Chapter 20

682 8 1
                                    

Chapter 20





Sandra






ISANG buwan nang pabalik balik si tj dto sa bahay ni grace, buti nalang at pumayag ang mga kaibigan ko na magpunta rito si tj. Ewan ko ba bakit parang, andali sa kanilang magpatawad. Parang nung nakaraan lang ee galit na galit sila kay tj, and then now?

Nakapag usap na kaming lahat tungkol sa paglipat namin ni shiloh, si grace at path ay hinintay naming makabalik dito para pag usapan ang tungkol dun.

Huling gabi nanamin ni shiloh sa bahay ni grace, nasa labas ang mag ama at busy sa paglalaro. Ako naman ay nililinis ang buong kwarto, niligpit ko ang lahat except sa hihigaan namin mamaya.

Maya maya lang ay pumasok si tj sa kwarto buhat nito si shiloh na tulog na.

"Sa kwarto muna ni path si shiloh, medyo maalikabok pa." Sabi ko.

Tumango ito at inihatid na si shiloh sa kabilang room, hinayaan ko nalang syang gawin yun. Pagod na ako, gusto ko na rin matulog. Pero nakakahiya naman sa kaibigan ko kung aalis kaming makalat ang kwarto.

"You need help?"

Napalingon ako sa kanya, nakakagulat lagi nalang pasulpot sulpot. "Hindi na, patapos na rin ee"

"I think, kailangan ko na ilagay mga luggage nyo sa kotse para bukas wala na masyadong gagawin."


"Kahit yung iba lang muna, then matulog ka na after." Walang lingon kong sabi sa kanya.

Maya maya pa ay natapos rin ako sa ginagawa ko sa wakas. Si tj naman ay hindi pa. Sobrang dami naming gamit, at hindi ko pa sinama lahat dahil nag iwan pa ako ng iba dito baka sakaling maisipan namin bumisita dito.

"Tama na muna yan. Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas." Sabi ko sa kanya.

Doon sya matutulog sa room ni vernon, since vernon is not here. Si grace ay panay ang out of town, hindi ko alam kung business pa ba yun. Si path naman, malamang nasa province ito. So in short, kaming tatlo lang rito.

Pagkatapos kong maligo ay dumerestso ako sa room ni path kung saan nandon si shiloh. Nagulat ako dahil nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si tj na tulog na tulog. Hindi ba nya narinig ang sinabi ko? Dibale na sa room nalang namin ni shiloh ako matutulog.



........




Nang makarating kami sa dating condo ni tj, ay inayos ko agad ang mga damit namin ni shiloh. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkapasok ko palang dito. Parang bumalik sakin lahat, parang walang nagbago sa condo nya, at ngayon andito ako sa kwarto kung saan ako ginagamit ni tj noon.

Nagpunas bigla ako ng luha dahil bumukas ang pinto, at paglingon ko ay si tj yun. Lumapit ito sa akin at kinuha ang mga ibang damit.

"Ok lang, ako na" sabi ko sa kanya.

"Samahan na kita, busy naman si shiloh nanunuod. Para makapag pahinga ka rin." Mahinahon na sabi nito.

Tumango ako bilang pag sagot. "Uhm.. tj, pwede ko bang iwan muna saglit si shiloh sayo?" Sabi ko na hindi sya nililingon.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

Humarap ako sa kanya, para sana sumagot. Pero umalis ito bigla. Bastos talaga kahit kailan. Lumabas ako ng kwarto at sinundan ko ito sa kusina.

"Tj, kinakausap kita."

"Makikipagkita ka sa lalake mo?"

Nabigla ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? So may issue pala sya.

Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now