Dizzy
Napabalikwas ako at awtomatikong naimulat ang mga mata. Napahawak ako sa naghuhurmitado kung dibdib at kusang hinanap ng mga mata ang pinanggalingan ng boses.
Natigil ang paglilikot ang mata ko. Kusa itong huminto sa nakaparadang kotse sa harap.
Umangat ang tingin ko sa nilalang na naka sandal dito. Nasa bulsa ang dalawang kamay nito at nakasandal sa gulong ng sasakyan ang talampakan ng kanang paa niya.
Ngumisi ito nang tuluyang umakyat ang tingin ko sa mukha niya. Naka-nganga ako habang pinagmamasdan siyang palapit sa'kin.
“How's your wound?” Nagitla ako nang pagpartihin nito ang mga hita ko at pumwesto sa pagitan non.
Pakurap-kurap ako habang tinitingnan siya. Nakahawak siya sa magkabilang hita ko habang nakangising nakatingala sa'kin.
“Are you alright?” Nakangising tanong nito habang pinipisil-pisil ang hita ko.
Nahihiyang ibinaba ko ang laylayan ng dress ko upang matakpan ang gitnang parte ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumulong siya sa paghila ng suot ko.
“U-umalis ka d-dyan!” Hindi ko maiwasang manginig habang tinitingnan siyang seryusong hinihila ang bestida ko.
“Wala ka nabang damit?” Malayelong tanong nito habang seryusong pinagmamasdan ang damit ko.
“H-huh?” Binalingan ako nito gamit ang matatalim na mga mata.
“Why is it too short?” Marahas akong napalunok.
Hinubad nito ang suot niyang jacket at ipinatong iyon sa hita ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Mag-kasalubong ang mga kilay.
Umupo siya sa tabi ko at hinapit ako palapit sa kanya.
“How's your wound?” Nakabakod ang isang braso niya sa likuran ko. Nasa bewang ko ang kamay niya habang ang isa naman ay sinusuri ang kamay ko.
“Ayos na yan!” Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya at bahagyang umatras.
Lumuwang ang hawak niya sa bewang ko at takang tumingin sa'kin.
“We're not sure. Baka may sugat payan.” Umabanti siya palapit sa'kin at akmang kukunin ulit sa kamay ko.
“H-hindi. Ayos na 'to!” Naiwan sa ire ang kamay niya nang mabilis kong itago ang kamay ko.
Naghuhurmitado ang puso ko. Hindi ko kayang tumingin sa kanya. Alam kong masama ang tingin na ipinupukol niya sa akin Kaya nanatili akong nakayuko. Pinapakiramdaman kung kilan siya aalis.
Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya. Nakatingala ako sa kanyang mahapad na likod nang bigla itong humarap sa'kin. Hindi ko na nagawa umiwas pa. Nakatingala lang ako sa kanya habang naglalakad ito papunta sa harap ko.
Nag-sitayuan ang balahibo ko sa leeg nang tanggalin niya ang jacket na nakapatong sa'kin at muli pag-hiwalayin ang mga hita ko. Agad siyang pumwesto roon.
“Do we have a problem?” Masuyong tanong nito habang tinitingala ako.
“W-wala” Nag-iwas ako ng tingin.
“Then What?” Mas lalong naging malambing ang boses nito nang abotin niya ang pisngi ko. Kinulong ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya habang hinahanap ang mga mata ko.
Tumingin ako sa nang-susuri niyang mga mata. Hindi ko alam pero para akong lumulutang habang pinagmamasdan ang maladagat niyang mga mata.
Gumalaw ang hinlalaki nito pababa sa nakaawang kong mga labi. Bumabagal ang paghinga ko habang pinagmamasdan siyang nakaawang ang labi.
YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
DiversosRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...