Hidden
Saglit akong natulala sa hangin habang tinitingnan siya. Madilim ang tingin nito habang nakikipagtitigan.
“Why are you here?” Ulit nito.
Mabilis akong nag-tago nang matauhan. Maingat ko silang sinisilip. Nakatayo lang iyong babae sa harap nito na tila hindi makapaniwalang nasa-harap niya ang ginoo.
Kung hindi ako nag-kakamali. Siya iyong blare na nagkakatuwaan kasama ang mga kaibigan niya sa loob ng restroom.
“Kyros—
Natigilan siya nang iritado siyang tinalikuran ni kerosene at nag martsa Paalis. Mabilis niya iyong hinabol at hinawakan ang kamay.
“Kyros, girlfriend mo'ko!” Padarang niyang hinila ang kamay nito at pasigaw na sinabi iyon.
Napahilamos naman ang isa at marahas na hinila ang kamay niya.
“I don't know you.” Matigas na turan nito.
Napalinga sa paligid ang babae nang tinalikuran siya nito. Mabilis niyang hinabol si kyros ngunit hindi siya nito pinagbigyan ng pansin.
Lumabas ako sa pinagtataguan nang makitang pumasok din ng sasakyan niya ang babae. Saglit pa akong tumingkayad upang makita kung palalabasin ba niya o hindi ngunit bumagsak ang balikat ko nang makitang mabilis na humarorot ang sasakyan nito paalis.
Nanlaki ang mga mata ko nang saglit akong tumingala sa kalangitan. Padilim na at halos naghahalong kulay kahel at rosas na ang mga ulap sa himpapawid.
Bumuntong hininga ako at matamlay na sinisipa ang mga batong nadadaanan. Mas lalo akong nanlumo nang hindi man lang ako direktang hinatid ng traysekil sa direksyong kinatitirikan ng bahay ni ate jean.
Saglit akong huminto sa paglalakad at tumingala. Pumikit ako at nilanghap ang malamig na ihip ng simoy ng hangin. Napabuntong hininga ako at hinayaang liparin ng hangin ang mga tuyong hibla ng buhok ko.
“Ginabi ka ata, hija?” Napatalon ako sa gulat at agad na napamulat.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya, ngumiti siya at saglit na humingi ng paumanhin.
“Pasensya na! Nagulat ba kita?” Mabilis akong tumango na siyang kinailing niya.
“Paumanhin.” Bahagya siyang yumuko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Ang laki na ng pinagbago mo, Zyria!” Nagulat ako sa pangalang binanggit niya.
Muli siyang ngumiti at bahagyang lumapit sa'kin. Natatabunan ng makakapal at mahahabang manggas ang mga braso't binti nito kung kaya't ang medjo may katandaan niyang mukha na tinatakpan ng balabal sa ulo lang ang nakikita ko.
“Marahil ay hindi mo ako kilala, ngunit ito lang ang masasabi ko sayo. Wala kang kakampi sa mundong ito.” Binalot ng kilabot ang buong sistema ko nang hawakan nito ang kamay ko at halos ayaw ng bitiwan.
“G-ginang, Baka po n-nag kakamali lang kayo...” Pinipilit kong ngumiti habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na hawak nito sa kamay ko.
“Hindi ho Zyri—
“Ikaw, ikaw ang magbabago at sisira ng lahat.” Nanigas ako sa kinatatayuan nang ngisihan ako nito at bahagyang hinila palapit sa kanya.
Unti-unti niyang niluluwagan ang hawak niya sa'kin hanggang sa binitiwan na niya ang kamay ko. Muli siyang ngumiti at tinapik ang balikat ko, wala pasabing umalis sa aking harapan. Naiwan akong tulala at hinahabol ang sariling hininga.
“Ohh? Bakit parang nakakita ka ng multo?” Hindi ako sumagot O kahit gumalaw man lang. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto.
“Hoy, ayos ka lang ba?” Agad niya akong nilapitan at hinaplos ang mukha ko.
YOU ARE READING
Relying On You (AC Series #1)
De TodoRelying On You: Nyphzgyrie Akira Vulier one of the most mapantasyang nilalang sa mundong ibabaw, charrr... Isang dalagang nasanay sa buhay brobensya, isang dalagang Hindi kilan man nasilayan ang kanyang ama't, ina. Tumayo sa sariling mga paa. Tingg...