CHAPTER 1

19 13 0
                                    

Diary

Alas Syete y midya na ng gabi nang bumalik ako sa bahay. Sumama ako kay nanay Eva sa kanila, don na ako naghaponan. Nakipagkwentuhan na rin ako sa kanila ni tatay tiban tungkol sa mga maligno.

Maraming Alam ang mag-asawa tungkol sa mga hindi pangkaraniwang nilalang, kaya nang maalala ang kahon ay mabilis akong nag paalam sa dalawa at halos liparin ko maliit na kalsada papunta sa bahay nang makaramdam ng kunting takot.

Dinala ko ang kahon sa kama at isa-isang nilabas ang laman nito.
Inilagay ko ang Itim na Rosas sa ibabaw ng isang maliit sa mesa sa tabi ng kama ko. Halos maduling ako sa kakaikot ng mata nang wala akong makitang ibang kulay kundi Itim.

Bukod sa Itim na Rosas ay may isang maliit na kahon na kulay itim din na tinataliaan ng lasong itim. Dahan-dahan ko itong binuksan, nang mahubad ang laso ay mabilis kong tinanggal ang takip nito. Napaawang ang bibig ko nang makita ang laman nito. Isang gold necklace.

"tsk. Akala ko pa naman charm style, chain pala"

"hayyy, matutuwa na Sana ako ehhh. Akala ko pa naman pinadalahan ako ng isang bampira ng regalong puro itim ang laman". Padabog kong hinampas ang matigas kong kama. Inis akong umusog paabanti at kinuha ang kwentas sa loob ng maliit na kahon.

Sinundan ko ng tingin ang pendant nitong kumikinang hanggang sa maipantay ko sa mukha ko.

"tsk.kung charm style ka Sana at may pulang perlas sa gitna, oh ede Sana nag sasaya ako ngayon"

Bumuga ako ng hangin at saglit na pumikit. Muli akong nanghalungkat sa kahon at napatitig sa isang bagay na kumuha ng atensyon ko. Saglit akong napatitig dito, libreta?
Inangat ko ang libretang itim na hindi lalampas sa dalawang pulgada ang kapal. May tali ito sa gitna at may mga ukit ng bulaklak ang pabalat.

Umikot ang mata ko nang makitang walang laman ang mga pahina nito.

"Anong gagawin ko dito?"

"Hindi na ako nag aral kaya anong pang gagawin ko dito?" Binaliktad ko ang kwaderno nang may makitang papel na nakaipit sa bandang likuran nito.

(Write your diary down here, my dear).

Tumaas ang kilay ko sa nakalagay sa note.
Mabilis ko itong tinanggal sa pagkakadikit sa papel at 'nilipat sa dingding.

"Sige."

"para sa'yo, magsusulat ako"

Alas onse y mindya na ako natulog nong gabi. Nagsulat ng dairy, sinulat ang buong pangyayari no'ng araw na iyon.

Nag-inat ako ng katawan nang maramdaman ang sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng lumang dingding. Matamlay akong umalis sa higaan at binuksan ang bintana.

"Ito na ang tamang panahon." Bulong ko sa sarili habang nakapikit, dinadamdam ang sariwang hanging nag papalipad sa bawat hibla ng buhok ko.

Kumunot ang noo ko nang may humagikhik. Napairap ako sa hangin habang unti-unting binababa ang tingin.

"Ano na namang kailangan mo?" Umayos ito ng tayu at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

Tumukhim ito at abot tinga ang ngiti.

"Narinig ko yun!" Umirap ako at tinaasan s'ya ng kilay.

"Ang aga-aga pa, Basti. Wag mo munang sirain araw ko." Umalis ako sa bintana at nag martsa palabas ng silid.

Naningkit ang mga mata ko nang makita s'yang prenteng nakatayu sa labas ng bahay. Lumiwanag ang mga mata nito nang pagbuksan ko s'ya ng pinto.

