Notebook
“Eh bakit kilangan mo pang umalis?” Malungkot na tanong ni tatay tiban habang hawak-hawak ang kamay ko.
“Hindi naman po ako pweding umasa nalang sa inyo habang buhay.” malungkot akong ngumiti sa mag-asawang Hindi sang-ayon sa plano ko...
Balak kong lumuwas ng probensya at maghanap ng mapapasukang trabaho sa siyudad. Balak ko ding hanapin ang aking amang kilan man ay Hindi ko nasilayan.
“Kilan ba ang alis mo, Akira?” Si nanay Eva na malungkot ang mga mata.
“Bukas na ho.” Marahan itong tumango at bumaling kay tatay tiban. Saglit silang nagkatinginan at sa huli'y napabuntong hininga na lamang.
“oh sya sige't may aasikasuhin pa ako.” Walang pag-aalinlangan itong tumayo at tumungo ng kusina.
“Hindi kana ba talaga mapipigilan?” Bumalik ang tingin ko kay tatay tiban at tipid na ngumiti.
“buo na ho ang loob ko,tay.” Inabot ko ang mga kamay nitong magkasaklob sa ibabaw ng mesa. Yumuko ito at bumuntong hininga.
“may matutuluyan kana ba doon?” Napa iwas ako ng tingin kay tatay tiban nang Hindi Alam ang isasagot.
“hija, mahirap makipagsapalaran sa buhay lalo na't Hindi ka sigurado sa mga desisyong ginagawa mo.”
“Sigurado po ako tay”
“oh s'ya sige...”
“Ingatan mo ang sarili mo doon. Kapag inagrabyado ka ng amo mo, mag sumbong ka agad sa'kin, ha?”. Mabilis akong tumango at niyakap ang matanda.
Balisa ako no'ng Gabi. Nakatingala sa himpapawid, Nakatingin sa mga kumikinang na bitwin sa langit. Bukas na ang alis ko. Hindi ko alam kung anong kalalabasan nitong desisyon ko. Ipinikit ko ang mga mata at dinamdam ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko. Bumalik ako sa loob nang maramdaman ang pagbabago ng simoy ng hangin. Pikit ang mga mata ko pero bukas naman ang isipan ko. Naubos ang oras ko sa pag-iisip hanggang sa hilain na ng antok ang talukap ng mga mata ko.
Alas sais ako umalis ng bahay at tumungo sa bayan upang mabilis na makakuha ng masasakyan. Lulan ako ng bus na patungong lungsod, susubukan kong mag-hanap ng mapapasukang trabaho Don at kung hindi papalarin ay dedirikta ako ng maynila. Gusto kong hanapin ang tatay ko, s'ya nalang ang tanging matatakbuhan ko sa ngayon. Wala akong kilalang ibang kamag-anak ni mama na maaari kong lapitan.
Itinuon ko ang ilang oras na byahe sa pag susulat ng dairy. Tanging bagahing puro damit lang ang laman ang yakap ko ngayon. Wala akong kahit na anong dala maliban sa pera. Sa ilang taong pag-iipon, kahit papaano ay may magagamit akong pera para dito sa exploration ko.
Natigil ako sa ginagawa nang mapansing may mumunting luhang mula sa mga mata ko. Hapasinghap ako nang sumagi sa isip na wala akong matutuluyan. Maaaring sa tabing kalsada ako mamamahinga pag sapit ng Gabi. Binasa ko ang ibabang labi at marahang ginagat.
“kaya ko to.”
“Oh baba na, baba na...” Naalimpungatan ako dahil sa ingay, agad akong tumayo at niligpit ang dalang bagahe nang makitang nag sisiksikan ang mga pasahiro pa baba.
Nakahinga ako ng maluwag nang makababa na ng bus. Tirik na tirik na ang araw nang tumingala ako.
“A-hh, ale anong oras na ho?” tanong ko sa matandang babaing kabababa lang ng bus.
“alas onse y midya na hija.” Napaawang ang bibig ko at muling tumingala.
“Ohh, salamat ho.” Tanghali na pala. Napahawak ako sa tyan ng maramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.
YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
DiversosRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...