Why are you so mabagal?" Nanlaki ang mata ko sa maarting akusa sa'kin ng bata.
'Aba?, hoyyy chanak. Kung alam mo lang...'
Kahit nanggigigil ay nakangiti ako habang nilalapag ang pagkain nila.
"What's this?" Ano na naman tong kaartihan mo bhe?
"This is not my food!" namilog ang mata ko nang hampasin nito ang mesa at sumigaw ng malakas.
"Honey?, oh my god!" Nag-simula ng mataranta ang ina. Jusko bhe? Spoiled brat?
'Arte-arte mo tapos iyakin ka pala?'
Natatarantang pinapatahan ng ina ang anak nya. Mabilis akong dumalo at kinausap ang bata. Hawak-hawak ko ang maliit nyang kamay habang kinakausap sya.
Nang mapansin nyang hawak ko sya ay mabilis nyang binawi ang mga kamay nya mula sa'kin at buong lakas akong tinulak.
"NOOOO!" mas lalong lumakas ang boses nya. Halos lahat ng tao sa loob ay na sa'min ang tingin. May ibang nag bubulungan habang pinapanood kami.
Show lang? - tas may taga comment?
Akmang lalapit akong muli sa kanya nang mabilis nitong kinuha ang pagkain sa mangkok at ibinato sa'kin. Sa subrang gulat ko ay hindi ko nasubukang saluin ang mangkok.
Subrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakadungaw sa basag na mangkok sa sahig.
Nalaglag mula sa apron ko ang mga natapong karne. Napa angat ako ng tingin ng marinig ang galit na sigaw ng babae. Pinapagalitan nito ang anak nyang patuloy parin sa pag-iyak.
Alanganin akong ngumiti nang bumaling sa'kin ang ina. Naglakad ito palapit sa'kin at hinawakan ang braso ko.
"Miss, can you please get her order?" Natauhan ako at natatarantang tango.
"Where's my order?" Napabaling ako sa kabilang lamesa. Nakakunot ang noo ng isang babae roon
"Where's the manager? Angkupad ng service nyo rito!" Maarting sigaw nito at taas kilay akong tiningnan.
'Nakikisabay ka ba?'
Natataranta ako kung saan lilingon. Sa kusina ba O sa mesa ng mag ina. O sa pwesto nong impakta. Nagkamot ako ng batok nang makitang makalat ang mesa dahil sa kagagawan ng bata. Mabilis akong lumapit dito at nagmamadaling niligpit ang mga pagkain do'n.
YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
RandomRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...