Love
Mas lalo ko siyang pinaghahampas nang marinig ang malulutong na mura nito.
“fuck. What the fuck are you doing?” Hinuli niya ang walis tambo at mabilis akong hinila palapit sa kanya.
Binuksan ko ang aking mga mata nang tumama ako sa dibdib nito. Nag-angat ako ng tingin at nakitang madilim ang tingin nito sa'kin. Hawak nito ang bewang ko.
Mapabitaw ako sa walis tambo nang isang beses niya iyong hinila at agad na tinapon sa kung saan.
“the fuck did you straught me?” Napalunok ako at mabilis na lumayo sa kanya.
Kumunot ang noo niya doon. Nagtiim bagang siya at madilim akong tiningnan.
Galit ako sa kanya pero hindi ko maipagkakailang nakahinga ako ng maluwag nang siya ang makita ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na nararamdaman ko ngayon.
“Did someone threatening you?” Isang hakbang paatras nang sinubukan niyang lumapit.
Mariin siyang napapikit nang napansin ang paglayo ko.
“What's wrong baby?” Halos bulong nalang iyon habang masuyong nakatingin sa'kin.
“Anong kailangan mo?” Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at bahagyang pagtataka sa tanong ko.
“Do we have a problem?” mas lalong naging mahinahon ang boses niya.
“May problema ba tayo? Tayo?” Taas noong tumitingin sa kanya.
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata. Saglit lang 'yon kaya hindi ko alam kung guni-guni ko lang.
“Ako, wala naman, ikaw ba?” Muli siyang pumikit at nagpakawala ng malalim na hininga.
“Baby!”
“Bakit hindi ka na lang bumalik sa mga babae mo?” Tumaas ang boses ko sa hindi malamang dahilan.
Umawang ang labi niya at mas lalong mamroblema ang itsura. Nagtagis ang bagang at inilang hakbang lang ang distansya namin. Sa gulat ay hindi kona nagawa pang umatras.
Hinapit niya ako palapit sa kanya. Dinungaw niya ako, mabilis akong yumuko. Takot salubungin ang mariin niyang tingin.
“May problema nga tayo.” Saad niya at agad akong hinila papasok ng bahay.
Akala mo'y kabisado niya ang buong bahay nang paupuin niya ako sa sofa at nagtungong kusina. Kinapa ko ang dibdib ko at dinama ang tibok nito. Napaangat ako ng tingin nang makitang naglalakad ito palapit sa'kin. May isang basong tubig sa kamay.
Umupo siya sa mesang nasa harap ko at inabot ang baso sa akin. Dahan-dahan akong sumimsim doon, nasa sahig ang tingin. Bakit parang natatakot akong magsalita ngayon?
Nang matapos akong uminon ay saglit ko pa iyong tinitigan.
“Pwede na?” Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Madilim ang tingin nito sa'kin.
“Huh?”
Kinuha nito ang baso sa'kin at nilapag iyon sa tabi niya. Galing sa pagkakapatong ng mga siko niya sa sariling tuhod ay ininaba niya ang dalawang kamay sa hita ko. Nasa pagitan ako ng magkaparting hita nito.
“Pwede na nating pag-usapan ang problema?”
“Wala nga akong problema. I-ikaw, baka may problema ka, p-pag-usapan natin” Muli akong yumuko. Kagat ang ibabang labi.
“Ikaw ang problema ko.” Kumunot ang noo ko. Nag-angat ako ng tingin, Hindi na ininda ang mariing tinging ipinupukol niya sa'kin.
“Bakit mo ako pinuproblema? Pinroblema ko bang babaero ka?” Nanlaki ang mga mata niya. Gulat sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
RandomRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...