Chapter 17
Sandra
NGAYONG araw, ang pag labas ni shiloh sa hospital, finally, after many months ay pinayagan na itong makalabas. But still we need to be careful, and babalik pa kami every two weeks.
Simula nang magkita ang mag ama, ay hindi na sila mapaghiwalay, minsan naiinis na ako dahil hindi na ako masyadong napapansin ni shiloh. Laging daddy, ang bukang bibig nito.
Kagaya ngayon, kararating ko lang dahil inayos ko muna ang pag release ni shiloh dito sa hospital, at naabutan kong naglalaro ang dalawa. Ang lawak lawak ng ngiti ni shiloh everytime na kasama nito ang daddy nya.
"Shiloh anak!" Tawag ko rito.
Lumapit naman agad ito sa'kin na ikina ngiti ko.
"What? Is it mommy," tanong nito at nagpa karga na nga. Ang bigat na ni shiloh.
"We need to go home na." Sabi ko na ikinagulat nya.
"Really? How about daddy?" Tanong nito. Naku... Shiloh ah puro ka na daddy. "Daddy will stay here, mommy?" Tanong ulit nito.
Sasagot na sana ako nang unahan na ako ni tj.
"Uuwi tayo anak." Sagot nito.
"Really! We're going to be a family?" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni shiloh. Nilingon ko naman si tj na may patango tango pa itong nalalaman.
No! Hindi pwede, ayoko! Uuwi kami ni shiloh sa bahay ni grace, hindi sa bahay ni tj.
"Shiloh anak, uuwi tayo sa bahay ni tita ninang, ok." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Uuwi si daddy sa bahay nya."
"Why we can't be, together?"
Ipapaliwanag ko sana kay shiloh ang sitwasyon, pero bigla nalang binuhat ni tj si shiloh. Isang kamay lang ang pagkakabuhat nya sa anak ko, at sa kabila naman ay ang mga ibang gamit.
"Let's go." Sabi ni tj at dere-deretso lang itong lumabas. Sumunod naman agad ako, dala ko ang mga iba pang gamit ni shiloh.
Nahihirapan man akong dalhin ang mga gamit, pero hindi ko ininda yun, dahil sa bilis maglakad ni tj.
Nasa parking lot na kami ngayon, at nasa unahan ko pa rin ang dalawa. Nang mahanap ko na ang sasakyan ay parang guminhawa ang pakiramdam ko. Ang bigat ng mga dala ko sobra.
"Tj!..." Tawag ko sa kanyan. "Tj!..." Sigaw ko ulit, pero hindi ako nilingon at dere-deretso lang ito. "Tj... Ano ba? Nalampasan na natin ang sasakyan ko!" Iritadong sabi ko, pero tuloy tuloy pa rin itong naglalakad.
Ewan ko ba kay shiloh, parang hindi rin ako naririnig. Huminto din sa wakas si tj, at alam kong sa kanya ang sasakyan kung saan ito tumigil. Binuksan nito ang back compartment ng sasakyan nya, at inilagay ang ibang gamit na dala nito, habang buhat pa rin nito si shiloh.
Lumapit naman agad ako sa kanya at akmang kukunin ko si shiloh, nang bigla nitong iniwas ang anak ko.
"Tj! Akin na si shiloh." Mariing sabi ko sa kanya.
Bigla akong kinabahan nang buksan nito ang sasakyan at agad na pinasok doon si shiloh. "Tj! What are you doing?..." Naiiritang sambit ko rito.
"What? I-uuwi ko na, ang anak ko."
"Kami lang ni shiloh ang uuwi." Pa galit kong sabi. At bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan, pero bigla nitong tinabig ang kamay ko.
"Ano ba? Tj!" Sinubukan ko ulit buksan ang pinto ng sasakyan pero bigo ulit ako.
"Kunin mo ang ibang gamit ni shiloh sa sasakyan mo." Utos nito sa akin.
