CHAPTER 8

2 2 0
                                    

Toy

Nakasimangot ako habang pinapakinggan ang walang katapusang sermon ni ate Jean. Pabalik-balik itong naglalakad sa harap ko. Nakapamewang. Kulang nalang magdala ng hanger upang paluin ako.

“Sinabi ko naman kasi sayong Hindi maganda kutob ko sa lugar na yun eh!.” Lumalaki ang butas ng ilong niya at inis na ginulo ang buhok nya.

“Tingnan mo yang kamay mo! Ano, Aantayin mo pang mapuno ng galos ang buong katawan mo bago ka umalis do'n?”

“Ate, aksedente lang yon... Atsaka kasalanan ko naman—

“Anong aksedente? Hindi ko tatanggapin iyan, Akira. Hindi porke mayayaman sila ay kaya ka na nilang tapaktapakan!” Napangiti ako sa huli niyang sinabi. Daig pa niya si nanay Eva kung mag sermon.

“At Sino iyong nakakotsing naghatid sayo kanina?” Kinagat ko ang ibabang labi ko at napakamot ng ulo.

“ehh, H-hindi ko alam!” Mas lalong lumaki ang butas ng ilong nito at umawang ang bibig.

“Hindi mo alam?” Sigaw nito.

“P-paanong Hindi mo alam? Ano, Sapilitan ka niyang isinakay?—

“Ate Hindi, ang ibig kong sabihin ay. . . H-hindi ko siya kilala!”

Napasapo ito sa noo nya at problemadong nakatingin sa'kin.

“Sumasakay ka sa mga taong hindi mo kilala, Akira?” kagat ko ang sariling labi habang pinaglalaruan ang dulo ng damit.

“P-paano kung pinagsamantalahan ka non? Paano k-kung Hindi kana nakauwing buhay?” Pumiyok ang boses nya. Napapikit ako at pasekretong sinaktan ang sarili.

“Paano k-kung nakita nalang kitang lumulutang do'n sa ilog at wala nang b-buhay? Ha? Akira?, paano?” Napatakip ito ng bibig upang pigilan ang pag luha. Mabilis akong tumayo at agad siyang niyakap.

“Paano kung hanapin ka sa'kin ng pamilya mo,ha Akira? Anong sasabihin ko?. Aakusahan nila kong masamang tao? Sasabihin nilang bininta kita?, H-human trafficking? Illegal recruiter ako?”

“S-sorry!” Tahimik akong humihikbi habang nakayakap sa kanya.

“hayyy. Ano pa nga ba? T-tahan na...”

“H-huwag mo nang uulitin Yun ah? Mawawalan ako ng lisenya dahil sayo eh! Sayang ang pagiging guro!” Natawa ako at mas niyakap sya ng mahigpit.

“H-hindi ko na uulitin!” Bahagya akong lumayo sa kanya at nginitian sya ng matamis.
Pinalo nito ang noo ko at nag-iwas ng tingin

“Ohsiya, Hali kana't kakain na!” Nagpatianod ako sa hila nito sa'kin. Mabilis ako nitong pinaupo sa bakanting upuan.

Habang inaasikaso niya ang mga pakain sa mesa ay saglit kong binalingan ang kamay kong nababalot ng puting benda. Ngumuso ako.

“Here, let's eat.Akira!” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Saglit na napalunok habang tinitingnan siyang masayang naghahain sa mesa.

“Masarap yan!” Napakamot ako ng batok.

“A-ate?” Nag-angat ito ng tingin sa'kin habang nagsusubo ng pagkain. Nagtatanong ang mga mata.

“A-hh... K-kumain na kasi ako ehh!” Mahinang bulong ko. Natigil ito sa pagsubo at kunot noo akong tiningnan.

“With who?” Nilapag nito ang kutsara at seryuso akong tiningnan.

Pano ba to?

“ihhh...”

“Yong lalaking naghatid sayo kanina?” Mabilis akong napatingin sa kanya. Mabilis na tumango at ngumiti.

Napasinghap ito at ibinaba ang tingin sa pagkain.

Relying On You (AC Series #1) Where stories live. Discover now