૮₍ ˶ᵔ ᵕ ᵔ˶ ₎ა

3 1 0
                                    




It's almost 10 in the evening and nandito pa rin ako sa lansangan buhat nang nasiraan ako ng gulong kaya't kapilitan ay maghihintay ako ng taxi.

The cold wind brushed against me, that never failed to make me shiver.

Nakakatakot lalo na't bali-balitang madaming nawawalang kababaihan nitong mga nakaraang linggo na wala ni isang may alam kung saan napunta ang mga ito.

[/*beep]

Businang nag-paigtad sakin mula sa aking kinatatayuan.

Dahil sa gulat ay hindi agad ako naka-kilos at nanlalaki ang matang nakahawak saking dibdib.

"Saan tuloy nyo ma'am?" a baritone yet classy voice who made me flinch—the taxi driver.

I cleared my throat before answering his question.

"S-Sa Purok Dos Lorenzo Street kuya." sagot ko habang nakayuko papasok sa taxi.

Nagsimula na itong mag-maneho nang mapadako ang tingin ko sa rearview mirror ng taxi.

'G-Gwapo.' bulong kong sabi na tila narinig nito.

"Ma'am?" maang na tanong ito.

"N-Nothing, just drive me home kuya..." sagot ko at bumulong 'in your home'.

Kita ko naman itong tumingin sakin at ngumiti.

Makalaglag panty ackkk!!

Pero bigla akong may naalala.

What if siya pala yung kidnapper? Paano  kung patayin niya ako? Paano kung ibenta niya mga laman-loob ko?

Dahil sa pagka-taranta ay napasigaw ako.

"PARAAAAAAAAAAA!!!" gulat namang napa-preno si kuyang driver na pogi.

"Anong problema ma'am?" nag-aalalang lumingon ito sa pwesto ko.

"B-Bababa na ako, dito nalang heto bayad k-kuya." dagling ani ko at agad iniabot ang bayad sabay labas.

Kita ko naman ang pagkamot nito sa ulo pero di ko na ito nilingon pa ulit at naglakad ng mabilis.

Hingal ako nang mapadpad ako sa isang madilim na waiting shed.

Mauupo na sana ako sa bungad ng shed ng mamataan kong may lalaking mukhang adik na nasa pinaka madilim na parte nito.

'Kung minamalas ka nga naman oh.'

"Baka gusto mo kong samahan dito miss?" ani nito na syang mas nagpakaba at hindi nagpatigil mula sa paghakbang palayo mula sa kinaroroonan nito.

Hindi ko ito nilingon at humakbang ulit palayo, ngunit huli na ng matanto kong hindi lang pala siya ang naroroon... may apat pang lalaki ang naka-pwesto sa bawat sulok ng shed at ang isang pinaka malapit ay nahila ang palapusuhan ko.

"Ano ba?! Bitawan nyo ako!!" matapang kong piglas sa mga ito.

"Aba lumalaban tol" sabat nung isang may hikaw sa kilay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OS#1 :: TAXITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon