Chapter 14
Sandra
LAHAT kami hindi na mapakali. They gave us twenty four hours to save shiloh. And now lahat na ng pwedeng tawagan for a donor, ay tinawagan na namin. Pero ni isa wala.
Dumating si grace na mula sa company nya and nakikita ko ang pag aalala nya. Si path ay hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan kanina.
"Sandra we have no choice, but to call him please..." Sabi ni grace sa akin.
"Hahayaan mo mag suffer yung anak mo? Para lang sa pride sandra?" Prangkang sabi ni path.
And now, it's sandra so i know they're mad.
"Answer me! Anong balak mo? Ha?" Pagtatanong ulit ni path.
Si grace ay umiiyak na rin ngayon. Actually lahat kami. Si vernon tahimik na nasa gilid na nakikinig lang sa usapan.
"Do something babe! Please... You have to wake up! I'm begging you right now.. save shiloh... Please..." Lumuhod na si grace sa'kin habang humahagulgol ito. Tumalikod sa amin si path na lumakas rin ang pag iyak nito.
Hindi ako makapag salita, hindi rin ako maka galaw. Ayaw mag response ng utak ko sa mga nanyayare. Hindi ko alam, hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Hindi ko alam kung paano ako hahakbang palabas ng kwarto kung saan ang kinaroroonan ng anak ko.
"Bespren" tawag sa'kin ni vernon. "Bespren diba gagagwin mo lahat?" Mahinahong tanong nya sa akin, at napatango naman ako sa tanong nya. "Bespren ito na yun, ito na yung lahat. Gawin mo na please... K-kung hindi mo kayang mawala ang anak mo g-ganon rin kami."
Napahagugol ako sa sinabi ni vernon. Pinaalala nya sakin ang isang bagay na pwede kong gawin para sa anak ko.
Tama sya, tama silang tatlo. I need to do everything.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at napalingon silang tatlo sa akin. Tinignan ko sila isa isa.
"Please! Pakibantayan muna si shiloh. Tawagan nyo ko if something's happen." Hindi ko na hinintay ang sagot nila lumabas na ako ng hospital room.
Pumara ako ng taxi pagkalabas ko ng hospital. Sobrang init sa labas dumadagdag sa sama ng pakiramdam ko.
Habang nasa daan iniisip ko kung ano ang mga posibleng mangyare. Sana lang talaga may humaplos sa puso nya. Knowing na sinukuan agad n'yang pakiusapan ako na ipakilala ko sya sa anak ko.
Kung noon sya ang nagmakaawa. Ngayon ako naman. Magkaiba nga lang ng sitwasyon.
Kasabay ng panginginig ko nang makarating ako sa kompanya nya. {TJNC} limang taon na rin ang nakalipas at ngayon na lang ulit ako makakapasok dito.
"Good morning ma'am" bati sa akin ng guard. Ngumiti lang ako dito. Akmang papasok na ako nang biglang pinigilan ako. "ID po ma'am"
Wala akong dala ni isa, tanging cellphone at pamasahe lang ang dala ko.
"Manong wala po akong dalang id, pero saglit lang po ako." Pagpupumilit ko dito.
"Ma'am pasensya na po, utos lang ma'am."
Tumango nalang ako kay manong. Naisip kong maghintay nalang dito sa labas, pero naalala ko si ms. Palma. Tama susubukan kong tawagan si ms palma.