CHAPTER 14

3 2 0
                                    

Kiss

Tamad akong nag lalakad pabalik ng kusina habang bitbit ang serving plate. Maaga pa naman Kaya halos wala pang customer. Hindi ako pinapansin ng mga kasamahan sa loob kaya nawalan din ako ng ganang kausapin pa sila. Napabuntong hininga ako.

“Ms. Vulier!” Natigil ako sa paglalakad at mabilis na lumingon.

Napaayos ako ng tayo.

Kinabahan ako. Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Pinagtaasan ako nito kilay at pinagkros ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.

“Kibago-bago mo, ganyan kana 'agad?” Tanong nito sa hindi kaaya-ayang tuno.

“P-po?” Bahagya siyang tumawa at umaktong nagulat sa tanong ko.

“I don't know if you really don't get what I said. O talagang Bobo ka lang?” Pag-iinsulto niya at bahangyang tumawa.

“S-sir—

“Aba? Ang kapal din talaga ng mukha mo ano?” Mas lalo akong nag taka sa sinabi niya.

“Ho?” Nag sitawanan ang iba ko pang kasamahan at sinabayan pa ng pag-iinsulto ng iba.

“Ang Bobo mo naman...” Sabat ng isa.

“Walang ni-isang mapangahas na tumawag sa akin ng ganyan, except you.” Nabalik ang tingin ko kay sir  Rumulo.

Mas lalong Hindi ko nakuha ang pinupunto niya.

Napalunok ako at bilisang sinuyod ang paligid. Alam kong bakas sa mukha ko ang pagkalito. Kinagat ko ang labi ko at muling tumingin kay Sir Rumulo. Nakataas ang kilay nito habang pinapanuod ako.

“How stupid?” Halakhak niya na sinabayan din ng mga tagapagsilbi.

“Ok fine. At dahil Bobo ka, let's make this easy...” Ngisi niya ng may pang-mamaliit.

Inabot niya ang braso ko at dahan-dahang lumapit sa'kin. Bahagya niyang kinurot iyon at nang nasa tapat ko na ay mabilis niya akong hinigit. Napadaing ako.

“You don't have right to call me Sir.” Hinawakan niya ako sa panga.

Humigpit ang hawak ko sa serving plate na bitbit habang tinitingnan siya. Nag-pupuyos na ako sa galit, Ngunit hindi maaari.

“It's Madam,not Sir.” Mas humigpit ang hawak niya sa panga ko pero hindi ako nagpatinag. Nanatili akong nakatitig sa malalaki niyang mga mata.

Sarkastikong ngiti ang sumugat sa mga labi niya. Tila ba hindi nagustuhan ang inaasal ko ngunit hindi niya ako maaaring saktan.

“Kibago-bago mo pero dami-dami mo nang kasalanan sa'king hinayupak ka!” Malumanay ang pagkakasabi niya non pero bakas sa tuno niya ang inis.

Tinampal-tampal nito ang pisngi ko habang nakangisi. Nag-tiim bagang ako at hinayaan siyang gawin iyon. Napapikit ako nang isang malakas na sampal na ang iginawad niya sa akin. Humalakhak siya at pabagsak akong binitawan.

“Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ng kapatid ko at ipinasok ka niya rito!” Bumilis ang pag-hinga ko nang hilain nito ang buhok ko at iyon na naman ang pinaglaruan.

Nagtagis ang bagang ko at mabilis na nag-mulat ng mata. Matalim ko siyang tiningnan. Nanlaki ang mata niya at agad na humalakhak.

“I can't believe this...” Tumawa siya at luminga-linga sa paligid.

Tumigil siya sa kakahalakhak kasabay ng paghila niya sa buhok ko. Napadaing ako. Hawak niya ang buhok ko habang mahigpit naman ang hawak ng isang kamay niya sa panga ko.

Akmang mag sasalita na siya nang awatin siya ng isa sa mga tagapagsilbi. Inis niyang binalingan iyon. Agad na yumuko ang babae at bahangyang lumayo.

“M-may nag-hahanap po sa inyo, madam!” Magalang na wika nito.

Relying On You (AC Series #1) Where stories live. Discover now