"Bakit ko gagawin yun? Kailangan na umuwi ni shiloh, nababaliw ka na ba?" Sigaw ko sa kanya.
"Uuwi sya sa bahay KO!" May diin yun. "Kung gusto mo sumama ka." Sabi nito.
"No! Hindi kami sasama sayo, kaya akin na ang anak ko." Pasigaw kong sabi sa kanya. Pinipilit ko pa rin buksan ang pinto ng sasakyan nya, at ganon rin sya sa pagpigil sa'kin na wag buksan ito.
"ANO BA!!" Biglang sigaw nya sa'kin.
Napatigil ako do'n, and the same time, i heard shiloh was crying, mukhang nagulat rin ata. Tumingin ako kay tj, na mukhang nagulat rin sa sa sarili n'yang kagagawan.
"Open the door!" Nang gigigil kong sabi.
Binuksan naman agad nya ito, at biglang yumakap sa akin ang anak ko, at iyak pa rin ito ng iyak.
"Hush... Baby, mommy is here. It's ok..." Pag aalo ko kay shiloh. Tumingin ako ng masama kay tj.
"I'm sorry I-"
Hindi ko na pinatapos ang gusto pa n'yang sabihin. Dahil ayokong marinig pa ang boses nito.
"Tama na tj... Tama, na... Wala ka naman alam gawin kung hindi manghingi ng sorry." Sumbat ko sa kanya. "See? Wala pang isang linggo na magkasama kayo, pero mukhang takot na sayo yung bata."
Napayuko nalang sya sa mga sinabi ko.
Tumigil na sa pag iyak si shiloh, at mukhang nakatulog na ito sa balikat ko. Nangangawit na ako sa totoo lang, hindi rin ako makababa ng sasakyan ni tj dahil, tinambak nya sa gilid ko ang mga ibang gamit namin na kinuha nya sa sasakyan ko.
Nasa driver seat ito, ngayon at nakatingin lang sa kawalan. Ayoko mang magpahatid ay wala akong choice, dahil sa sitwasyon ko ngayon, ay mukhang wala akong takas.
"Ihatid mo nalang kami sa bahay ni grace." Pagkasabi ko na nagpabalik sa kanya sa pagkatulala.
Tumango lang ito sakin. Mamaya ko nalang kukunin ang sasakyan ko, magpapahinga lang ako ng konti, dahil di ko na kaya ang pagod na nararamdaman ko.
Habang nasa byahe, naisip kong umidlip muna. Sobrang pagod ako ngayon, parang ngayon ko nararamdaman ang lahat ng pagod ko sa ilang buwan namin sa hospital.
Nagmulat ako ng mata, dahil may naramdaman akong pumalo sa mukha ko, mahina lang iyon pero sapat na para magising ako.
Kamay pala ni shiloh na sobrang tulog pa.
Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto kong wala na kami sa sasakyan. Hindi rin ito ang kwarto namin ni shiloh. Paano kami napunta rito? Kaninong kwarto ito?
Lumingon ako sa paligid ng kwarto, then i saw the picture of tj. No! Hindi pwede toh!. Lumabas ako ng kwarto and there i saw tj drinking a beer, Infront of his laptop.
"You're awake!" Sabi nito na hindi man lang ako nito nilingon.
Oo gumising ako para patayin kang hayop ka...
"Ano itong ginagawa mo tj, kaninong bahay ito? Sabi ko kay grace mo kami ihatid, hindi ba!"
"Hindi nyo bahay iyon, sandra. Dito ang bahay nyo."
"Fuck! You! Tj! Hindi kami dito titira ng anak ko." Sigaw ko sa kanya.
Lumapit ito sa'kin at hinawakan ako nito sa braso, at hinila ako nito sa isa pang kwarto. Nagpupumiglas ako pero, walang wala ang lakas ko sa lakas nya.
"Ano ba?... Bitaw-"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla nalang ako nito hinalikan...
Bitin! Haha
See you next...