"Sabi ko na, hindi mo'ko matitiis eh." palakpak nito habang tumatawa. Ulol.

"Alam mo?,Umalis kana bago pa ako magtawag ng aso at ipahabol ka ulit." Nawala ang ngiti nito at napalitan ng hindi ko mawaring ekspresyon.

"A-no kaba, Gusto ko lang namang ibigay sayo to oh." Sumimangot ito habang inaabot sa'kin ang kwentas.

ibinalik ko ang tingin sa kanya at mabilis naman itong ngumiti.

"You want a charm style, right?" nag kamot ako ng tinga at tinalikuran s'ya.

"Mahal yan..." pag mamayabang nito sa dalang kwentas.

"Magkano?"

"150-"

"Alam mo, hindi ka bampira kaya hindi ko matatanggap yan. Walang kapangyarihan yan eh." Pabagsak akong umupo at sinamaan s'ya ng tingin.

"Ano ba kasing meron sa bampira na wala ako?"

"powers,wala ka non."

Naalala ko no'ng unang besis s'yang pumunta dito, tinanong n'ya ako kung anong meron ang bampira na wala sya. Sabi ko kapangyarihan, isang galaw lang ng kamay nila Tapos na agad ang isang bagay. Kaya Hindi ito umalis nang Hindi natatapos ang sisibaking kahoy sa labas.

"bat ka kasi gustong-gusto mo ng bam-

Naiwan sa ire ang sasabihin nya ng makita akong masama ang tingin sa kanya.

"ok, let's move on"

"Anong let's move on? Ikaw lang, ikaw lang naman ang tanga eh." Sumama ang tingin nito sa'kin at padabog na nilagay ang kwentas sa mesa.

"Narinig ko 'yong sinabi mo kanina." nanliit ang mata ko at tinaasan s'ya ng kilay.

"Sinabi mong ito na ang tamang panahon." Nanatili akong nakatingin sa naka simangot n'yang mukha.

"What about that?"

Bumuntong hininga naman ito at bumaling sa labas. Saglit nitong kinapa ang dibdib nya tsaka nagkamot ng ulo.

"Sa-sagutin mo n-na'ko?" Nanlaki ang mga mata ko at humagalpak ng tawa.

" Anong sasagutin ka dyan?"

"H-hindi ba?" Nakaawang ang mga labi nito habang mabilis ang paghinga.

Tumigil ako sa katatawa at tiningnan sya ng maiigi.

"Basti, I'm talking about my job." Nakita kong ilang besis s'yang napalunok.

"Panahon na para mag hanap ng trabaho." lumiwanag ang mukha nito at mabilis na inabot ang kamay ko.

"pwede ka sa'min, Akira..." mungkahi n'ya habang pinipisil ang kamay ko. Mabilis ko naman itong binawi at itinago sa ilalim ng mesa.

"Salamat pero Hindi pwede, basti"

"Bakit hindi?" Nagkibit balikat ako at ibinaling ang tingin sa labas.

"Hindi kita pag tatrabahuin." Bahagya akong natawa at binalingan s'ya ng tingin.

"pwede ba yun?" kumbinsido itong tumango habang magkadikit ang mga palad.

"Hindi pwede basti, kilangan kong magtrabaho. Hindi ako pweding umasa nalang kina nanay Eva." Nanlaki ang mga mata nito at agarang nag Salita.

"Then sa'kin ka umasa. Hindi kita pababayaan."

Matagal bago natapos ang pagtatalo namin ni basti, hapon na nang umalis sya sa bahay.
Gwapo si basti matangkad, Moreno, matangos ang ilong, makisig, at may pera. Pangalawang Anak sya ng mayor ng Rizal, malapad ang lupang sakahan at may mansion sa iba't-ibang panig ng Palawan.

🍵
G'eve

Relying On You (AC Series #1) Where stories live. Discover now