Chapter 19
Sandra
NASA byahe na kami ngayon. At nagpahatid ako kay tj, syempre para may silbi rin. Wala rin naman akong choice dahil wala pa rin sina grace at vernon.
"Mommy? Where are we going?" Tanong ni shiloh.
"Uuwi na anak." Maikling sagot ko.
Actually kinakabahan na ako. Wag sana umiyak ang anak ko mamaya kung sakaling umalis na si tj. Sobrang magkalapit na ang mag ama, at kinakabahan ako baka mas piliin, na ni shiloh si tj kaysa sakin.
Nang makarating kami ay pinagbukas nya kami ng sasakyan. At binuhat nito si shiloh na nakatulog na.
Inaya ko syang pumasok. Diba? Parang bahay ko? Pina akyat ko si tj sa kwarto namin ni shiloh, dahil nga buhat nya ito.
Binaba nito si shiloh sa kama, muntik pa itong umiyak pero nakatulog din naman agad. Nilibot ni tj ang tingin sa buong kwarto. Makalat ito sa totoo lang dahil sa ilang buwan rin kami sa hospital.
"About sa sinabi ko-"
"Tj, still a no! Hindi mo kailangang gawin yun."
"I have to, sandra. Are you? still comfortable here?. Do you think it's always ok to your friend, that you two live here with her?"
"Pag aawayan nanaman ba natin to tj." Naiinis kong sabi "bumaba ka nalang muna or kung gusto mo umalis kana." Pagtataboy ko sa kanya.
Lumabas na si tj sa kwarto at narinig ko ang sasakyan nitong papaalis. Marunong din naman palang sumunod, pinagpapasalamat ko nalang na tulog si shiloh, dahil for sure iiyak nanaman ito.
Habang tulog ang anak ko ay sinamantala ko ang magluto ng pananghalian namin. Pinagluto ko si sandra ng adobong manok since favorite nya iyon.
Hindi pa ako tapos magluto nang nakita kong pababa na si shiloh sa hagdan. Agad ko naman itong inalalayan, hindi nakatakas sakin ang paglingon nito sa bawat sulok ng bahay na parang may hinahanap ito.
"Daddy?.."
She's looking for her dad, nakakatampo ka na anak.
"Mommy!... Where's daddy?"
"Umuwi na si daddy anak" sagot ko.
"H- he left me again..." Humihikbing sabi nito.
Agad ko naman binuhat si shiloh, at pinapatahan ito. Ito na ang sinasabi ko, ito na ang kinakatakutan ko, ang mangulila lalo ang anak ko sa ama nya. Hindi rin pwedeng magsama kami ni tj sa iisang bubong, dahil wala rin magandang mangyayare.
Ang magkasama lang kami ng isang buong araw ay puro nalang sumbatan, at pisikalan. What more kung magkasama kami palagi.
Wala na, hindi ko na mapatahan si shiloh. Hindi ko rin mapakain dahil ayaw nya. Ang worse dito ay kailangan na nya uminom ng gamot.
"Shiloh... You need to eat na!..." Pangungumbinsi ko sa kanya.
"No... I want daddy..." Sabi nito. At mas lalo pang umiyak.
"Ayaw mo kay mommy?" Pagtatanong ko sa kanya. "Mommy is here, mommy loves you so much"
"Daddy don't love me?" Umiiyak pa rin nitong sabi. That's why we can't be together."
Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong umiyak dahil sa mga katagang sinabi ng anak ko. Pinaupo ko sya sa upuan sa harap ng hapag. At pagkatapos ko syang pinaupo, ay tumalikod ako agad, pinigilan ko ang sarili ko na mapahikbi, ayokong makita ako ni shiloh na ganito.