5: SB19 StellVELLEster

115 7 8
                                    

VELLE POV

Nagising ako ng may nagdo-doorbell sa pinto. Nakita ko na natutulog pa sina Xi-Ann at James sa tabi ko.

"Wait! Nandyan na! Sino ba yan---- Ayyyyyy!"

"Aray ko! Stell?"

Sa gulat ko ng makita si Yani ay bigla kong naisara ang pintuan. Nawala sa isip ko ang maging si Stell at yung normal na boses ko bilang si Starvelle ang nagamit ko.

"Ano yun Ate---"

"Shhhh..S-Si Yani n-nasa labas." bulong sa kagigiising lang na si James. Si James na ang nagbukas ng pinto at pumasok na ako sa kwarto para makapag ayos ng sarili ko.

"Aray ko. Nagulat ako. Bakit mo naman ako pinagsarahan ng pintuan Stell?" rinig kong sabi ni Yani mula sa sala at lumabasa na rin kaagad ako.

"P-Pasensya ka na, Y-Yani." sabi ko pero deretso lang siyang nakatingin mga mata ko. Pero ako ay hindi makatingin ng deretso sa kanya.

"May iba ba kayong kasama dito sa bahay?" tanong nito kay James pero nakita ko na sa akin siya nakatingin.

"A-Ahm..si X-Xi Ann!" Palusot na sagot ni James. Mukha namang naniwala itong si Yani sa sinabi ni James.

Marami pa talaga akong dapat matutunan at makasanayan. Hindi pala madaling magpanggap bilang ibang tao.Kahit na kambal ko pa ang gagayahin ko.

Nandito kami ngayon sa Meeting Room ng 1Z kasama ko ang mga boys at pati na rin si Yani.

"Feeling ko talaga may threat sa buhay nating lima eh. Kaya kailangan natin planuhin kung paano natin poprotektahan ang bawat isa." Sabi ni Pablo.

"T-threat? A-anong p-paano mo nasabi?" Tanong ko kay Pablo. Possible kayang may kinalaman ang sinasabi niyang threat sa nangyari sa kapatid ko?

"Well, while you were in Japan, nakatanggap kami ng isang anonymous email at mukhang may nagbabanta sa buhay natin." Sabi ni Josh.

"Kaya nga kinontact ka namin agad kasi ikaw ang malayo dito nung mga oras na yun." Sabi naman ni Justin.

"Wala bang something weird kang naramdaman while you were in Japan? Or kahit yung feeling na parang may sumusunod sayo?" Tanong naman sa akin ni Ken.

Ngayon ko naalala na nung araw na dumating si Stell sa Japan ay naramdaman ko na may nagmamatyag sa bahay ko. Posibleng yun ang may kagagawan sa nangyari kay Stell!

"Uy! Istel! Okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?!" Tanong ni Pablo sa akin at nakita ko namang nakitingin silang lahat sa akin ngayon.

"H-Ha? Ahm.. w-wala naman...o-okay lang naman ako." Pilit kong pinakakalma ang sarili ko kahit na alam kong hindi normal ang takot na nararadaman ko ngayon. Iniisip ko na kung pinagbabantaan nga talaga ang buhay nila, siguro naging madali para sa nagplano nun na galawin si Stell dahil malayo ito sa kanilang apat.

"Ano ng gagawin natin? Ang dami pa naman nating naka line up na schedule sa mga susunod na buwan. Hindi naman natin pwedeng i cancel yun dahil lang sa may banta sa buhay natin." Sabi ni Justin.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now